Friday, August 9, 2019

MILK TEA SHACK - By Donn Paras Canlas


Nagtayo at nagbukas ang aking kaibigang si Donn Paras Canlas sometime in November 2017 ng kaniyang  sariling milk tea shop in Concepcion Tarlac.




Malapit lang ito sa palengke at katapat ng mga private schools and jeep terminal.

And just recently I get the chance to visit this shop and I was completely amazed and surprised how successful it is after only a year of operating the business.

The name of the shop is MILK TEA SHACK .


And like what its name suggests , it offers a wide selection of the famously loved milk tea nowadays.


His Milk Tea flavors include the bestsellers Wintermelon , Honeydew , Hazelnut , Coffee , Hokkaido , Blueberry , Thai , Cappucino , Almond , Matcha and many more.


He also offers Frappes and Fruit Teas in a variety of flavors.



And surprisingly he also offers MANGO GRAHAM that is super delicious.


Aside from Milk Tea drinks he also offers other food items like Nachos , French Fries and Shawarma.




Just check out his menuboards and you will be amazed how varied and wide are his selections of foods and drinks  offering is.



When I graced the  store it was full of satisfied customers and visitors who is eagerly awaiting for the fulfillment of their orders.


A very busy time indeed on that one fine day.


And my friend is equally busy that day too. Er, in counting his earnings for that day he he he.



Indeed , this friend of mine has come a long long way when it comes  to his business.

And he has only one way where he is going to - SUCCESS of course.


I am  very proud of you my dearest friend Donn Paras Canlas.

Keep up the good job !

By the way , my friend is offering a franchise package for all who is interested .

For just 150,000 one time Franchise fee you will enjoy a complete set of equipment for your own Milk Tea Shack that also includes an initial product inventory.

All you have to do is find the perfect place to start up your business.

And all is ready and good to go.

Plus he is also putting up his second branch that will be located in Pagrai , Antipolo City.

Kudos and more power to you my good old friend Donn !

Atis is life

Na miss ko toh. 
Atis - Ate mo , Ate ko , Ate nating lahat thank you !
Sarap pangasin isa isa ang buto habang nakahilata at nanonood ng TV : )



Monday, February 25, 2019

Mga maaaring dahilan kung bakit hindi kumikita ang mga Pelikulang Pinoy !

Marami ang nagrereklamong mga nasa Philippine Movie industry na kesyo daw ay humihina at hindi kumikita ang mga pelikulang Pilipino at tila ba nasisisi pa ang mga manonood like me kung bakit hindi sila tumitipak sa box office.

Na  kesyo, hindi daw tinatangkilik ang mga local movies at mas pinapaboran pa ang mga foreign films at kesyo wala na daw panahong manood ang mga Pinoy ng  mga pelikula at kung anu-ano pang paratang na salat na salat sa katototohanan.



Na para bang kaming mga manonood or movie going public pa ang puno't dulo ng pangyayaring ito na gumagambala at nagpapayanig sa local movie industry.

Subalit anu-ano nga ba ang mga dahilan at tila ba nalulugmok sa pagkalugi ang mga movie producers sa mga pelikulang Pinoy na hindi kumikita at hindi nananalasa sa takilya?

Kaya sa ganang akin ay ito ang mga sagot ko bilang isang simpleng mamamayang nanonood ng mga pelikula kung bakit nga ba at nangyayari ito sa local movie industry.

This will be my honest to goodness OWN opinion bilang isang manonood ng mga pelikula regardless Pinoy man iyan o banyaga tulad ng sa mga Hollywood movies.

I will enumerate a listing kung bakit nangyayari ito, possibly.

Opinyon ko lang po ito at hindi ko sinasabing this is the  Biblical truth patungkol sa usaping ito:

1.) MAHAL ANG MANOOD NG SINE - Yes oh yes . Sa panahon ngayong ang panonood ng pelikula ay luho na at hindi necessity. Sino ba namang ordinaryo at karaniwang manggagawang Pinoy ang uunahin pang manoood ng sine sa halagang 200.00 to 350.00 at minsan ay umaabot pa sa 400.00 to 500.00 sa mga deluxe and 4D cinemas ang halaga, Isasakripisyo mo ba ang 200.00 mo sa panonood ng sine na tumatagal lang ng 2 hanggang tatlong oras sa loob ng isang malamig na sinehan? Eh sa halagang 200.00 ay apat na kilo ng bigas na ang mabibili  mo na kakasya sa buong isang Linggo. Puwera pa ang gastos mo sa snacks , pamasahe at eating out. Eh mas mahal  kung ilan kayong manonood na ililibre mo kung kasama mo halimbawa ang pamilya mo sa panonood. Kailangan ay may baon kang tatlo hanggang limang libo depende kung ilan kayong manonood at libre mo ang lahat. Kung mag isa ka lang ay puwede na ang isang  libong gastos kasama na ang eating out sa fastfood and malling dahil tiyak mapapagastos ka sa pamimili kapag nasa loob ka ng mall. Gone are the days na 20.00 hanggang 50.00 lang ang sine nuong kapanahunan ko kaya naman nuon ay halos 3 times a week ako kung manood ng sine. Ngayon masuwerte na kung makanood ako ng limang beses ng pelikula sa sinehan sa isang taon ha ha ha . Ang Mahalia Jackson ng halaga ng sine ngayon promise. Ginto! Afford lang ito ng mga mayayaman at nagmamayaman daw!

