TRAVELBOOK NOW!

Sunday, August 14, 2016

Kabigting Halo Halo

Kabigting restaurant is already an established name in Halo-Halo business in town. 



Kilala na ang Kabigting halo halo way back in 

Ang isa sa kanilang branch na nasa Lilac Foodstrip in Marikina City under the helm of owners Rey and Baby Dizon ay aking binisita isang hapon.



Kabigting Halo-Halo was started by Sir Benjamin Miranda in Arayat Pampanga.




Since then ay unti-unting lumaganap at ngayon ay kinikilala na ito bilang premiere store kung halo-halo lang naman ang pag-uusapan.

For me they are one of the best tasting halo-halo in town , promise.

If  not on top , surely ay isa sila sa top three ko na maihihilera kung pag-uusapan ang sarap at lasa ng kanilang isini-serve na halo-halo.

Katunayan sa kanilang pagiging sikat at pamoso ay dahil nai-feature na sila sa mga programang Rated K ni Korina Sanchez at Kapuso Mo Jessica Soho.

As for now they have 3 more branches aside from their original store in Arayat Pampanga they also have in Congressional and Banawe Street in Quezon City and of course their Lilac Street branch.

Their Lilac branch is open from 10 AM til 9 PM Monday to Friday and then until 10 PM on Saturday and Sunday.



Lilac Street Marikina branch covers customers coming from Rizal and Eastern side of Metro Manila.

The taste of Kabigting Halo Halo is original Kapampangan and truly uniquely Kapampangan na sigurado naman tayong masarap at malinamnam.






Actually ang ingredients ng kanilang halo-halo ay beans at mais and the secret ingredient na nagpapasarap at nagpapalinamnam ng lasa ng kanilang halo-halo.


Lasa at linamnam na babalik-balikan mo once na natikman mo ang lasa ng kanilang halo-halo. 

That’s for sure.

Promise na promise at pak na pak ang lasa .

Yung para bang lasa na sa sobrang linamnam at sarap ay kakapit at hindi na mawawala sa iyong taste buds ng iyong dila.

Na talagang nanamnamin mo ang lasa nito hanggang makauwi ka ng bahay mo.

Ganun siya kasarap.

And you’ll never know at mamamalayan mo na lang na isang araw ay bumabalik ka na sa kanilang restaurant para umorder ulit ng kanilang pamosong Kabigting Halo-Halo.

95.00 ang bawat baso ng kanilang halo-halo na sulit na sulit dahil sa lasa at sarap nito.

Bukod sa lasa nito ay healthy din ang kanilang halo-halo dahil wala itong asukal or sugar na inihahalo at tanging ang kanilang secret ingredient ang nagpapalasa at nagpapasarap ng kanilang halo-halo kaya naman puwedeng puwede at rekomendado ito sa mga health conscious or diabetic na nagke-crave ng masarap na halo-halo pero hindi ubod ng tamis.

Bukod sa Halo-Halo ay may iba pa silang produkto na inihahain sa restaurant katulad ng Palabok( 95.00 ), Lumpiang Sariwa ( 100.00 ) and Tokwat Baboy na lahat ay may authentic Kapampangan taste and tinge.



Mayruon din silang Crispy Liempo sa halagang 125.00 lamang.




Kung mayruong function o special occassions ay puwede ring gamitin ang kanilang 2nd floor as a venue na maluwag at maginhawa ang ambience.

For more information you can call their store number at 696-3203 or visit their Facebook page at for reservations and inquiries.

So for the authentic and affordable Kapampangan Halo Halo and finest cuisine dishes  na hinahanap ninyo ay nandito na sa Marikina Metro Manila at kanilang dinala ang original and the best halo-halo in the whole Philippines na Kabigting Halo-Halo sa Lilac Street Marikina City.

What are you waiting for ,sugod na sa KABIGTING HALO-HALO.




























No comments:

Post a Comment