TRAVELBOOK NOW!

Thursday, June 1, 2017

D' CLASSY AUTO WASH

Naimbitahan tayo ni Sir Marvin Munar  and his family na dumalo sa inaugural blessing of his new business endeavor last April 16 which is a carwash depot located in Angono Rizal aptly named D Classy Auto Wash .


Ito ay matatagpuan sa Angono Rizal right beside SM Angono .

Katabi halos nito ang Pizza Ng Ina Mo na una kong binisita nuong year 2015 and since then ay naging suki na ako ng kilalang food shop na ito dahil tunay namang masasarap ang mga pagkain nila dito.



For more  information about Pizza Ng Ina Mo read my blog about it here PIZZA NG INA MO 

At ito ngang April 16 ay muli akong inimbita ng may-ari ng Pizza Ng Ina Mo na si Sir Marvin Munar upang isa sa maging guest nila para sa blessing cum opening nang  nasabing carwash outlet nila.

Mahilig daw talaga si Sir Marvin sa mga cars and any kind of vehicles sabi ng kaniyang butihing  maybahay na si Mam Marivic Munar kaya naman nang mag-isip sila ng panibagong business venture ng kanilang pamilya ay agad nilang naisip at bakit hindi ay ang carwash business.

Ang maganda pa dito ay katabi pa mismo ng kanilang naunang pizza business ang itinayong bagong venture nila sa pagnenegosyo kaya naman ang supervision ay hindi magiging mahirap para sa kanila.

Plus dagdag pa rito ay ang busy street na kinaroroonan ng kanilang negosyo kaya sigurado silang madami ang magpapalinis ng  kanilang mga sasakyan dito.

Of course naman ang kanilang carwash outlet ay equipped with the latest in techonology para sa maselang paglilinis ng mga sasakyan.
Idagdag pa ang kanilang mga masisipag at magagaling at bihasang mga carwash boys na tutulong sa inyo para ma-achieve ninyo ang pinaka-epektibong paraan ng paglilinis ng inyong mga sasakyan.


At siyempre higit sa lahat ay affordable at para makamasa ang presyo ng  kanilang mga serbisyo.

Ang maganda pa rito ay mayruon silang receiving  area kung saan ay puwede kang mag-relax  muna habang hinihintay ang paglilinis ng iyong sasakyan.

At siyempre pagkatapos mong magpalinis ng iyong kotse ay diretso ka na sa katabing Pizza Ng Ina Mo upang lasapin at mabusog naman sa kanilang ihahaing masasarap na  putahe.


O di ba naman , one stop shop na ito mga pare at mare.

Naging napakasaya at enggrande ang blessing/opening celebration ng araw na iyon na inofficiate ni Father ng Saint Clement Church Angono at pagkatapos ng blessing ay umapaw ang mga pagkaing inihanda para sa kanilang mga bisita.




At ang masuwerte pa ay umuulan ng araw na iyon kaya ito ay isang magandang senyales na it will pour a lot of  blessings on their business endeavor.

Nagpapasalamat tayo sa pamilya ni Sir Marvin Munar sa pag-imbita sa mahalagang okasyong ito ng kanilang mag-anak.


Tunay na may mabubuting puso ang kanilang pamilya kaya naman inuulan din sila ng pagpapala na nagmumula sa Itaas.

Kaya sa mga suki at parukyano ng Pizza Ng Ina Mo at sa lahat ng mga taga Angono at sa buong lalawigan ng Rizal na dito na kayo magpalinis ng inyong mga sasakyan sa D Classy Auto Wash upang ma-achieve ninyo ang supercarwashing and as its's name implies a first class kind of services na kanilang ino-offer para sa masa.

Hindi kayo maliligaw dahil malapit lamang ito sa SM Angono at makikita ninyo agad habang kayo ay nagda-drive ng inyong sasakyan sa kahabaan ng Manila East Road.


Muli ay maraming maraming salamat sa pamilya ni Sir Marvin Munar at mabuhay po kayo at patuloy na  pagpalain ang inyong pamilya.


God bless all of us !

No comments:

Post a Comment