2.) MOVIE PIRACY - Isa din sa nasisisi kaya mahina ang mga pelikula ngayon ay ang talamak na movie piracy. Nagkalat na nga naman ang 3 for 50.00 na pirated movie sa ibat ibang lugar ng Pilipinas partikular sa Quiapo at Baclaran. Biro mo sa halagang 50.00 ay tatlong DVD na o pelikula ang maiuuwi mo at mapapanood in the comfort of your own home kasama mo pa ang mga mahal mo sa buhay. Hindi mo din naman masisisi ang mga ordinaryong Pinoy na mas tangkilikin ito dahil bukod sa praktikal na ay mas nakakatipid at nakakamenos sila ng gastos ay nalilibang at narerelax pa sila sa panoood kasama ang pamilya na hindi na kailangang gumastos ng mas malaki. Isang malaking insulto  din namang sabihin na  porke at mahirap ka ay wala ka nang prebilehiyong manood ng sine dahil hindi mo afford! Bakit mayaman lang ba ang may  karapatang makapanood ng pelikula? At kung ikaw ay isang mahirap at hindi mo kayang magbayad sa sinehan dahil mas uunahin mong bumili ng bigas ay magtitiis ka na lang sa bahay mo dahil bawal mong tangkilikin ang piracy dahil nalulugi daw ang mga taga industriya!!?? Isa pa , hindi naman tuluyang nasusugpo ang piracy na ito dahil marami ang tumatangkilik. When there is a market paano mo ito pipigilan? At kaya may market naman ang piracy ay dahil mas maraming Pinoy pa din ang ito ang tinatangkilik dahil mas mura at mas praktikal. Yun lang yon. No more no less. The bottomline: hanggat may mahihirap, may piracy ! Erase poverty and you will also eradicate all the problems na kaakibat nito kasama na ang piracy hindi lang ng mga DVD and CD kundi maging nang ilang branded items. 





 3.) MADALING MAPANOOD NG LIBRE SA TV - Oo nga naman. Bakit gagastos ka pa nang malaki kung pagkatapos lamang ng isa hanggang dalawang buwan ay mapapanood mo na ito ng libre sa telebisyon huh? Dahil sa mga free TV channel and apps like Netflix , IwantTV , KBO at iba pa ay madali mo nang mapapanood ang mga pelikulang tumabo sa takilya after a month or so. Kung magbabayad ka man ay very minimal lang ang fee like sa KBO ay 30.00 lang ay madami ka nang pelikulang mapapanood kahit pa ang mga latest movies na ipinalabas kamakailan lamang sa mga sinehan. Isa pa ay accessible din ito sa mga streaming sites sa internet na very minimal lang ang bayad kesa sa mga sinehan. Ganundin sa Youtube na madami ang naga-upload na libre mo din lang na mapapanood. Gasino na lang ang maghintay ka ng dalawa hanggang tatlong buwan at presto ay libre mo na itong mapapanood sa TV. Hindi ka na gumastos sa sinehan  ay kasama mo pa ang pamilya mo sa panonood. Very practical kaya ano pa bang pipiliin mo kung ikaw ay isang ordinaryong manggagawang Pilipino di ba ?



4.) QUALITY AND CONTENT OF A PINOY MOVIE -  Dito na tayo sa content ng isang pelikulang Pinoy. Kapag sinabi mong Hollywood movie , of course naman ay hindi maipagkakaila na ito ay bongga , extravagant at de kalidad ang pagkakagawa at laman nito. Talagang pinag-isipan at pinagkagastusan ito ng husto . Iyan ang tatak ng isang Hollywood movie. Kaya nama hindi mo maipagkakaila na kumikita ang mga ito at tumatabo ng husto sa takilya. Pagdating sa Pinoy movie - ano ang karaniwang sentimyento ng mga manonood ?  Notorious ang local movie for being cheap , predictable , poorly made , no outstanding special effects , fan based and so on and so forth. In short, low standard. I am very sorry sa mga involved sa Pinoy movie industry pero ito  ang totoong perception ng karamihang manonood ng  mga pelikulang Pinoy. At least kung ikukumpara ito sa ibang mga pelikula ng ibang bansa huh. Hindi ko sinasabing hindi maganda ang mga pelikulang gawang Pinoy huh , dont get me wrong there . Madami tayong maipagmamalaking mga pelikula since good old days na totoong obra maestra at pinarangalan ng iba't ibang award giving bodies here and abroad . Pero iilan lang sila, sad to say. Karamihan, I am sorry to say this again pero BASURA talaga. Especially iyong mga pelikulang puro pagpapa-cute lang ang tema . It's a waste of money truly . Bakit mo nga manam tatangkilikin at pag-aaksayahan ng panahon at pera ang mga klase ng pelikula na may tatak na cheap at basura huh? Ask this question unto yourselves: What will make me choose to watch To Love Some Buddy over let's say Bohemian Rhapsody ? Mas pipiliin ko bang manuod ng The Girl In The Orange Dress o baka naman mas bet kong panuorin ang The Girl In The Spider's Web na mas exciting ang title ? Di ba , title pa lang suggestive na at mas mysterious kesa sa una. Sad to say this, but honestly, ang mga pelikulang Pinoy ay may trademark yata sa pagiging low quality and poorly produced , at least lately. Pasensya na ( sa tono ni Moira dela Torre )



