Sunday, June 14, 2020

#BlackLivesMatterProtest in France

Tanong lang: Wala na bang Covid19 Pandemic sa France at ganito kadami na ang nagpo-portesta duon na walang mga face masks at social distancing ? If sa France na mas malala ang bilang ng mga infected at mas marami ang namamatay ay ganito na kadali ang magrali at magtipon bakit sa Pilipinas ay hindi? What the heck is happening to the world!!! #BlackLivesMatterProtest #ParisFrance #Covid19 #Pandemic

Link to France protest rally is here

#PastroApolloQuiboloy versus #ViceGanda STOP!

Ano kayang masasabi ni Pastor #ApolloQuiboloy na matutuloy na ulit ang pag ere ng #AngProbinsyano at saka traffic na ulit sa #EDSA? Vindicated ba si #ViceGanda sa kaniyang hamon kay Pastor? Temporary lang pala ang pa-stop mo Pastor Quiboloy eh akala ko forever na he he he. Saka tanong lang, bakit hindi mapa-stop ni Pastor Apollo Quiboloy ang Covid19 na siyang namiminsala sa buong ekonomiya at pumapatay sa maraming tao sa buong mundo ngayon ? Stop mo mo na nga ito Pastor kung talagang napakagaling mo!!!



Tuesday, April 7, 2020

My Filipino Version of an article about COVID19 Crisis

Nahimbing tayo sa isang mundo, subalit nagising tayo sa ibang daigdig.

Biglang bigla wala nang mahika ang Disney.
Hindi na romantiko ang Paris.
Hindi na nakakalula sa New York.
Ang Great Wall of China ay hindi na isang tanggulan.
At ang Mecca ay bakante na.


Sa isang iglap, ang pagyakap at paghalik ay isa nang sandata.


At ang hindi pagbisita sa mga magulang at kaibigan ay pagpapakita ng pagmamahal.



At iyong napagtanto na ang kapangyarihan, kagandahan at salapi ay walang halaga.



Dahil hindi mo mabili ang hangin na kailangan mo.

Isipin mo, ang Mundo ay nagpapatuloy sa kaniyang buhay at ito ay nakakabighani.
At dahil sa pangyayaring ito ay ikinukulong niya ang mga tao sa hawla.

Marahil ay may mensahe ang Mundo sa atin:

" Hindi kita kailangan.
Ang hangin, tubig at himpapawid ay mananatili kahit wala ka.
Kung ikaw ay magbalik, palagi mong pakatatandaan na ikaw
ay akin lamang bisita.
Dahil hindi ikaw ang aking panginoon! "


Saturday, March 28, 2020

ANG GUSALI

Payapa at masaya kaming nakatira sa isang gusali.

Ang gusaling ito ay malawak at malaki.

Marami itong palapag at mga kuwarto sa bawat sulok nito.

Lahat kaming nakatira sa gusaling ito ay masaya at payapang namumuhay dito.

Madami kaming pagkain sa loob nitong gusali.

Halos sa lahat ng sulok ay may makikita kang pagkain at mabubusog ka.

Madami ring silid dito na punong puno ng mga nakakamanghang bagay.

Pagpasok mo pa lang sa isang kuwarto ay magugulat ka dahil ito ay makulay at punong puno ng buhay.

Sobrang napapahanga kami sa kagandahan ng gusaling ito. Bukod sa hindi kami pinapabayaan sa pagkain , nag eenjoy din kami sa aming mga nakikita sa bawat sulok ng gusaling ito.

Anupat parang isang malaking playground ang gusaling ito para sa amin.

Nandiyang magpadulas kami sa makukulay nitong mga hagdanan at lagusan. Tapos ay papasok kami sa isang saradong silid at matapos naming buksan ang pinto ay bubungad sa amin ang napakagandang tanawin na nuon lang namin nakita.

Anupat ang gusaling ito ay siyang aming buhay.

Bawat sulok ng gusaling ito ay tumitibok ng isang masiglang buhay.

Subalit isang araw ay biglang nagbago ang lahat.

Nakita na lamang namin na tila may pumapalo sa bubong ng aming gusali.

