TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, April 5, 2017

Pateros

Pinakamaliit na bayan sa Metro Manila ang bayan ng Pateros in terms of land area and population demographics.



Ito na rin lang ang natatanging bayan sa Metro Manila na hindi pa nagiging lungsod o siyudad.

At sa labing anim na lungsod sa Metro Manila , bukod tanging ang bayan na lamang ng Pateros ang hindi ko pa napupuntahan o nagagalugad.



Kaya naman isang araw ay binalak kong bumisita o magpunta at maglibot sa munting bayan ng Pateros.



Maliit lamang ang bayan ng Pateros. Kayang kaya mo nga itong libutin sa loob lamang ng isang araw.

Ang bayan ng Pateros ay sikat sa mga paggawa ng  Balot at Penoy at pag-aalaga ng mga  itik at pato at ang pamosong produkto nilang Alpombra Sandals  o Tsinelas.




Maaari mong marating ang bayang ito sa pamamagitan ng pagsakay ng Jeep na may karatulang Pateros sa kanilang terminal sa ilalim ng tulay ng Guadalupe Makati City o kaya naman ay mula sa Pasig City at Marikina City Terminal nito.




Napakasayang maramdaman na nalibot ko na at napuntahan ang 16 na lungsod sa Metro Manila at ang nag-iisang bayan ng Pateros na wish ko someday ay maging isa na ring lungsod nang sa ganuon ay makasabay sa pagiging moderno at maunlad sa buong rehiyon ng Metro Manila o National Capital Region.

Just a dream !





No comments:

Post a Comment