5.) SAME OLD GENRE - Hello , madami pong genre ang mga pelikula. Nandiyan ang SCI-FI , DISASTER , RELIGIOUS , WAR THEME , FANTASY , FOLK  , TALL STORY , ACTION FILLED , ADVENTURE , MYSTERY THRILLER , MYTHOLOGY , CARTOON , FOUND FOOTAGE , LIVE ACTION , DOCUMENTARY , TWIST ENDING , MUSICAL , ANIMATION, OPERA  , at ang usong uso ngayon na COMICS FANTASY  SERIES tulad sa Marvel and DC Comics. Pero tila ba ang mga Filipino filmmakers and producers ay na-stuck na sa genre ng MELODRAMA , LOVE STORY , ROMCOM and COMEDY. Well hindi ko naman masisisi dahil fan based ang sistema ng paggawa ng pelikula dito. Usually kung sino yung malalakas ang hatak na loveteam sa fans ay yun ang gagawan ng kuwento na karamihan ay puro lang naman romcom at love story ang anggulo. Parang iyan lang ang genre na alam natin huh. Jusko , Millenial na ang mga tao  ngayon , so naghahanap sila ng mga bagong tema please. Kahit naman sino ay magsasawa sa paulit-ulit na putaheng ihahain mo sa kanila noh. Bakit naman ako manonood ng isang pelikula na napanood ko na dati ang tema kesa sa isang Hollywood movie na may bagong pasabog at special effects laden pa. Kung gagastos man ako ng 300.00 ko eh di duon na sa isang pelikulang pinag-uusapan ang garbo at ganda ng eksena kaysa sa isang pelikula na nakakaumay na ang plot at walang hanggang pag-agos ng luha at uhog sa pisngi at mukha na may kasamang walling and flooring at isama mo na ang ceiling kung puwede lang yatang mag-slide sa kisame. O sa isang comedy na corny  ang batuhan ng linya with slapstick sahog. Panahon pa iyan nila Balot , Tange at Palito noh. Ho Ho hum nakakaantok !



6.) EXPENSIVE TALENT FEES OF CASTS - Sobrang sky high ang mga talent fees ng mga actors and actresses dito sa Pilipinas . Kasama na diyan ang entire team sa production like the directors , scriptwriters , production designers , stylists , musical directors and crews like boom man , sound engineer , production assistant , managers etc. Ang mababa lang yata ang suweldo dito ay ang mga dakilang extra. Kaya naman tingnan mo si Mam Lilia Cuntapay na hanggang sa namatay ay mahirap pa din dahil extra lang . Eh ano ba naman at kung iyon na mismong mga aktor ang mag-suggest na medyo bawasan ang kanilang mga nagtataasang talent fees para naman kumita ang pelikula. Naturalmente , mas mababa ang bayad mo sa mga casts and crews mo , mas mababa ang production costs mo. At mas mababa ang puhunan mo, mas maliit ang tsansa na malugi. Kahit maka break even man lang puwede na sana. So next time meron ka pa ring bagong puhunan na pam-produce ng bagong pelikula. Eh pero kung sa umpisa pa lang lugi ka na agad dahil sa bayad mo sa sobrang taas na fees ng mga casts and crews mo , wala talaga , lugi ang mga producers niyan.  Iba naman ang kaso sa Hollywood , dahil duon kahit nagtataasan ang talent fees ng mga artista duon ay bawing bawi naman sa benta at kita ng mga pelikula nila at international release pa. Eh dito, wala na  ngang market for Pinoy movies eh kung makasingil pa ang mga artista natin ay akala mo pang limang taon na nilang ipon sa mga bangko nila ang exaggerated fees nila huh.

Ito lang naman ang sa palagay ko ang mga rason kung bakit nilalangaw sa telon ang mga pelikulang Pinoy. Ito ay base lang naman sa aking mga obserbasyon bilang isang ordinaryong mamamayang nanonood at tumatangkilik ng mga pelikula , maging dayuhan man iyan o lokal. Hindi rin naman ako nagmamarunong at nagmamalaki.

Nakakalungkot dahil dati ay namamayagpag sa merkado ang mga Filipino movies . Natatandaan ko pa nga dati na halos sa isang Linggo ay dalawa o tatlo ang local movie na ipinapalabas sa mga sinehan. Subalit ngayon ay mapalad na kung maka-dalawa o apat sa isang buwan tayo sa pag prodyus ng pelikula.



Subalit tayo din lang ang makakalutas ng problemang ito. Hindi sapat na isisi lamang sa mga manonood ang pagbagsak ng industriya ng pelikulang Pilipino . Hindi ninyo puwedeng sabihin na hindi na kami makabayan kung mas tinatangkilik namin ang mga foreign movie kesa sa local movie. At lalong hindi ninyo naman kami puwedeng rendahan at pagbawalan na manood ng pelikulang banyaga dahil lang sa  lumalagapak na mga pelikulang lokal. At sasabihin ninyo sa amin na wala kaming suporta sa gawang sariling atin!

Parang hindi naman yata makatwiran iyon.

Ang gawin ninyo ay umisip kayo ng mga paraan para mapalago at umunlad ang mundong inyong ginagalawan. Dapat may mga makabagong ideya at kaisipan dahil nagbabago at umiikot ang mundo. Paano ba kayo sasabay sa pagbabagong hatid ng makabagong teknolohiya ? Innovate and fabricate.

