TRAVELBOOK NOW!

Sunday, January 31, 2016

Pubic Hairstyle



Saturday, January 30, 2016

Brace or retainer ?

Dahil sa pangrarahuyo ng isang kaibigan ay nagpakabit nga ako ng retainer sa aking upper front teeth.

Ewan ko lang kung bagay ba huh .

Ah ewan !




Friday, January 29, 2016

With a headband

And now this is the height of their kalukahan ... tama na huh ! 



Thursday, January 28, 2016

With a cap

Mga luka luka kasing mga friends ko eh kung anu-anong pinaggagagawa sa akin ha ha ha.







Wednesday, January 27, 2016

Wednesday, January 20, 2016

AN OPEN LETTER TO PRESIDENT BENIGNO AQUINO III AND THE VETO SSS PENSION HIKE

Dearest Pnoy ,

Ito ay isang sulat na nagmumula sa isang anak na nagmamahal sa kaniyang mga matatandang magulang.

Ako po ay isang anak na may mga magulang na tumuntong na sa edad na 75 pataas.

At katulad ng maraming mga senior citizens na tumatanggap ng pension mula sa SSS ay ganuon din ang aking mga magulang.

Marapat lamang na sa maraming taon nang kanilang pagtatrabaho o pangangamuhan at maraming taon nang paghuhulog buwan buwan sa SSS ng kanilang kontribusyon ay sa kanilang
pagtanda at pagreretiro ay may kapalit namang ginhawang tulong pinansyal silang makuha mula sa inyong gobyerno sa pamamagitan ng SSS.

Nang marinig namin ang balita na mayruong isang batas ang ipinasa ng mga mambabatas natin upang dagdagan ng 2,000.00 ang kasalukuyang pensyon na natatanggap ng mga retirado ay labis ang pagkatuwa ng aking mga magulang.

Halos buwan buwan ay inaabangan nila kung naibigay na daw ba ang ipinangakong 2,000.00 dagdag sa pensyon nila.

Malaking tulong daw ito para sa kanila dahil sa gastusin sa gamot at pagkaing para sa matatanda.

Subalit sa tuwing titingnan ko ang kanilang pensyon at walang dagdag na 2,000.00 pa ay nanlulumo sila.



Ang sabi ko na lang bilang pagbibigay pag-asa at kasiyahan ay malapit na itong maipasa dahil nasa mga kamay na ninyo ang batas at pirma na lang ninyo ang kulang at maisasabatas na ito sa lalong madaling panahon.

Lumipas ang maraming buwan ng paghihintay na maisabatas ang dagdag na pensyon hanggang sa bumulaga na lang ang isang nakakabiglang balita isang araw.

Na-VETO ninyo ang batas at ibinalik sa Kamara ang batas na sana ay magdadagdag ng 2,000.00 sa buwanang pensyon ng mga retiradong senior citizens mula sa SSS.

Hindi ninyo alam kung anong klaseng kalungkutan at panlulumo ang na-express sa mukha nila nang makarating sa kanila ang balita.

Ang sabi nga nila ay " pera na ay naging bato pa ".

Isang araw na lang ay abot kamay na sana ang dagdag na ginhawa subalit binaril at nalaglag pa mula sa puno ng buhay.

Isang malaking tanong ng panghihinayang ang gumuhit sa kanilang mga mukha na lalong pinalala ng mga gatla sa kanilang mga noo.

Kawawa naman ang mga matatanda.

Ilang taon na lang siguro ang nalalabi sa kanilang buhay ay hindi pa sila makakatikim ng kaunting kaginahawahan sa buhay.

Ang average na pension ng mga senior citizens na natatanggap mula sa SSS ay 1,200.00 kada buwan.

1,200.00 ?

Nagbibiro ba kayo?

Ano kaya kung ang inyong mga magulang ang tumatanggap ng ganito kaliit na pensyon kada buwan , ano kaya ang mararamdaman ninyo ?

Para lang silang mga pulubing nilimusan ng kaunting barya mula sa gobyerno.

At ang sabi pa sa kanila ay "  tama na iyan para sa inyo , mabuti nga at may limos pa kahit kaunting barya lang ".

" Matuto na kayong magpasalamat dahil diyan . Beggars can't be choosers."

Ang pakiramdam nila ay para silang mga pulubi na nakikiusap at umaamot ng kaunting tulong na barya mula sa pondo na tinulungan din nilang hulugan at lumago sa paglipas ng panahon.

Ang tanong nila ay bakit ang mga nagpapatakbo at nagtatrabahong mga boss ng SSS ay ang lalaki ng sahod , bonus at may mga benefits pa ?

100,000.00 kada buwan na sahod at bonus at benefits laban sa 1,000.00 namang pensyon ng mga senior citizens ???!!!


Hindi ko maubos-maisip kung nasaan ang hustisya dito ?

Ang sabi ninyo ay lumakad sa Tuwid Na Daan .

