Wednesday, May 31, 2017

Tag-Ulan Na ! - PAGASA

It's now official : 

PAGASA declared RAINY SEASON has already begun. 

Uso na naman ang mga kantang Pumapatak Na Naman Ang Ulan ng Apo Hiking Society , Ulan ng Rivermaya , Tag Ulan ng After Image , Basang Basa Sa Ulan ng Aegis , Rain ni Donna Cruz , Raindrops Keep Falling On My Head by BJ Thomas , Purple Rain by Prince and Rainy Days on Mondays by The Carpenters . 

Ilabas na ang payong , kapote at bota . 

Panahon na naman ng bagyo , habagat , pito pito at baha. 

Tapalan na ang butas sa bubong Ng Vulca Seal. 

Tara humigop tayo ng mainit na sabaw ng Mami at Goto at lantakan ang tuyo at daing na may kamatis. 

Masarap din ngayon humigop ng mainit na tasa ng salabat o tsokolate . 

Ahhhh tag ulan na nga . Heto at pumapatak na ang ambon sa aking bumbunan. : )


No comments:

Post a Comment