Halimbawa sa presyo ng sine , gumawa kayo ng paraan para mapababa ang halaga nito. Alam ninyo ba na ang mga reissued film sa mga sinehan like Isetann at Ever Cinemas na nagkakahalaga lang ng 30.00 hanggang 40.00 ay mas pinapasok pa ng mga tao kesa sa mga bagong pelikula na nagkakahalaga ng 200.00 ang entrance? Bakit ? Eh kasi mas mura nga itong mga reissued film na ito.

Ang hanap ngayon ng mga tao ay iyong kung saa sila makakamura lalo na ang mga masa na mas nakararami sa bansang ito. Kaya nga patok ang mga midnight sale sa mall di ba ? Ang mga baratilyo at tiangge shops na mas mura ang mga bilihin ay dinadayo din. Ang mga buy 1 take 1 ay mabili tulad sa Angels Burger . Ang mga promos like 20% to 50% discount ay dinadagsa ng mga tao. Ang mga low-priced buying sites like Lazada and Shopee ay dagsa ang mga buyers. Ang mga bodega sale at garage sale halos hindi magkamayaw ang tao. At ano ang common denominator sa mga ito?

Mas mura sila nang higit na hindi hamak kaysa sa iba!

Kaya, I am sure na mapababa ninyo ang presyo ng mga sine na iyan ay walang duda na babalikan kayo ng mga manonood, promise.

Bakit hindi kayo mag-lobby sa mga mambabatas natin na babaan ang taxes sa mga panoorin na iyan kung iyan ang nagpapataas ng presyo ng sine!

And for God's sake , kayo na din mismo ang magbaba ng mga presyo ninyo bilang mga artista o direktor nang sa gayon ay bumaba ang production costs ng mga producers noh para next time hindi sila matakot mamuhunan ulit .

At siyempre ay dapat na paigtingin ang kampaya laban sa piracy at ang paglansag at pagtaboy sa mga tumatangkilik dito.

But I doubt na ma-eradicate totally ang piracy dahil hanggat may mahirap ay may bibili at bibili nito.

At hanggat wala silang alternative na mabibiling mas mura ay hindi ka makakaasa na babalik ang tao sa sine.

And lastly , please please please, make a good quality and modern films. Yung sunod naman sa uso at hindi yung formulaic , teeny bopper at pinaglumaan na yatang theme ng mga pelikula ang lagi ninyong ihahain sa amin .

Gumastos naman kayo sa mga special effects at hindi yung puro  green background pa rin ang gamit ninyo na panahon pa ni kopong kopong. Computer Age na tayo ngayon at ang mga 3D and 4D at CGI effects ay madali na lang gawin with the help of a computer app.

Sana ay makarating ito sa mga kinauukulan at bumalangkas sila ng mga paraan upang masagip ang naghihingalo raw na kalagayan ng local movie industry.

Huwag puro paninisi sa iba ang inyong unahin at gawing scapegoat ang movie going public na walang suporta kuno at kulang daw sa pagtangkilik ng sariling atin bilang dahilan ng paghina ng inyong kita at ganansiya.

And one more thing at maidagdag ko na din ay nasissisi din ang mga theater owners na kesyo daw kulang sa suporta dahil maagang pinu-pull out ang mga pelikulang lokal na hindi pinapasok ng moviegoing public. Ano bang gusto ninyo, patuloy na ipalabas ang pelikulang halos puwede kang mag-football at mag-patintero sa loob ? Business is business kaya naturalmente namang kapag walang tao sa isang negosyo mo ay palitan mo nang mas mabiling produkto.

Everything has a reason and you all must look unto yourselves kung bakit nangyayari ito sa inyo. And then , create a comprehensive and strategic masterplan para maagapan ang probemang hatid nito sa industriya. 

Filipino movies are not dead .

It just lie there  gasping, waiting for someone brave enough to save and salvage it from near death oblivion. 

Hindi pa huli ang lahat at may panahon pa para ito ay ma-resuscitate and ma-revive ang sineng lokal basta sama-sama at tulong-tulong ang lahat.

Kapit lang !








Monday, February 11, 2019

VINCE DINADAYONG HOT PIES



Na meet ko isang araw ang mag-asawang may-ari ng Vince Kitchen Delights na sina Vic and Ghie Alviz sa kanilang tahanan sa Pasig City.


Maraming produktong ibinebenta ang mag-asawa like Empanada , Embotido , Dimsums , Cakes , Cold Cuts at ang masarap nilang Ube Champorado na kanilang pinatikim sa akin.

But what caught my attention really is their bestselling  Assorted Pies.



Talagang dinadayo ang  kanilang mga pies na ibinebenta dito sa kanilang tahanan and online too. Marami ang nasasarapan dito kaya talaga namang dinadayo pa ito ng maraming mga kostumer mula sa malalayong lugar pa.



What’s special about their  pies is that hindi matigas or makunat ang dough nito up to the crust  dahil gawa ito sa isang special ingredients. Malambot at makrema pa ang lasa nito.

It's really that special and delicious kaya naman hindi mapigilang mag-comment ng mga positive feedback ang  kanilang mga suki at customers.



Ang Vince Kitchen Delights ay nagsimula daw nuong May 2017 pa at simula nuon ay unti unti na itong lumago at nakilala. 

Ang Vince Kitchen Delights ay hango mula sa pangalan ng kanilang panganay na anak na si Vince.



