TRAVELBOOK NOW!

Thursday, June 3, 2010

Kalmot ng aso....

Rumampa kami ng sister kong si Rommelia diyan sa Blumentritt nung fiesta nitong nakaraang Sabado.

Nang papauwi na kami ay hindi ko na napigilan ang tugunan ang tawag ng kalikasan sa isang bakanteng lote na nadaanan namin.

Maya maya at heto na ang alagad ni Scooby Doo at buong tapang na sumisigaw ng "Doobidoo bidoo" sabay ngabngab sa aking pantalon na leather pa man din.

Di ko namalayan, meron palang dog na may I sleep dun sa lote na inihian namin ha ha ha ha.

Naihian ko siguro ang hayup!

Hayun sige ang arya ng sonata na akala mo eh si Placido Domingo na nag-oopera habang nginangatngat ang aking lonta.

Buti na lang at dahan dahan akong lumayo at hindi na humabol pa ang asong ulol.

Nang tingnan ko ang aking binti, wala namang kagat. Pero merong kalmot at galos ang aking paa.

At nagdurugo siya ng itim, hindi berde wahahahaha!

Pinagdugo ko na lang.

Kinabukasan, may I research ako sa internet tungkol sa rabies.

1 to 3 months pala ang incubation period ng sakit na ito na kilala rin sa tawag na hydrophobia.

At kung susuwertehin ka( susuwertehin daw o ) aabutin ka ng isang taon o mahigit pa bago mo maramdaman ang mga sintomas nito tulad ng paglalaway, pagsakit ng ulo, pananamlay, pagkairitable at sa kahuli-hulihan, bago ka matigok, pagka-ulol!

Nakakita na ako ng video ng taong may rabies. Grabe ang pagka-ulol nito na halos nagwawala sa loob ng kanyang selda.

At makaraan lamang ang ilang oras , natigok na ang pobreng bata.

Dyusko, harinawa ay huwag naman akong humantong sa ganito.

Heto nga at sumasakit ang ulo ko. Ano ba ito, migraine, puyat ako, mataas ang dugo o ......hmmmmm.

After a year at hindi na ako nagsusulat dito sa blog ko, asahan n'yo at nagtitirintas na ako ng aking long balahibo he he he. O kaya naman , puro garapata na ang aking bulbol . Or , pinanunuod ko na ang All Dogs Go To Heaven sa purgatoryo ha ha ha ha.

Teka nga at mabalikan ang lintek na askal na iyon at matingnan kung namatay o naulol.

Waaahhhh!