TRAVELBOOK NOW!

Friday, February 9, 2018

Not DAILY anymore !

Nang inumpisahan ko ang Blogsite na ito ay binalak ko na maging daily ang entries na ilalagay ko dito hence the title name Edgar Portalan's Daily B.I.T.E.S.

Sabi ko ay marami namang puwedeng entries na ilagay o i-post sa munting tahanan kong ito.

Magmula sa mga pictures, quotations , reposts  , stories , anecdotes , videos , songs at kung anu-ano pang sanrekwang bagay sa mundong ito na puwede kong ibalandra sa site na ito.

Anyway , wala namang strict rules and regulations kung ano lang ang puwede mong ilagay sa isang blogsite.

Anything under the sun , ikanga ay puwede mo ritong i-post.

Kahit na FAKE NEWS.

Subalit kahit pala gaano kadaming bagay ang puwede mong mai-share at mai-post dito sa lugar kong ito ay mauubusan ka rin ng oras at panahon para gawin ito  dahil sa paglipas ng panahon ay iba na ang magiging mga priorities mo sa buhay.

Kaya ngayong araw na ito ay tinanggal ko na ang salitang DAILY sa aking title headbar .

Dahil simula ngayon ay hindi na magiging araw-araw ang aking mga entries sa blogsite na ito.

Wala na akong panahong mag-post sa totoo lang.

Kulang na sa oras at sabaw na din ang utak.

Kapag may panahon na lang.

Panaka-naka.

Paminsan -minsan.

Basta ang mahalaga , hindi naman ito mawawala!


1 comment:

  1. Ay sya namang tunay. As long as di mawawala okay lang

    ReplyDelete