Ayon kay Ghie every box of their pies has 8 slices available inside. 

It can be in any flavors or varieties like BUKO PIE , EGG PIE , UBE PIE , UBE-MACAPUNO PIE and MANGO PIE. 

At puwede ring bumili ng isang box na may lamang assorted flavors o ibat ibang flavor sa isang box. Like 4 flavors in one box all in for only 210.00

Ang BUKO PIE and EGG PIE per box ay worth 180.00 samantalang ang UBE PIE and UBE-MACAPUNO PIE naman ay worth 210.00 per box. 

It has a shelf life of until 2 days in room temperature pero kapag chilled ay puwede naman itong tumagal until 5 days.

Every pie has a diameter of 9 inches and all their ingredients are natural and no preservatives kaya talagang masarap.

Try ninyo ang kanilang Dinadayong Assorted Pies and I promise na hindi kayo magsisisi sa pag-order nito dahil talagang masarap at malasa up to the last bit.

Ayon sa mag-asawa ay nagpaplano na din silang magput-up ng physical store or foodcarts and stalls in the future dahil talagang marami na ang umoorder nito sa kanila.

Sa ngayon ay available ito online sa kanilang website na puwede ninyong bisitahin dito VINCE KITCHEN DELIGHTS

Or you can call their phones or contact Ghie Alviz for more information and details with regard to orders and deliveries.



Open din sila sa mga retailers and wholesalers like me and avail the big discounts for those who want to do this business.

So ano pang hinihintay ninyo tara na at dayuhin natin ang Dinadayong Hot Pies ng Vince Kitchen Delights.

Monday, February 4, 2019

Budbud Gourmet Suman



Na-meet ko ang isa sa may-ari ng Budbud Gourmet Suman na si Sir Carl Van Hoven sa kanilang stall sa Legazpi Sunday Market in Makati City.

Ayon kay Sir Carl ang Budbud Kabog ay isang native kakanin originally from Negros Oriental particularly in Bais City.

Ang kaniya daw maybahay na si Mam Maribel ay nagmula sa Negros Oriental kung saan ay lagi niyang nakikita ang Budbud Kabog na itinitinda duon. 


Nang siya ay mapadpad sa Maynila ay naisipan niyang dalhin ang recipe ng Budbud Kabog dito sa Kalakhang Maynila at itinda ito dito.

Nagsimula siyang magluto nito taong 2001 at ilako nila sa kanilang mga kapitbahay sa Alabang.


Surprisingly ay marami ang nagkagusto at nasarapan dito sa kanilang lugar kaya simula nuon ay palagian na niya itong niluluto na inilalako naman ng kaniyang asawa na si Sir Carl.  

Ang Budbud Kabog ay kakaiba sa mga ordinaryong suman na gawa sa bigas or malagkit dahil itong Budbod Kabog ay gawa naman sa millet seed na marami duon sa Negros.

Ang ibig sabihin nga ng Budbud sa salitang Negrense ay “ suman “ at ang Kabog naman ay “ paniki “ so literally ay “ suman ng mga paniki “ ang ibig sabihin ng Budbud Kabog.

It is because ang millet seed ay paboritong kainin ng mga paniki na siya namang main ingredient ng Budbud Kabog.

Ayon kay Sir Carl maging ang wrapper ng Budbud ay espesyal din dahil dalawang beses itong binabalot sa dahon ng saging bago ito ibenta. Pagkaluto sa dahon ng saging ay aalisin ito duon at muling isasalin at ibabalot sa bagong dahon ng saging bago ito ibenta.


At magmula nga nuong 2001 ay unti unti nang nakilala ang Budbud Kabog ng mag- asawang Van Hoven at na-feature na din sa ibat ibang show tulad ng Swak Na Swak , Umagang Kay Ganda at Kapuso Mo Jessica Soho.

Sa ngayon ay itinitinda nila ito sa  kanilang stall sa Makati City every Saturday and Sunday at Salcedo and Legazpi Market respectively. 

Available din ito online kung saan sila nagpapa-deliver at puwede ring pick-up sa kanilang bahay sa Alabang.

Sa ngayon ay mayruon na silang 16 flavors or varieties katulad ng Saging , Mangga , Pandan  at marami pang iba.


Tunay ding kakaiba ang kanilang mga suman dahil gawa ito sa special kind of rice called Songsong .

Kaya naman hindi talaga ito basta bastang suman lang ha kundi ito ay Budbud Gourmet Suman.

Every Budbud Gourmet Suman has a shelf life of 3 days and mind you ay mayruon din silang Frozen Suman dahil kahit naka-freeze ito at i-steam mo lang ay same pa rin ang lasa at freshness na matitikman mo .

Kaya naman kung gusto mo ring matikman ang kakaibang lasa at sarap ng Budbud Gourmet Suman ay dumayo na sa kanilang stall sa Makati City or visit their website here 

BUDBUD GOURMET SUMAN or you can call Sir Carl at 09178903888.


Happy Budbud Gourmet Suman eating madlang pipol !




Tuesday, January 29, 2019

TUPIG for sale 70.00 per tub

TUPIG - an Ilocano Delicacy made of sticky rice flour and other ingredients wrapped in a burnt banana leaves. 

Hindi mo na kailangan pang dumayo sa Ilocandia para lang matikman ang ipinagmamalaking kakaning ito ng mga Ilokano. 

Available na ito in a plastic tub with ten pieces inside. 