Malakas ang pagpalo na halos nabutas ang bubong ng aming gusali. Bumungad sa amin ang nakasisilaw na liwanag dahil dito.

Maya maya pa ay tila sunod sunod na ang naririnig naming dagundong sa paligid ng gusali. Tila ba ginigiba ito at nakabibingi ang ingay na nililikha nito.

Palo dito palo duon, pukpok dito at pukpok duon ang aming naririnig sa buong kapaligiran ng gusali.

Nakakatakot at nakakakaba ang ingay na ito mula sa labas ng gusali. Parang may kung anong gustong pumasok sa loob ng gusali at wasakin ito na nagmumula sa labas.

Kaming lahat ay nagsilapitan at nagyakapan sa bawat isa dahil sa matinding pangamba kung ano ang mangyayari sa amin sa susunod pang mga oras.

Maya maya pa ay narinig naming mistulang hinihiwa ang dingding ng aming gusali. Umiingit ang panghiwang iyon sa dingding ng aming gusali hanggang sa tuluyan nang mawasak at magiba ang paligid ng aming gusali.

Tuluyan na ngang gumuho at nahati sa magkabilang bahagi ang aming gusali.

Maya maya pa ay kitang kita kong bumuhos ang isang mala-impyernong likido sa kabuuan ng aming gusali. Nakakapaso ang init nito. Mala asupre ito sa init at kami ng aking mga kasama ay nalulusaw. Unti unting kinakain ng asidong ito ang aming balat at kami ay natutunaw.

Hindi ko na yata kaya!

Ito na ang aming katapusan.

Masakit sa balat namin ang init ng likido.

Mamamatay na kaming lahat.

Wasak na ang aming gusali.

Wasak na rin kaming lahat na nakatira rito sa gusali.

Ahhhhhh

Ahhhhhh

.........
.........
.........

Sandali lang.

Buhay pa ba ako?

Oo buhay pa ako.

Salamat at buhay pa talaga ako!

Subalit ano ito?

Parang nasa isang bagong gusali ako.

Mas malawak at mas malaki kaysa duon sa aming dating gusali na tinitirahan.

At madami ring kuwarto ang gusaling ito.

At mas mataas siya kaysa sa dating gusali.

Ang dami niyang palapag na puwede mong akyatin.

Ang ganda ng bagong gusali na ito!

At madami ring pagkain dito!

Tiyak mabubusog na naman kami at madali kaming makapagpaparami dito.

Ano kaya ang nangyari sa dating gusali na tinirahan namin nang matagal na panahon?

Tuluyan na ba itong nawasak at nagiba?

At ano ang bagong gusaling ito na paniguradong aming magiging bagong tahanan sa susunod na mga araw!

Ang pagkakaalam ko ay may pangalan ang dating gusali na dati naming tinitirahan.

At sabi ng aking mga kasama ay BAT ang pangalan ng dati naming gusali.

Ito kayang building na ito ay ano ang pangalan.

Sandali at tatanungin ko itong aking kasama.

" Mawalang galang na po, ano po ba ang pangalan nitong ating bagong gusali na titirahan ? "

" Ah ito bang mataas na gusaling ito ? "

" Opo "

" Ang pangalan ng gusaling ito na ating magiging bagong tahanan ay ....



HUMAN !!!!! "

 THE END


#Covid19 #COVID19 #Virus #ECQ #Pandemic #WHO #Quarantine #SocialDistancing

                                 

Saturday, March 7, 2020

Kim Chiu's " Shooting " Incident


This post is unpopular , I know that.

Pero hindi ako makatulog at hindi maka move on regarding sa shooting incident involving Filipino-Chinese Kapamilya star Kim Chiu.

Sa mga bashers and Kim Chiu fans out there, you can call me whatever you want and unfriend me too , but I just have to burst out this honest observation of mine regarding the incident.
I have nothing against Kim Chiu.

I so love her adorable, innocent-looking face , sweet and demure and charming persona, but I just have some of these intriguing queries about the incident that is circling my mind for many days now that is seeking honest answers. And here they are :

1. ) Nangyari daw ito nang alas sais ng umaga which means ay galing sa pagtulog si Kim kinagabihan. My question is bakit super antok pa si Kim nang umagang iyon kaya niya nagawang makatulog sa van? Unless , super puyat siya the previous night ay talagang aantukin siya kaya makakatulog siya sa van. Or sobra lang talagang takaw-tulog si Kim na masandal lang siya sa upuan ay tulog agad. Well !

