Monday, February 4, 2019

Budbud Gourmet Suman



Na-meet ko ang isa sa may-ari ng Budbud Gourmet Suman na si Sir Carl Van Hoven sa kanilang stall sa Legazpi Sunday Market in Makati City.

Ayon kay Sir Carl ang Budbud Kabog ay isang native kakanin originally from Negros Oriental particularly in Bais City.

Ang kaniya daw maybahay na si Mam Maribel ay nagmula sa Negros Oriental kung saan ay lagi niyang nakikita ang Budbud Kabog na itinitinda duon. 


Nang siya ay mapadpad sa Maynila ay naisipan niyang dalhin ang recipe ng Budbud Kabog dito sa Kalakhang Maynila at itinda ito dito.

Nagsimula siyang magluto nito taong 2001 at ilako nila sa kanilang mga kapitbahay sa Alabang.


Surprisingly ay marami ang nagkagusto at nasarapan dito sa kanilang lugar kaya simula nuon ay palagian na niya itong niluluto na inilalako naman ng kaniyang asawa na si Sir Carl.  

Ang Budbud Kabog ay kakaiba sa mga ordinaryong suman na gawa sa bigas or malagkit dahil itong Budbod Kabog ay gawa naman sa millet seed na marami duon sa Negros.

Ang ibig sabihin nga ng Budbud sa salitang Negrense ay “ suman “ at ang Kabog naman ay “ paniki “ so literally ay “ suman ng mga paniki “ ang ibig sabihin ng Budbud Kabog.

It is because ang millet seed ay paboritong kainin ng mga paniki na siya namang main ingredient ng Budbud Kabog.

Ayon kay Sir Carl maging ang wrapper ng Budbud ay espesyal din dahil dalawang beses itong binabalot sa dahon ng saging bago ito ibenta. Pagkaluto sa dahon ng saging ay aalisin ito duon at muling isasalin at ibabalot sa bagong dahon ng saging bago ito ibenta.


At magmula nga nuong 2001 ay unti unti nang nakilala ang Budbud Kabog ng mag- asawang Van Hoven at na-feature na din sa ibat ibang show tulad ng Swak Na Swak , Umagang Kay Ganda at Kapuso Mo Jessica Soho.

Sa ngayon ay itinitinda nila ito sa  kanilang stall sa Makati City every Saturday and Sunday at Salcedo and Legazpi Market respectively. 

Available din ito online kung saan sila nagpapa-deliver at puwede ring pick-up sa kanilang bahay sa Alabang.

Sa ngayon ay mayruon na silang 16 flavors or varieties katulad ng Saging , Mangga , Pandan  at marami pang iba.


Tunay ding kakaiba ang kanilang mga suman dahil gawa ito sa special kind of rice called Songsong .

Kaya naman hindi talaga ito basta bastang suman lang ha kundi ito ay Budbud Gourmet Suman.

Every Budbud Gourmet Suman has a shelf life of 3 days and mind you ay mayruon din silang Frozen Suman dahil kahit naka-freeze ito at i-steam mo lang ay same pa rin ang lasa at freshness na matitikman mo .

Kaya naman kung gusto mo ring matikman ang kakaibang lasa at sarap ng Budbud Gourmet Suman ay dumayo na sa kanilang stall sa Makati City or visit their website here 

BUDBUD GOURMET SUMAN or you can call Sir Carl at 09178903888.


Happy Budbud Gourmet Suman eating madlang pipol !




No comments:

Post a Comment