TRAVELBOOK NOW!

Friday, June 2, 2017

Make brushing more fun with Minions!

Napakahalaga ang pagsisipilyo ng ngipin.

Kasing halaga nito ang ating pagkain!

Dahil in the first place ay paano tayo makakakain ng maayos at makakanguya nito kung ang ating ngipin ay sira.

Kaya it goes without saying na kung gaano tayo kadalas kumain ay ganun din dapat tayo kadalas magsipilyo.

Kung 3 times a day tayo kumakain , dapat ay 3 times a day din tayong nagsisipilyo tama?

Subalit sadyang hassle at time consuming ang pagsisipilyo lalo na sa mga taong palaging busy kaya karaniwang kinatatamaran ito ng maraming tao.

Lalo na ng mga bata kaya naman mapapansin mong marami sa mga bata ay may bulok na ngipin dahil sa hindi nakagawiang tama at madalas na  pagsisipilyo.

Kaya naman mayruon akong mga tips para maging kawili-wili ang pagsisipilyo para sa pamilya:

1.) Do it together – parang bonding time na rin ito para sa pamilya. Kapag nakita ng anak mo na nag-eenjoy ka sa iyong pagsisipilyo paniguradong gagayahin ka  nila at matututo silang magsipilyo ng kanilang sariling ngipin. Kailangan ay sabay sabay kayong magsisipilyo para maramdaman nila na kaisa ka nila sa tamang paraan ng pagsisipilyo.

2.) Lagyan ng rhythm ang pagsisiplyo- how about sumabay sa isang masaya at nakakasayaw na music habang nagsisipilyo. Sa ganitong paraan ay mai-enjoy nila ang pagsisipilyo at hindi magiging boring para sa kanila. Ituro kung paano ang tamang paraan ng paghagod sa ngipin katulad ng taas-baba , kaliwa-kanan , loob-labas at paikut ikot habang sumasabay sa indayog ng isang masayang musika o awitin.

3.) Ituro ang mga parts ng ating ngipin – kapag nalaman ng inyong mga tsikiting ang mga parts ng ating ngipin like the crown , enamel , cementum , root canal , dentine at marami pang iba ay ma-aapreciate nila kung gano kahalaga ang paglilinis nito at matututunan din  nila ang pagpapahalaga na mapanatili itong malinis at bacteria and tartar free always. It will make their  toothbrushing activity more fun and exciting once na malaman nila ang different parts nito.

4.) Pumili ng mga kid-friendly and flavored toothpaste – para sa mga bata , once nalasahan nila ang medyo maanghang na taste ng ibang toothpaste ay madadala na silang magsipilyo at katatamaran nila ang gawaing ito. Kaya napakahalaga na pipili din tayo ng may mga fruity flavors and odors na toothpaste nang sa gayon ay mai-associate nila ito sa masarap na prutas o pagkain at sa susunod ay mae-enjoy na nila ang pagtu-toothbrush. At dahil dito ay puwedeng puwede nating bilhin ang very kid friendly na Colgate Minions Toothpaste.

5.) Pumili ng akmang toothbrush para sa mga bata – at siyempre kaakibat ng flavored toothpaste ay dapat makulay at maraming image ang toothbrush na ipapagamit natin para sa kanila. Ito ay para naman ma-associate ng mga bata sa laruan ang toothbrush at kanilang isipin na parang naglalaro lamang sila. At this point in time ay puwedeng piliin ang mga latest toothbrush designs gaya ng ino-offer ng COLGATE MINIONS TOOTHBRUSH na may design ng mga Minions ang handles nito. Very appealing sa mga bata ang mga animated or cartoons design na kanilang nakikita kaya I am very sure na magiging excited sila sa activity na ito ng pagsisipilyo. 



Kung nais ninyong makakuha ng Minion Toothbrush ay maaari lamang na magpunta dito sa mga links na ito :

Mayruon silang Junior Oral Care Package for Kids 2 - 5 Years Old . click here MINIONS JUNIOR

At mayruon din silang Youth Oral Care Package for kids  5 – 9 years old naman. click here MINIONS YOUTH 

Kaya naman para pangalagaan ang kalusugan ng ating mga ngipin at ng ating mga anak ay mabuting sundin ang mga payong ito para sa mas madalas na pagsisipilyo ng ating mga anak.



At matapos ang pagsisipilyo ay sugod na sa mga sinehan at panuorin ang latest installment ng Despicable Me series Part 3 na palabas na sa inyong mga paboritong sinehan this coming June 17.



So mga kids and kids at heart alike ,don’t  forget to brush your teeth always to be healthy , wealthy and wise.

No comments:

Post a Comment