2. ) I just find it miraculous na nabaril ang sasakyan mo and sa tatlong sakay nito ay wala man lang nagalusan or nagasgasan isa man lang sa kanila. Para kong naiisip si Keannu Reeves as Neo sa Matrix na super iwas sila sa bala he he he. I guess, naka duty that time ang kani kanilang mga guardian angels at hindi natutulog.

3. ) Ang isa sa pinaka-weird kong napansin about the incident is the manner that Kim went straight to her teleserye shooting after that horrible incident. Kasi ako or sinumang natanong ko na kung sa kanila nangyari iyon , is that I will not report to the teleserye shooting and then act as if nothing happened. I will go straight to the police precinct and file an incident report. Or else , I will just submit myself to hospital exam or test para malaman if wala ba talagang damage sa katawan ko ang nasabing insidente. One thing I will not do matapos ang nakakagulantang at very shocking na real life barilang iyon - at iyon ay ang umakting akting pa ako sa harap ng kamera na akala mo ay nanggaling lang ako sa perya. And she even said na , after lang daw nang take ay saka siya nahimasmasan. OMG involved na ang buhay mo ay aakting akting ka pa sa camera !

4. ) Ang walong tama ng bala - Ewan ko lang ha. Pero kapag ang isang hired killer ay gusto talagang patayin ang mga sakay ng isang sasakyan ay baka hindi lang walo ang bala na pauulanin ko huh. Baka mga nasa 20 to 40 bullets ang pakakawalan ko just to make sure na mamamatay ang mga target ko. Pero walo lang ? I dunno huh, pero baka mga bagets or beginners pa ang mga hired killers. Or alam nilang si Kim Chiu ang target nila and they really not wanted to harm the actress at gusto lang nila itong takutin.

5. ) Isnt it just annoying that Kim will say and wish na siguruhin muna ang plate number ng sasakyan bago patamaan ng bala ? It goes on to say na parang sinasabi na din ni Kim na okay lang ang mamaril ng sasakyan basta sure ka sa aasintahin mo hu hu hu. So insensitive naman para sa mga natambangan or ambushed ang wordings na ganito huh.

Iyan lang naman ang mga agam agam at haka haka ko ukol sa kaganapang ito. Maraming mga tanong na baka hindi na mahanapan ng kasagutan.

Minsan tuloy ay hindi ko maiwasang isipin na baka naman ang sinasabing " van shooting incident " ay isa palang " teleserye shooting incident " lang pala.

Hindi ko sinasabing drama o shoot-me incident ang pangyayaring ito kay Kim Chiu. Ang sinasabi ko lang ay maraming tanong na naghahanap ng kasagutan sa aking isip and I have to let it out.

Ang sabi nga sa matandang kasabihan ay " there is more than meets the eye." and that " truth is always more stranger than fiction ".

Can we therefore conclude that Kim Chiu has so much more than just a pretty face !

Yun na !

Friday, February 7, 2020

SM SUPERMALLS


My fascination with SM Supermalls started when I first visited the SM North EDSA and attended its inauguration and opening day on November 8, 1985.



High school pa lang ako nuon sa Balara at sa sobrang hilig ko nuong mag cutting classes ay napadpad ako sa kauna-unahang Supermall na naitayo ng SM – ito nga ay ang SM North EDSA.

Magmula nang araw na iyon ay lagi na akong laman ng SM North EDSA at lumilibot sa paligid nito kahit na wala naman akong binibili o ipinapagawang serbisyo sa loob nito.

Sa murang isip ko ay natutuwa lang akong lumibot at gumala sa loob nito dahil sa lamig at relaxation na idinudulot nito sa aking katawan , ganda ng mga tanawin at dekorasyon sa bawat tindahan , dami nang nakakasalamuhang ibat ibang klase ng mga tao at mamimili at pagkaminsan ay entertainment na nakukuha kapag may libreng concert sa food area stage nito.