For only 70.00 per tub ay matitikman mo na ang kakanin ng mga Ilokano na tunay namang pagkasarap - sarap. Kaya bumili at umorder na kayo. 

By orders only para laging sariwa ang pagkakagawa. 

We also give discounts to wholesalers and resellers. 

Available for meet ups around Marikina and Antipolo and also for a Lalamove Delivery.

Store pick up is at BRIONES STORE Hardrock Road Pagrai Mayamot Antipolo City.

For more information  just PM is the key.







Monday, January 21, 2019

SY You In Heaven

The magnate has fallen.


It is indeed a sad breaking news to hear that the SM mogul Henry Sy had died peacefully in his sleep last January 19 , 2019 in his house at the age of 94 .

Henry Sy is synonymous with the words wealth and success.

He can be the epitome of the idioms " from  rags to riches " and " rising from the ashes " respectively.

Many people idolize him and all of us surely admire him.

Paano nga ba namang hindi ay siya ang nagpasimula ng story starting from his humble beginnings in China.

Ayon sa istorya ay nag-migrate ang kanilang pamilya mula sa Tsina dahil sa sobrang kahirapan duon at dahil din sa giyera.

Sa edad na dose ni Henry Sy , kasama ang pamilya  niya ay napadpad sila sa Pilipinas.

At sa bansang ito ay nagsimula ang kaniyang ama ng maliit na negosyo.

Nang matapos ang giyera sa China ay nagpasyang bumalik duon ang kaniyang pamilya , subalit nagpaiwan dito si Henry Sy.

At dito niya sinimulan ang isang maliit na tindahang nagbebenta ng mga sapatos na pinangalanan niyang SM o Shoemart na nasa Carriedo Street Quiapo Manila.

As time goes by , eventually dahil sa angking sipag , tiyaga at talino ay lumago nang lumago ang kaniyang negosyo at dumami ang mga branches nito.

Noong November 8 , 1985 ay kaniyang inagurahan ang isang napakalaking mall sa EDSA na siyang magpapasimula nang mall sprouting sa buong bansa na kaniyang tinawag na SM City North EDSA.



And the rest is history as they say.

Sa ngayon ay umaabot na sa 72 ang mga malls na naipatayo niya sa buong bansa at hindi pa kasama ang mga SM Supermalls na nasa China at ang iba pang mga magsusulputan at under construction na mga malls sa ibat ibang panig ng kapuluan.

May mga negosyo din siya na ukol sa pagbabangko like Banco De Oro at sa real estate katulad ng SM Development Corporation o SMDC at sa grocery like Savemore at marami pang iba.

Indeed, he had developed himself from being just a small time someone into becoming The One.

Malayo na ang narating nang nag-iisang HENR SY

Siya lang naman ang itinutuirng ng Forbes Magazine bilang pinakamayamang Pilipino in 7 straight years.

And truly he is a Filipino by heart , through words and in deed.

Walang hindi nakakakilala kay Henry Sy and I believe that every Filipino emulates and admire him.

Paglabas mo pa lamang sa iyong bahay ay may SM ka nang makikita at matatanaw dahil nagkalat  na ang iconic logo nito sa bawat parte ng ating buhay



Tunay ngang walang makakapantay sa kadakilaan ni Henry Sy bilang isang natatanging Pilipino.


Kaya naman kahit ako ay iniidolo ko siya.

Kaya naman isa sa mga dreams and goals ko ay mapuntahan at malibot ang lahat ng mga SM Supermalls na itinayo at itinatayo dito sa bansa at maging ang mga nasa labas ng bansa.

And I know that I am close in realizing that dream of  mine.

I am always fascinated by SM and Henry Sy in particular kaya naman hindi ko maiwasang malungkot nang mabalitaan kong siya ay pumanaw na .

Let s all just pay our last respect to the King at Heritage Memorial Chapel where his body lies in state.

Now , you can make our Lord a beautiful and grand mall in heaven where He and you can go shopping and malling forever.

Rest In Peace , my King !





#SMMalls
#HenrySy
#RIPHenrySy
#SMCityNorthEDSA

Wednesday, December 26, 2018

VICE GANDA : ANG PAMBANSANG BAKLA NG PILIPINAS


Hindi ko maiwasang matuwa – bumilib at humanga kapag naririnig ko ang pangalang Vice Ganda.

Aminin man natin o hindi , si Vice Ganda lang naman ang pinakasikat na bakla sa buong bansa.


Hindi matatawaran ang kaniyang kasikatan at pagiging popular.

Mula sa mga pelikulang kaniyang ginawa na pawang tumabo at kumita ng husto sa takilya katulad ng The Unkabogable Praybeyt BenjaminSisterakas , Girl, Boy, Bakla, Tomboy , The Amazing Praybeyt Benjamin , Beauty and the Bestie , The Super Parental Guardians , Gandarrapiddo: The Revenger Squad  na pawang mga highest grossing film mula 2011 hanggang 2017 respectively hanggang sa mga TV shows na pawang numero uno sa ratings katulad ng It’s Showtime at Gandang Gabi Vice maging sa mga endorsements and commercials na tinatangkilik ng mga konsumer at mamimili at isama mo pa ang kaniyang mga negosyo na tumitiba sa tubo at kita  katulad ng Vice Cosmetics.

