Friday, August 5, 2016

Cookie Mug

Isa na namang diner ang aming binisita ng kaibigang si Rommel sa Lilac Street Foodstrip in Marikina City.

Walang iba kundi ang kinikilalang first sa larangan ng paggawa ng Cookie Mug dito sa Pilipinas.



Ang Cookie Mug ay matatagpuan sa 2nd floor atop Brad and Pit Ribshack in Lilac Street Marikina City.



As its name implies , ang Cookie Mug ay gumagawa at nagbebenta ng mga cookies na hugis mug o baso.

Kitang kita dito ang creativity ng nagpasimula ng concept na si Mam Jocelyn Pillas one boring afternoon.

Bigla na lamang umano niyang naisip out of the blue na gusto niyang mag-bake .

At siyempre para may touch of originality and creativity ay naisip niyang gumawa ng mga cookies na hugis mug o baso na puwede mong lagyan ng liquid content sa loob .

O di ba naman how unique the idea is .

And the rest is history as they say.

Simula nuon ay nakilala na ang Cookie Mug ni Mam Jocelyn Pillas.

Nagsimula nilang itayo ang Cookie Mug sa Lilac Street in August 8, 2014.

Sa tulong ng mga anak ni Mam Jocelyn na sina Sir Dominic and Katherine De Ocampo   ay unti-unting nakilala ang Cookie Mug bilang isa sa premiere na puntahan ng mga suki para sa authentic  presentation ng kanilang Cookie Mug.




Actually dahil sa kasikatan nila ay na-feature na sila sa ibat-ibang shows sa TV like Matang Lawin , Rated K , CNN Philippines at sa Tribe ng Net 25.

And they say that one of this days ay mayruon silang live feature sa daily morning show ng Channel 2 na Umagang Kay Ganda o UKG.

Actually sabi ni Sir Dominic ay inspired daw ang kanilang Cookie Mug ng mga Small Cups ni French Chef Dominique Ansel.

Ang kanilang mga Cookie Mug ay may tatlong sizes na Small ( 48.00 ), Medium ( 78.00 ) and Large ( 108 ) Mug.



They also sell Milk Drinks which comes in 3 flavors namely Chocolate , Mocha and Caramel Milk.

Puwede mo itong i-pour o isalin sa loob ng Cookie Mug na inorder mo na siyang magiging baso ng iyong ordered drinks.

In fact ay puwede mong i-pour sa loob ang kahit na anong drinks na maisipan mo basta cold lamang siya at bawal ang mainit dahil  matutunaw ang Cookie Mug.

Sabi nga ni Sir Dominic ay marami sa kanilang customers ang nagta-try na mag-pour ng ibat-ibang klase ng drinks sa kanilang Cookie Mug like softdrinks , milk teas , smoothies and frappe.

Yung idea na habang sini-sip mo ang iyong drinks ay nginangatngat  o kinakagat mo naman bit by bit  ang cup o mug na pinaglalagyan nito. O di ba just simple yet  strange and genuinely a bit odd ang concept na ito . Pak na pak !

Bukod naman sa Cookie Mug and Milk Drinks nila ay nago-offer din sila ng ibang mga dishes like Cakes , Pastry , Pasta , Frappe , and Smoothies.




They are open from  1 Pm til 11 PM everyday.



Most of their customers ay mga students and mga visitors na talagang dinadayo sila as far as from Alabang and Laguna pa nanggagaling para lamang matikman ang kanilang ipinagmamalaking Cookie Mug.


They told me that they also accept catering and delivery for special occasions.






Just give them 1 week in advance orders for them to prepare the necessary volume of Cookie Mugs and products na gusto mong i-avail.


Dapat talaga ay 1 week ang advice nila para sa preparations ng mga orders mo dahil hindi biro ang pagpe-prepare ng mga Cookie Mugs na ito and very laborious at manu-mano talaga ang paggawa at pag-mold ng mga Cookie Mug na ito bago siya i-bake and finally ay  ihain sa iyo.

Talagang labor of love at kailangan mo ng passion para makagawa ng isang design lamang ng Cookie Mug.

You oughtta love what you are doing to be successful in this gruelling kind of business.

Sabi nga ni Mam Katherine De Ocampo ( who is also a chef in Resorts World Manila ) that she always serve every product of theirs with a heart. O di ba parang Pia Wurtzbach lang ang peg .

They also invite you to try their products especially their Cookie Mugs and sure sila na babalik-balikan mo ito sa kanilang restaurant once na matikman  mo ito.

Sabi nga ni Mam Katherine kapag mayruong umoorder at  nagrereklamo na medyo may kamahalan ang presyo ng kanilang mga products ay isina-suggest nila na tikman muna nila ito and then after mo itong matikman ay saka mo bayaran kung ano ang sa tingin mo ay karapat-dapat na presyo ng kanilang mga produkto .

Taste first before you pay according to what you have tasted . O di ba ang sosyal lang ng taste test nila.

Minsan kasi ay hindi lang alam ng mga tao kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng isang produkto bago ito maibenta at maihain sa merkado.

Of course ang presyo naman nila ay kumporme at  akmang akma or commensurate sa kalidad or quality ng mga pagkaing matitikman mo di ba.

Minsan ay hindi naman kailangang maging issue ang pricing kung sakto naman sa sarap at quality ang lasa ng mga pagkaing kakainin mo.

Kumbaga ay quality at its best.



For more information about this Cookie Mug  ay puwede ninyo silang kontakin sa number na 0916-2956626 / 09062894222 or just visit their Facebook page at COOKIE MUG

So ano pa ang hinihintay ninyo , sugod na sa newest trend in town na siguradong papasa sa inyong pihikang panlasa  , walang iba kundi ang Cookie Mug na nasa Lilac Street Marikina City.

Let us all meet  and greet , sit and relax there while having  a munch and  at the same time sip a drink or two of their delicious Cookie Mug.

Maraming maraming salamat po !








1 comment:

  1. Hello Guys,
    If you are looking for a gift, personalized and customized coffee mug with high grade ceramic materials, then this is perfect for you. This is perfect for gifts, wedding souvenirs and etc. This is one of the best website to visit www.gearbubble.com/gbstore/discountstore

    ReplyDelete