TRAVELBOOK NOW!

Saturday, May 6, 2017

On Secretary Gina Lopez Non-Appointment in DENR

Nakakalungkot na nakakapanggigil ang pamumulitika na nangyari sa Commission on Appointments ni Gina Lopez para sa DENR . Hindi ko talaga maintindihan ang mga Pilipino. Naghahanap tayo ng mga tao na tapat at may political will na gampanan ang kaniyang tungkulin sa bayan. Subalit kapag mayruon namang nakita at nahanap ay siya naman nating itinatakwil. Ah kawawang Pilipinas . Nasisikil sa kuko ng mga ganid at gahamang kapitalista . Alam ko ngayon ay nagpapa party ang mga may-ari ng mga mining company na sumisira sa kalikasan. Tandaan ninyo ang mga pangalang ito.

Dear President Duterte : Bagamat nakakalungkot ang non-confirmation ni Sec. Gina Lopez para sa DENR , pakiusap po na mag- appoint ulit kayo ng bago na hindi man mas matapang ay kasing tigas ni Gina Lopez sa pakikipaglaban sa mga epal na Mining Company na iyan. Huwag kang tumigil sa pag appoint at pagpili ng DENR Secretary na may bayag lumaban sa mga gahamang kapitalistang ito na sumisira ng ating kalikasan. Hanggang maubos ang kanilang kayamanan sa panunuhol sa mga bulok na pulitikong ipinagpapalit sa kinang ng pera ang interes ng kanilang kapaligiran. Ipagpatuloy ang Laban ni Secretary Gina Lopez  


Show mor

No comments:

Post a Comment