Tunay nga namang masasabi natin na nang magbuhos ng suwerte at magandang kapalaran ang Diyos ay tila ba banyera ang ginamit na pansalo ni Vice Ganda para akuin ang lahat ng mga biyayang ito sa kaniyang buhay.

Isa siyang baklang pinagpala sa lahat ng bakla huh.

Sa aking palagay ay nakakagulat at nakakamangha ito dahil kilala ang bansang Pilipinas na tila ba hindi pa tanggap ang mga bakla na siyang gagawing idolo at ilalagay sa pedestal ng paghanga.

Dahil likas na makaluma , conservative at old fashioned ang mga Pilipino ay tila ba nahihirapan  sila na tanggapin ang mga pagbabago na dala ng modernong panahon lalo na ang patungkol sa sekswalidad ng isang tao.

Kaya naman nagkaruon ng stigma ang mga bakla na hindi pa sila tanggap ng lipunan dahil sa mga diskriminasyong nararanasan nila mula sa lipunan.

Subalit unti unting nagkaruon ng pagbabago nang pakikitungo sa mga bakla nang pumasok ang bagong milenyo.

Mula nuon ay tila ba unti unti nang natatanggap ng lipunan ang pagkatao ng mga bakla at ang prinsipyong kanilang ipinaglalaban.

Katunayan dito ay ang pagtanggap at pagtangkilik ng mga tao sa isang Vice Ganda.

Sa aking pagkakatanda ay wala pang isang bakla na labis na hinangaan  at halos ay sambahin at idolohin ng masang mga Pilipino.

Bagamat marami na ding mga bakla ang nagbigay parangal at kadakilaan sa bansa dahil sa kanilang angking galing at husay  katulad nila Ricky Reyes , Boy Abunda ,  Lino Brocka , Joel Cruz , Pitoy Moreno at marami pang iba , hindi maitatanggi na si Vice Ganda ang pinakasikat at pinakakilala sa kanilang lahat.  

Sa larangan ng aktingan at pagpapatawa ay marami na ding mga bakla ang tumatak sa isipan ng mga mamamayan  maging ng mga tunay na lalaking nagbabakla baklaan katulad nila Dolphy , Eddie Garcia ,  Joey De Leon , Vic Sotto at iba pa.

Nuon namang dekada 80 ay sumikat at hinangaan din ng husto ang mga gay characters na ginawa ni Roderick Paulate sa mga pelikula niya gaya ng Petrang Kabayo , Kumander Gringa , Binibining Tsuperman atbp. Dito ay nakitang unti unti nang natatangap ng mga Pilipino ang kultura ng kabaklaan sa Pilipinas.

Hanggang sa dumating at pumalaot sa showbusiness ang isang Vice Ganda!

Si Jose Marie Borja Viceral ay nagmula sa isang mahirap na pamilya sa Tondo Maynila.

Ayon sa kaniya , nuong una ay nahirapan din siyang tanggapin at iladlad  ang  kaniyang tunay na pagkatao dahil sa kaniyang ama na isang istriktong barangay kapitan.

Sila ay limang magkakapatid na binubuo ng apat na lalaki at isang babae.

Dahil siya ay bunsong lalaki at ang kaniyang mga naunang kapatid na lalaki ay nagsipagladlaran na bilang mga bakla , ay siya ang inasahan ng kaniyang ama na natitirang tunay na lalaki sa kanilang pamilya.

Dahil dito ay pilit niyang itinago ang kaniyang lihim na pagkatao sa kaniyang tatay at nagpumilit na magpakalalaki kahit na ang totoo ay gusto na niyang sumunod sa yapak ng kaniyang mga kuyang bakla.

Nang mamatay ang kaniyang ama mula sa isang insidente ay dito na niya sinimulang kilalanin ang kaniyang sarili at tanggapin ang kung anumang pagkato mayruon siya.

Dito na niya napagtanto na siya ay isang berdaderong bakla !

And the rest is history as they say.

Mula nuong araw na matanggap ni Vice Ganda sa kaniyang sarili na siya ay isang bakla , dito na rin nagsimula ang pag-ikot ng gulong ng kaniyang buhay patungo sa magandang kapalaran.

Kung gayon tunay nga namang masasabi natin na ang lahat ng magandang bagay ay nagsisimula sa pagtanggap o acceptance.

Simula nuon ay naging sunod sunod na ang pagpapalang dumating sa buhay ni Vice Ganda.

At ngayon nga ay kinikilala na siya bilang pinakasikat at pinakapamosong bakla sa buong Pilipinas.

Hindi naman maitatanggi iyan.

Maraming ibig ipahiwatig ang pangyayaring ito sa buhay ng isang Vice Ganda :

1.) Na ang kabaklaan ay unti unti nang natatanggap sa lipunan bilang isang uri ng institusyon.

2.) Na ikaw ay handang yakapin at tanggapin ng mga tao kahit anong uri ka pa basta ikaw ay mabait , mapagkakatiwalaan , mapagpakumbaba at matulungin.

3.) That it doesn’t matter kung ano ang iyong pagkatao basta ba marunong kang makisama at hindi mo nakakalimutan ang iyong dukhang pinagmulan.

4.) Na handa ka nilang suportahan kahit anong uri ka pa ng tao basta at marunong kang rumespeto at gumalang sa opinyon at paniniwala ng iba maging ito ay sang ayon o laban man sa iyong sariling paniniwala.

