Na-meet ko
ang isa sa may-ari ng Budbud Gourmet Suman na si Sir Carl Van Hoven sa kanilang
stall sa Legazpi Sunday Market in Makati City.
Ayon kay Sir
Carl ang Budbud Kabog ay isang native kakanin originally from Negros Oriental
particularly in Bais City.
Ang kaniya
daw maybahay na si Mam Maribel ay nagmula sa Negros Oriental kung saan ay lagi
niyang nakikita ang Budbud Kabog na itinitinda duon.
Nang siya ay mapadpad sa
Maynila ay naisipan niyang dalhin ang recipe ng Budbud Kabog dito sa Kalakhang
Maynila at itinda ito dito.
Nagsimula
siyang magluto nito taong 2001 at ilako nila sa kanilang mga kapitbahay sa
Alabang.
Surprisingly
ay marami ang nagkagusto at nasarapan dito sa kanilang lugar kaya simula nuon
ay palagian na niya itong niluluto na inilalako naman ng kaniyang asawa na si
Sir Carl.
Ang Budbud
Kabog ay kakaiba sa mga ordinaryong suman na gawa sa bigas or malagkit dahil itong
Budbod Kabog ay gawa naman sa millet seed na marami duon sa Negros.
Ang ibig
sabihin nga ng Budbud sa salitang Negrense ay “ suman “ at ang Kabog naman ay “
paniki “ so literally ay “ suman ng mga paniki “ ang ibig sabihin ng Budbud
Kabog.
It is
because ang millet seed ay paboritong kainin ng mga paniki na siya namang main ingredient ng Budbud Kabog.
Ayon kay Sir
Carl maging ang wrapper ng Budbud ay espesyal din dahil dalawang beses itong
binabalot sa dahon ng saging bago ito ibenta. Pagkaluto sa dahon ng saging ay
aalisin ito duon at muling isasalin at ibabalot sa bagong dahon ng saging bago
ito ibenta.
At magmula
nga nuong 2001 ay unti unti nang nakilala ang Budbud Kabog ng mag- asawang Van
Hoven at na-feature na din sa ibat ibang show tulad ng Swak Na Swak , Umagang
Kay Ganda at Kapuso Mo Jessica Soho.
Sa ngayon ay
itinitinda nila ito sa kanilang stall sa
Makati City every Saturday and Sunday at Salcedo and Legazpi Market
respectively.
Available din ito online kung saan sila nagpapa-deliver at puwede ring pick-up sa kanilang bahay sa Alabang.
Sa ngayon ay
mayruon na silang 16 flavors or varieties katulad ng Saging , Mangga ,
Pandan at marami pang iba.
Tunay ding
kakaiba ang kanilang mga suman dahil gawa ito sa special kind of rice called
Songsong .
Kaya naman
hindi talaga ito basta bastang suman lang ha kundi ito ay Budbud Gourmet
Suman.
Every Budbud Gourmet Suman has a shelf life of 3 days and mind you ay mayruon din
silang Frozen Suman dahil kahit naka-freeze ito at i-steam mo lang ay same pa
rin ang lasa at freshness na matitikman mo .
Kaya naman
kung gusto mo ring matikman ang kakaibang lasa at sarap ng Budbud Gourmet
Suman ay dumayo na sa kanilang stall sa Makati City or visit their website here
BUDBUD GOURMET SUMAN or you can call Sir Carl at 09178903888.
Happy Budbud Gourmet Suman eating madlang pipol !
Hi Selina
ReplyDeletei am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.
You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.
I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com or whatsapp :- +2349058825081
Kumusta Selina
ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.
Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.
AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com or whatsapp :- +2349058825081
Nice share thanks for posting
ReplyDelete