Wednesday, December 26, 2018

VICE GANDA : ANG PAMBANSANG BAKLA NG PILIPINAS


Hindi ko maiwasang matuwa – bumilib at humanga kapag naririnig ko ang pangalang Vice Ganda.

Aminin man natin o hindi , si Vice Ganda lang naman ang pinakasikat na bakla sa buong bansa.


Hindi matatawaran ang kaniyang kasikatan at pagiging popular.

Mula sa mga pelikulang kaniyang ginawa na pawang tumabo at kumita ng husto sa takilya katulad ng The Unkabogable Praybeyt BenjaminSisterakas , Girl, Boy, Bakla, Tomboy , The Amazing Praybeyt Benjamin , Beauty and the Bestie , The Super Parental Guardians , Gandarrapiddo: The Revenger Squad  na pawang mga highest grossing film mula 2011 hanggang 2017 respectively hanggang sa mga TV shows na pawang numero uno sa ratings katulad ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice maging sa mga endorsements and commercials na tinatangkilik ng mga konsumer at mamimili at isama mo pa ang kaniyang mga negosyo na tumitiba sa tubo at kita  katulad ng Vice Cosmetics.

Tunay nga namang masasabi natin na nang magbuhos ng suwerte at magandang kapalaran ang Diyos ay tila ba banyera ang ginamit na pansalo ni Vice Ganda para akuin ang lahat ng mga biyayang ito sa kaniyang buhay.

Isa siyang baklang pinagpala sa lahat ng bakla huh.

Sa aking palagay ay nakakagulat at nakakamangha ito dahil kilala ang bansang Pilipinas na tila ba hindi pa tanggap ang mga bakla na siyang gagawing idolo at ilalagay sa pedestal ng paghanga.

Dahil likas na makaluma , conservative at old fashioned ang mga Pilipino ay tila ba nahihirapan  sila na tanggapin ang mga pagbabago na dala ng modernong panahon lalo na ang patungkol sa sekswalidad ng isang tao.

Kaya naman nagkaruon ng stigma ang mga bakla na hindi pa sila tanggap ng lipunan dahil sa mga diskriminasyong nararanasan nila mula sa lipunan.

Subalit unti unting nagkaruon ng pagbabago nang pakikitungo sa mga bakla nang pumasok ang bagong milenyo.

Mula nuon ay tila ba unti unti nang natatanggap ng lipunan ang pagkatao ng mga bakla at ang prinsipyong kanilang ipinaglalaban.

Katunayan dito ay ang pagtanggap at pagtangkilik ng mga tao sa isang Vice Ganda.

Sa aking pagkakatanda ay wala pang isang bakla na labis na hinangaan  at halos ay sambahin at idolohin ng masang mga Pilipino.

Bagamat marami na ding mga bakla ang nagbigay parangal at kadakilaan sa bansa dahil sa kanilang angking galing at husay  katulad nila Ricky Reyes , Boy Abunda ,  Lino Brocka , Joel Cruz , Pitoy Moreno at marami pang iba , hindi maitatanggi na si Vice Ganda ang pinakasikat at pinakakilala sa kanilang lahat.  

Sa larangan ng aktingan at pagpapatawa ay marami na ding mga bakla ang tumatak sa isipan ng mga mamamayan  maging ng mga tunay na lalaking nagbabakla baklaan katulad nila Dolphy , Eddie Garcia ,  Joey De Leon , Vic Sotto at iba pa.

Nuon namang dekada 80 ay sumikat at hinangaan din ng husto ang mga gay characters na ginawa ni Roderick Paulate sa mga pelikula niya gaya ng Petrang Kabayo , Kumander Gringa , Binibining Tsuperman atbp. Dito ay nakitang unti unti nang natatangap ng mga Pilipino ang kultura ng kabaklaan sa Pilipinas.

Hanggang sa dumating at pumalaot sa showbusiness ang isang Vice Ganda!

Si Jose Marie Borja Viceral ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Tondo Maynila.

Ayon sa kaniya , nuong una ay nahirapan din siyang tanggapin at iladlad  ang  kaniyang tunay na pagkatao dahil sa kaniyang ama na isang istriktong barangay kapitan.

Sila ay limang magkakapatid na binubuo ng apat na lalaki at isang babae.

Dahil siya ay bunsong lalaki at ang kaniyang mga naunang kapatid na lalaki ay nagsipagladlaran na bilang mga bakla , ay siya ang inasahan ng kaniyang ama na natitirang tunay na lalaki sa kanilang pamilya.

Dahil dito ay pilit niyang itinago ang kaniyang lihim na pagkatao sa kaniyang tatay at nagpumilit na magpakalalaki kahit na ang totoo ay gusto na niyang sumunod sa yapak ng kaniyang mga kuyang bakla.

Nang mamatay ang kaniyang ama mula sa isang insidente ay dito na niya sinimulang kilalanin ang kaniyang sarili at tanggapin ang kung anumang pagkato mayruon siya.