5.) Na hanggat wala kang tinatapakan at sinasaktan at inaabusong kapwa mo tao ay tatanggapin ka nila kung anuman ang iyong sabihin dahil sa pagtitiwala nila sa iyo.

Vice Ganda is a once in a lifetime phenomenon.

Minsan lang dumating sa mundo ang mga tao na magpapabago sa kaisipan ng sambayanan at pagtanggap sa patuloy na ebolusyon ng karakter ng isang tao.

Ang pagtanggap at pagtangkilik ng balana sa isang Vice Ganda ay nagpapatunay na bukas na ang isip at tanggap na  ng mga tao ang kabaklaan dahil na rin sa magagandang halimbawa na ipinapakita ni Vice Ganda sa larangan ng pagpapatawa at komedya.

Hindi naman mahirap mahalin ang isang Vice Ganda.

Simple lang naman ang kaniyang pangarap , mula  sa pagiging isang Tutoy ng kaniyang kabataan hanggang sa pagiging isang  Vice Ganda ng mga millennials ngayon, hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal sa puso niya na ang pinagmumulan ay ang natatanging pagmamahal niya sa kaniyang inang si Mommy Rosario.


Marahil ay kaya siya biniyayaan ng langit ng higit pa sa kaniyang inaasahan ay dahil na rin sa kaniyang tapat na pag ibig at pagmamahal sa kaniyang mga magulang partikular sa kaniyang nag iisang ina.

Samakatuwid ay puwede naman nating sabihin na ang lahat ay nagsimula sa LOVE.

The Greatest is LOVE sabi nga sa Bible.

Basta ikaw ay marunong magmahal at umibig , makikita ito ng langit at gagantihan ka ng mabubuting bagay dahil dito.

Bilang miyembro ng isang tinatawag na Ikatlong Kasarian , I am very proud to say na dahil sa isang Vice Ganda ay unti unting binubuksan niya ang isipan ng mga Pilipino na ang mga bakla ay hindi dapat pandirihan at kutyain at hamakin bagkus ay dapat na hangaan , mahalin at idolohin lalo at ikaw naman ay nagpapakita ng mabuting adhikain at ehemplo na puwedeng gayahin ng mga mamamayan.

Kaya naman maraming mga bakla rin ang umiidolo at humahanga sa pagbabagong dala ni Vice Ganda para sa pagkilala sa ambag at kontribusyon ng mga bakla para sa ikauunlad at ikagaganda ng pamumuhay ng maraming  mga Pilipino.

Can I just  say that we owe it all to the one Vice Ganda?


To Vice Ganda – nawa ay panatilihin mo ang Ganda ng iyong kalooban at sana ay manatili kang humble at matulungin at maawain at huwag mo ding  kakalimutan ang iyong pinagmulan nang sa gayon ay maipagpatuloy mo  ang iyong winning streak papasok sa puso ng mga madlang pipol.

Mabuhay ka kapatid na Vice Ganda !

#ViceGanda
#It'sShowtime



Friday, December 7, 2018

ALEX GONZAGA - CHAMBE

Hypebeast itong bagong single and MTV ni AG huh.


Nakaka 5 million lang naman ang views sa YT huh.



In fairness , kaaliw ang beat ng music na todong nakakahataw .



At ang lyrics nakakabilib .



Kaya naman Alexa, ikaw na !



How to be you po AG !



#AlexGonzaga #Chambe #AlexGonzagaChambe #BeatDanceMusic



Sunday, November 18, 2018

ABS-CBN Christmas Station ID 2018 “Family Is Love”

This is the ABS-CBN Christmas Station ID for the year 2018 and it is entitled Family Is Love.



Every Christmas ay talaga namang inaabangan na ang station ID nitong ABS-CBN dahila talaga namang magaganda at nakakaaliw pakinggan at awitin ang mga Christmas Station ID songs nila.



And this year ang tema ay ang Family Love na tamang tama para sa Paskong darating.



Panuorin ninyo dito:





Thursday, November 8, 2018

Marcelito Pomoy and Sephy Francisco duets with The Prayer







Nakakabilib talaga ang mga Pinoys huh!



Imagine , ang mga lalaki natin ( Marcelito Pomoy ) ay nagboboses-babae at ang mga babae naman natin

( Sephy Francisco )  ay puwede namang mag-boses lalaki whew!



Saan ka pa!



Only in the Philippines ang mga kakaibang talent na ganito.



Mabuhay !

Monday, November 5, 2018

RIP RJP

Nuong una pa lang ay MACHO GUWAPITO ka na talaga.

Ikaw ang nag-iisang Total Entertainer ng musikang Pilipino.

Minsan ay hindi ka maintindihan ng balana dahil sa iyong mga berdeng pananalita.

Ngunit sadyang ANG TAO'Y MARUPOK kay daling lumimot sa iyong mga naiambag sa industriya, kaya naman SORRY NA , PUWEDE BA?

Subalit bigla mong ginulat ang lahat dahil sa biglaan mong pagpanaw sa mundong ibabaw.

Sabi mo nga na ang tao ay nagmula sa LUPA kayat magbabalik na kusa pagkat tayo ay lupa lamang because it's THE WAY WE WERE.

Kahit pa MAGKASUYO BUONG GABI
darating din ang araw na ika'y lilisan.

Dahil ito ang ating KAPALARAN.

But don't ever forget that laging MAY BUKAS PA and that we all will be TOGETHER FOREVER someday soon.

RIP RICO J. PUNO.