Subalit paano ka makakalakad sa Tuwid Na Daan kung kumakalam ang iyong sikmura , nanginginig ang iyong tuhod at wala kang sapin sa paa ?

Ang sabi mo ay "Kami ang iyong BOSS ! "

Mayruon bang mga BOSS na hindi pinahahalagahan ang kanilang damdamin at kalagayan ?

Ang sabi ninyo ay mas iniisip ninyo ang kapakanan ng mas nakararaming miyembro ng SSS at ang kapakanan ng estado nito sa paglipas ng panahon na maaaring  mabangkarote ito kung magkamali sa desisyon ngayon!

Kapakanan ng mga miyembro nito ?

Hindi ba't ako rin ang makikinabang dito pagdating ng araw kapag ako naman ang makakuha ng pensyon kapag nag-retire na din ako ?

Mababangkarote ang SSS sa hinaharap dahil sa pagkaubos ng pondo nito ?

Wala na ba kayong ibang naiisip na paraan upang hindi masaid ang pondo nito ? At hindi na ba kayo gagawa ng mga mas mabibisang paraan ng pagkolekta nang sa gayon ay hindi mangyari ang pinangangambahan ninyong pagkaubos ng pondo nito ?

Talaga ngang madaling masaid ang pondo nito kung ang halos kalahati ng pondo nito ay ginagamit lang na pampasuweldo at luho para sa iilang tao lamang.

Nasaan ang hustisya dito ?

Nuong una ang akala ko sa VETO ay isang DEODORANT lamang.


Subalit ngayon ay puwede na rin palang gamitin ang VETO upang palungkutin ,bigyang pasakit at paluhain ang mga mata ng mga matatanda sa ating bansang Pilipinas.

Isang tanong lang ang nagpipilit maghanap ng kasagutan mula sa lirip ng aking isipan?

Ang tanong : Hindi bat ang batas na ito ay pinag-aralan na at hinimay-himay na ng ating mga matatalino at magigiting na mga mambabatas ?

At pagkatapos ay pinagpasyahang ipasa ng karamihan sa mga mambabatas na ito ? Ibig sabihin ay walang kagatul-gatol na pagtutol sa batas na ito ang karamihan sa ating mga mambabatas.

How come na isang tao lamang ang nagpasya at sabihing mali ang batas na gusto nilang ipasa ?

Ano ang nasa isip ninyo mahal na Presidente Aquino na wala sa isip ng mga mambabatas na umapruba sa batas na ito ?

Mas matalino ba kayong maituturing mahal na Presidente Aquino dahil mas malawak ang foresight ninyo kaysa sa mga mambabatas na ito na walang alam sa mangyayari sa hinaharap ?

Ah , mga katanungang walang kuwenta dahil dadaan lamang sa mga tenga ng mga nagbibingi-bingihang namumuno sa bansang ito.

At walang pakialam sa kalagayan ng mga mahihirap na mamamayan ng bansang ito.

Samantala , pagkakasyahin na lang muna ng aking mga magulang ang kakarampot na baryang nakukuha nila mula sa SSS.

Para sa maintenance na gamot ay matuto na munang magmakaawa sa mga pampublikong ospital at pumila nang mahaba dito.

At sa pagkain naman ay matuto nang magtiis sa discount na 10% mula sa mga mayayamang kainan.

Magtiis na lang muna na walang bagong damit .

Kapag tag-lamig ay huwag na munang mag-jacket.

At kapag tag-init naman ay magpaypay na lang muna dahil walang pambili ng electric fan o kung merun man ay walang pambayad sa kuryenteng ikokonsumo ng isang electric fan.

Hindi katulad ng mga mayayamang nasa Baguio o Tagaytay kapag tag-init o di kaya ay nagkukulong sa air-conditioned na opisina at cadillac kapag tag-init.

Masarap sanang mabuhay bilang isang matanda kung alam mo na ang pamahalaan mo ay may pagmamalasakit sa kalagayan mo.

Subalit kung ang pamahalaang kinabibilangan mo ay patuloy na nagbubulag-bulagan na lang sa tunay mong kalagayan , minsan hihilingin mo na lang na madaliin ang buhay at mamatay na lang agad at huwag nang tumanda pa.

Oo nga po at hindi ka marunong magpapogi at mamulitika kung papaboran mo ang dagdag pensyon ng mga matatanda.

Subalit sa kabilang banda ay hinding hindi ka rin naman nagpaganda sa antas ng pamumuhay ng mga pinamamahalaan mo.

Hindi ka na nga nagpapogi at hindi ka rin nagmaganda , sa gayon ay anong klaseng pamumuno ang ipinakita mo sa nakalipas na 6 na taon ?

PANGIT !!!

PANGIT NA DAAN !!!

SA TOTOO LANG !!!

EDGAR PORTALAN

‪#‎Pnoy‬ ‪#‎VetoSSShike‬ ‪#‎SSSPension‬ ‪#‎BenignoAquinoIII‬

Thursday, January 14, 2016