Dito na niya napagtanto na siya ay isang berdaderong bakla !

And the rest is history as they say.

Mula nuong araw na matanggap ni Vice Ganda sa kaniyang sarili na siya ay isang bakla , dito na rin nagsimula ang pag-ikot ng gulong ng kaniyang buhay patungo sa magandang kapalaran.

Kung gayon tunay nga namang masasabi natin na ang lahat ng magandang bagay ay nagsisimula sa pagtanggap o acceptance.

Simula nuon ay naging sunod sunod na ang pagpapalang dumating sa buhay ni Vice Ganda.

At ngayon nga ay kinikilala na siya bilang pinakasikat at pinakapamosong bakla sa buong Pilipinas.

Hindi naman maitatanggi iyan.

Maraming ibig ipahiwatig ang pangyayaring ito sa buhay ng isang Vice Ganda :

1.) Na ang kabaklaan ay unti unti nang natatanggap sa lipunan bilang isang uri ng institusyon.

2.) Na ikaw ay handang yakapin at tanggapin ng mga tao kahit anong uri ka pa basta ikaw ay mabait , mapagkakatiwalaan , mapagpakumbaba at matulungin.

3.) That it doesn’t matter kung ano ang iyong pagkatao basta ba marunong kang makisama at hindi mo nakakalimutan ang iyong dukhang pinagmulan.

4.) Na handa ka nilang suportahan kahit anong uri ka pa ng tao basta at marunong kang rumespeto at gumalang sa opinyon at paniniwala ng iba maging ito ay sang ayon o laban man sa iyong sariling paniniwala.

5.) Na hanggat wala kang tinatapakan at sinasaktan at inaabusong kapwa mo tao ay tatanggapin ka nila kung anuman ang iyong sabihin dahil sa pagtitiwala nila sa iyo.

Vice Ganda is a once in a lifetime phenomenon.

Minsan lang dumating sa mundo ang mga tao na magpapabago sa kaisipan ng sambayanan at pagtanggap sa patuloy na ebolusyon ng karakter ng isang tao.

Ang pagtanggap at pagtangkilik ng balana sa isang Vice Ganda ay nagpapatunay na bukas na ang isip at tanggap na  ng mga tao ang kabaklaan dahil na rin sa magagandang halimbawa na ipinapakita ni Vice Ganda sa larangan ng pagpapatawa at komedya.

Hindi naman mahirap mahalin ang isang Vice Ganda.

Simple lang naman ang kaniyang pangarap , mula  sa pagiging isang Tutoy ng kaniyang kabataan hanggang sa pagiging isang  Vice Ganda ng mga millennials ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal sa puso niya na ang pinagmumulan ay ang natatanging pagmamahal niya sa kaniyang inang si Mommy Rosario.


Marahil ay kaya siya biniyayaan ng langit ng higit pa sa kaniyang inaasahan ay dahil na rin sa kaniyang tapat na pag ibig at pagmamahal sa kaniyang mga magulang partikular sa kaniyang nag iisang ina.

Samakatuwid ay puwede naman nating sabihin na ang lahat ay nagsimula sa LOVE.

The Greatest is LOVE sabi nga sa Bible.

Basta ikaw ay marunong magmahal at umibig , makikita ito ng langit at gagantihan ka ng mabubuting bagay dahil dito.

Bilang miyembro ng isang tinatawag na Ikatlong Kasarian , I am very proud to say na dahil sa isang Vice Ganda ay unti unting binubuksan niya ang isipan ng mga Pilipino na ang mga bakla ay hindi dapat pandirihan at kutyain at hamakin bagkus ay dapat na hangaan , mahalin at idolohin lalo at ikaw naman ay nagpapakita ng mabuting adhikain at ehemplo na puwedeng gayahin ng mga mamamayan.

Kaya naman maraming mga bakla rin ang umiidolo at humahanga sa pagbabagong dala ni Vice Ganda para sa pagkilala sa ambag at kontribusyon ng mga bakla para sa ikauunlad at ikagaganda ng pamumuhay ng maraming  mga Pilipino.

Can I just  say that we owe it all to the one Vice Ganda?


To Vice Ganda – nawa ay panatilihin mo ang Ganda ng iyong kalooban at sana ay manatili kang humble at matulungin at maawain at huwag mo ding  kakalimutan ang iyong pinagmulan nang sa gayon ay maipagpatuloy mo  ang iyong winning streak papasok sa puso ng mga madlang pipol.

Mabuhay ka kapatid na Vice Ganda !

#ViceGanda
#It'sShowtime



Friday, December 7, 2018

ALEX GONZAGA - CHAMBE

Hypebeast itong bagong single and MTV ni AG huh.


Nakaka 5 million lang naman ang views sa YT huh.



In fairness , kaaliw ang beat ng music na todong nakakahataw .



At ang lyrics nakakabilib .



Kaya naman Alexa, ikaw na !



How to be you po AG !



#AlexGonzaga #Chambe #AlexGonzagaChambe #BeatDanceMusic