Monday, October 3, 2016

R.I.P. Miriam Defensor Santiago

Farewell to Madam Miriam Defensor Santiago.

Actually ibinoto ko siya para maging presidente ng bansang Pilipinas nuong 1992 at 1998 Presidential elections.

But then again , dahil sa mga malisyosong kaso ng pandaraya ay hindi nahalal ang dakilang Miriam Santiago sa luklukan ng pinakamataas na posisyon sa bansa.

Nitong nakaraang 2016 election ay muli siyang kumandidato subalit aaminin kong hindi ko na siya ibinoto dahil alam kong very fragile na ang lagay ng kaniyang kalusugan.

Alam kong hindi na niya kakayanin ang pressure at stress ng pamumuno sa ating bansa.

At nito ngang September 29, 2016 ay namaalam na sa ating kalagitnaan si Miriam matapos ang halos 2 taon ng pakikibaka sa sakit na lung cancer.

Ang sabi nga nila truly and I believe ,  Miriam is the best president our country never had.

Paalam sa pinakamagaling at pinakamatalino at pinakamatinong pulitiko sa ating kasaysayan .

Rest In Peace our Madam Lady Iron of Asia.

No comments:

Post a Comment