Sunday, October 4, 2020

49 Facts About Me

 At dahil 49 years old na ako this year, here are 49 Facts about me.

1.) Maliban sa saba, hindi na ako kumakain ng ibang klase ng saging.

2.) Hindi rin ako kumakain ng talong, promise.

3.) Sa prutas naman, ayaw ko sa chesa at mabolo.

4.) Nuong teenager ako, nag shoplift ako ng ilang items sa isang bookstore. Sige na nga, sa National Bookstore sa Cubao yun ha ha ha. My first and last.

5.) My first sex experience is when I was already 32 years old he he. So late bloomer.

6.) Hindi ako naka-graduate formally ng high school. But technically, graduate ako ng high school through PEPT ng DECS nuon.

7.) I have a goal of visiting all SM Mall branches all over the country.

8.) Na-operahan at natanggalan na ako ng appendix. May surgery scar ako sa lower abdomen ko.

9.) First time ko makasakay ng eroplano last 2017 lang. Ha ha I am so late.

10.) First cellphone ko ay Nokia 3210.

11.) Favorite colors ko ang black and blue. Or anything na dark ang hue.

12.) Naging Abante-Tonite writer/contributor din ako in a while.

13.) Nagpadala ako ng ilang letters kay Xerex Xaviera and some of them were published.

14. May libro akong nailabas in 2011 entitled Bakla Bakla Paano Ka Ginawa?

15.) I am a veteran game show contestant. Ilan sa mga nasalihan kong game shows ay Who Wants To Be A Millionaire, 1 Versus 100, You And Me Against The World, Pinoy Bingo Night, Let's Ask Pilipinas at marami pang iba.

16.) Hindi pa ako nakakalabas ng bansang Pilipinas.

17.) First time kong sumakay ng barko nuong kasal ng kapatid ko sa Mindoro.

18.) I have a step sister named Maricel.

19.) Suwi daw ako nang ako ay ipanganak. Kaya daw magaling ako maghilot ng mga natitinik.

20.) Isinilang ako sa UST Hospital sa Maynila.

21.) Nagpalipat lipat kami ng ibat ibang tirahan. Mula sa Maynila, Kalookan, Marikina at ngayon ay dito sa Antipolo.
Namalagi rin ako sa mga probinsya ng aking mga magulang sa Camarines Sur at La Union.

22.) Naging fastfood crew din ako nuon sa ilang mga food chains like Dunkin Donuts, Mister Donut, Burger Machine, Kowloon West, Giacominos, Select, Joe Kuan at iba pa.

23.) Nakapagtrabaho din ako sa isang pabrika as a machine operator sa Dynasty Corporation.

24.) At bilang isang warehouseman and deliveryman sa Imarflex.

25.) Pinakamaiksi kong stay sa trabaho ay six hours. Hindi ko kinaya ang work na sobrang bigat kaya umalis agad ako ha ha ha. Nang walang paalam.

26.) Pinakamatagal ko namang stay sa trabaho ay 7 years.

27.) Naranasan ko na ding maglayas sa bahay nuong aking kabataan. At hindi lang isang beses kundi tatlong beses huh.

28.) At naranasan ko na ding matulog sa Manila Bay Breakwater.

29.) At naranasan ko ding maihian nang isang lasing na kasama ko sa pagtulog. Buwisit paggising ko ay basang basa na ang pants ko dahil naihi sa kama ang punyetang lasing na yun huh.

30.) I have a stage fright. I tremble a lot when I get to speak in front of so many people.

31.) Kaya naman dahil dito ay kinailangan kong magpakonsulta sa isang Psychologist to address this problem of having a stage fright. Minsan nakakaapekto na siya sa work ko.

32.) I am partially color blind.

33.) Alam ko ang capital cities and towns ng lahat ng bansa sa buong mundo at lahat ng probinsya sa Pilipinas.

34.) Na experience ko ang mag pantomime nuon bilang isang church event performance. And we were damn so applauded.

35.) Nag-take ako ng Scriptwriting Course nuon sa GMA 7.

36.) Hindi ako mahilig sa anumang uri ng sports. I don't subscribe to any physical activities except jogging and some exercises.

37.) Nagoyo na rin ako ng ilang scam pyramiding and multi level businesses. At hindi lang isa kundi maraming beses na. Sayang ang mga investments.

38.) Pinaka exotic food na nakain ko ay palaka.

39.) I so love trees. Kaya kapag nakakakita ako ng punong itinutumba at bundok na kinakalbo ay sobra akong nalulungkot.

40.) May napatay na ako! Isang pusa nuong bata pa ako.

41.) Mahilig akong umakyat sa mga puno nuong aking kabataan. Natatandaan ko na nagi-stay ako sa isang mataas na puno ng ilang oras para lamang maramdaman ang sarap nang nasa itaas ka.

42.) I have tried some forbidden vices before like shabu and cigarettes. Pero matagal ko na itong itinigil huh. At hindi ako naging adik ha, tumikim lang he he.

43.) Nakapasok na din ako sa isang girlie bar one time. At naranasan kong upuan ng isang bargirl in my lap. And that experience is kinda ewww and yucky!

44.) I have taken a course in STI pero hindi ko natapos. And that course was Computer Programming.

45.) I have ventured into many businesses pero sa awa ng Diyos walang nagpatuloy lahat sa kanila. Lahat nalugi. Sayang ulit mga investments

46.) I can Speak In Tongue! Solid.

47.) I am a Born Again Christian. But not in active status. Medyo hibernate he he. I have the faith, but not the act, sadly.

48.) I love plot twists. That is why I love The Usual Suspects and O. Henry

49.) I still keep the same sim number ever since na nagkaruon ako ng cellphone. Loyal!

And that's it. Nag- enjoy ba kayong magbasa? Sana he he he. Cheers !

No comments:

Post a Comment