Simula nuon ay nahumaling na ako sa pagbisita at pagtungo sa ibat ibang mga malls na itinatayo ng SM.

SM North EDSA is not the first mall in the Philippines.

ALI MALL is – located in Cubao Quezon City.

But SM North  EDSA started the trend in sprouting supermalls all over the Philippines.

And for the record, it is the biggest mall in the country today.

Mula nang itayo ang SM North EDSA ay nabago ang pagtingin at appreciation ng madlang pipol tungkol sa mga malls.





Saan ka naman kasi makakakita na ang isang buong building ay nanduon na lahat ang pangangailangan mo bilang isang tao. Wala ka nang hahanapin pa at hindi ka na kailangang lumabas pa ng building para sa iba pang pangangailangan mo.

Packed all in one place ikanga.

Magmula sa mga pagkain , groceries , school supplies , damit , gift items , souvenirs , pasalubong , native goods , furniture and appliances , home items , delicacies , imported goods  hanggang sa mga services like face and hair care , massage and spa , pet grooming , government services , bill payments at pati na rin sa larangan ng entertainment like concerts ,  movies , videokes , parties and events o kaya ay simpleng picnic or eat out lang ay magagawa mo sa loob ng mga malls.

Saan ka pa!

For me, inside a mall is the best place in the world!

Ang SM chain of Supermalls ay pinasimulan ng dakilang investor and formerly the richest man in the Philippines na  si  Henry Sy. 

Siya lang naman ang may pasimuno sa pagsusulputang parang kabute ng ibat ibang mga malls sa buong Pilipinas.

Simula nang maitayo ang SM North EDSA ay hindi na naawat ang pagtatayo ng ibat ibang malls sa maraming sulok ng Pilipinas.

Henry Sy is one such genius pagdating sa mga innovations in business.



Siya lang naman ang nakaisip nang one stop shop building na dadayuhin at bibisitahin ng mga tao para sa kanilang mga pangangailangan.

All your needs  in one roof ay nandito na sa SM Supermalls.

Kaya naman Henry Sy is greaty admired and adored dahil sa kaniyang pinasimulang trend ng pagtatayo ng maraming malls sa Pilipinas and it did made his empire grow into giant.

Siya na ngayon ang hari ng mga malls hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Sa ngayon ay mayruon nang 74 SM Supermalls sa buong Pilipinas at marami pa ang itinatayo sa hinaharap.



Matapos ang fascination ko sa pagbisita sa unang mall sa SM North EDSA ay nagtuloy tuloy na ang aking pangarap na mabisita ang lahat ng currently existing SM Supermalls sa buong Pilipinas.

At sana pati na ang nasa ibang bansa like China kung saan ay mayruong existing 9 SM Supermalls duon.

At ito ang project or goal ko para sa taong 2020!

For the record ay nabisita at nakapag-selfie na ako sa lahat ng SM Supermalls na nasa Luzon.



May ilan na din akong nabisitang SM Supermalls sa Visayas region.

Ang goal ko now ay ang mabisita ang mga SM Supermalls na nasa Mindanao.

Actually sumulat na ako sa pamunuan ng SM tungkol sa dream kong ito para humingi ng tulong or any kind of sponsorship.

But unfortunately hanggang sa mamatay na lang si Sir Henry Sy ay hindi ito naisakatuparan. ( Dream ko din sanang makapagpa-selfie sana sa kaniya nuon but now I can only make a selfie with him sa heaven )


Dito na lang ako nagkasya sa kaniyang standee
Hindi lang yata nila ako feel dahil hindi naman ako celebrity or kilalang tao to represent their Supermalls he he he ( Bitter ? )

But that wont stop me in pursuing my dream of visiting and taking a selfie in the front facade of every SM Supermalls in the country.

And this contest is one of my means in reaching my goal for this year.

Hulog ito ng langit para sa akin he he .

Ito lang naman ang aking dream project for this year na sana ay maging kabahagi ang Saranggola Blog Awards upang ito ay aking maisakatuparan.

Maraming maraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng Diyos!

Ang post na ito ay aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 11 
http://www.sba.ph/

Ang mga sponsor ay ang mga sumusunod: