TRAVELBOOK NOW!

Saturday, June 2, 2018

CATHY'S PUTO FLAN


Napagbigyan tayo na bisitahin si Mam Catherine Llamelo-Tatualia na siyang may-ari ng CATHY'S PUTO FLAN business na nasa Nangka, Marikina City.

Simple at payak ang kanilang bahay na pinagmumulan ng masasarap na puto isang hapon na bumisita ako sa kaniya.

Si Mam Cathy ay kilalang gumagawa ng mga puto flan at ibat ibang uri nito na siya niyang ibinebenta online.


Sa katunayan nga ay na-feature na rin ang kaniyang business sa Umagang Kay Ganda at Kabuhayang Swak Na Swak ng ABS CBN at gayundin sa Unang Hirit ng GMA 7 .

Sa dami ng mga umoorder sa kaniya lalo na kapag may mga okasyon gaya ng Pasko ay masasabing kumikitang kabuhayan ang naipundar ni Mam Cathy sa pamamagitan ng kaniyang mga puto.

Ayon sa kaniya, sinimulan niya ang kaniyang negosyo nuong  taong 2014 at ipinost ito sa kaniyang Facebook.

Magmula nuon ay marami na ang umorder at naghanap ng kaniyang mga puto.

Hanggang sa makilala na nga siya na isa sa mga nagbebenta nang iba’t ibang klase at masasarap na uri ng puto sa internet.







Ang kaniyang mga produkto ay mga PUTO FLAN na isang klase ng mini puto na may leche flan sa ibabaw.


Bukod sa Leche Flan topping sa ibabaw ay mayruon din itong yummy fillings na may iba’t ibang flavors.


Ang mga flavors ng kaniyang PUTO FLAN ay ang CLASSIC , YEMA , CHOCOLATE , UBE-YEMA , UBE KESO , COOKIES AND CREAM , PEANUT BUTTER at SPICY TUNA.

Bukod dito ay mayruon din siyang produktong pinaghalong puto at kutsinta na ang kutsinta ay nasa ibabaw din nito.


Ito ay tinatawag niyang PUTSINTA.

At para mas pasarapin ang inyong puto cravings ay nag-imbento pa siya nang iba’t ibang varieties nito like PUTO PIZZA na lasang PIZZA talaga . Saan ka pa dahil may 
Puto ka na ay may Pizza ka pa di ba naman.

At ang paborito ng lahat na PUTO PAO na mayruong meat fillings sa loob with salted egg. 

Lahat nang ito ay masasarap at perfect na panghanda sa mga okasyon at pang-regalo para sa inyong mga mahal sa buhay.

Kung kayo ay oorder ay nakalagay ito sa isang box na may 14 pieces sa loob at ito ay assorted na depende sa gusto ninyo.

Ang box na may mga lamang Classic Puto Flan ,  Putsinta at Puto Pizza ay nagkakahalaga ng 135.00

Ang box naman na may lamang Puto Pao ay nagkakahalaga naman ng 150.00

Samantalang ang PAOTSINTA na pinaghalong Puto Pao at Kutsinta all in one ay nagkakahalaga ng 150.00 per box.

Puwede ring magpa-customized ng mga orders depende sa varieties na gusto ninyo na ang price range ay umaabot nang mula sa 325.00 hanggang 400.00 depende sa sizes at flavors.

Ang shelf life naman ng mga produkto ay 2 days kapag nasa room temperature at 3 days naman kapag nasa loob ng ref.

Puwede ninyong makontak si Mam Cathy sa number na 09463728747.

Or just visit her Facebook page at Cathy's Puto Flan

So ano pang ginagawa ninyo at order na online para sa masasarap at ibang klase ng mga puto bilang dessert , pang almusal or kakanin na inyong ihahain para sa inyong 
pamilya at kaibigan na nasa lamesa.

Take my word for it na talagang masarap , affordable and satisfying ang mga especially made PUTO ni Mam Cathy.

Tawag na at order na.

Maraming salamat po !

No comments:

Post a Comment