Friday, August 12, 2016

“ Change The Way You See Beauty ”

My mother is the epitome of  BEAUTY.

Para sa akin ay siya ang pinakamagandang nilalang sa buong mundo at sa buong kalawakan. 

Wala nang mas gaganda pa sa kaniya!

Magmula pa sa aming pagkabata ng aking kapatid ay ipinadama na niya ang kaniyang walang hanggang pagmamahal sa aming dalawa.

Nagtuturo ng aming aralin .

Nagluluto , nagsusubo , at nagpapakain sa amin.

Nagpapaligo.

Naglalaba.

Naglilinis ng bahay

Naghahatid sa eskwela .

At pagkatapos ay susunduin kami at tapos ay hihilamusan at sabay kaming patutulugin sa kaniyang tabi .

Sa ilalim ng aming kulambo upang hindi kami madapuan at makagat  ng mga pesteng lamok.

Kapag kami ay nagkasakit , siya ang nagdadala sa amin sa ospital at kami ay babantayan hanggang sa tuluyan kaming gumaling.

Nang siya ay magkaruon ng trabaho sa isang pabrika , hindi pa rin nahinto ang kaniyang pag-aalaga sa amin.

Siya pa rin ang naghahanda ng aming baon tuwing umaga at ng pagkain sa aming hapunan.

Bukod pa riyan ang paglalaba araw araw ng aming mga maruruming damit.

Pamamalantsa.

At paglilinis ng bahay.

Sa kabila ng kaniyang maghapong trabaho.

Para kaming mga prinsipe at hari na pinagsisilbihan niya.

At siya naman ang reynang walang trono.

Sa isang palasyo na yari sa kahoy at pawid.

Siyempre ang aking ama ay hindi naman perpekto.

Ibang babae dito , ibang babae duon.

Ngunit ang aking ina ay buong tapang na hinarap ang lahat ng pagsubok na ito na dulot ng mga malalanding babae na sinasamantala ang “ kahinaan “ ng aking ama.

May isang pagkakataon na gusto nang iwanan ng aking ama ang aking ina para sa ibang babae.

Nakahanda na ang maleta ni Papa para bitbitin niya.

Pero pinigilan siya ni Mama at sinabing huwag siyang umalis.

Subalit ayaw magpapigil ni Papa.

Dahil dito ay hinawakan siya ni Mama sa paa para hindi makaalis.

Subalit nagpatuloy si Papa sa paglakad hila hila ang aking ina na pumipigil sa kaniyang mga paa.

Nakaladkad ang aking ina sa kalsada dahil sa pagpigil niya kay Papa na umalis.

Nang gabing iyon , nakita ko si Mama sa kuwarto at pinapahiran ng merthiolate ang mga galos na nakamtan niya mula sa pagkakakaladkad.

Iyon ang pinakamasaklap na eksenang nakita ko sa buong buhay ko.

Nang magkaruon  ng chance na mag-abroad si Papa sa Saudi Arabia para magbagong buhay ay naiwan ulit kami sa pangangalaga ni Mama.

At dahil sa kaniyang angking galing ay naitawid niya kami nang buong giting sa gitna ng maraming problemang dulot nang pagkakahiwalay ng magpapamilya.

At isa  pang problema ang muling sumubok sa katatagan ng aking ina.

Ito ay nang simulang gibain ang bahay na naipundar ng aking ama mula sa pagtatrabaho niya sa Saudi .

Winasak ang aming bahay dahil squatter daw kami sa lupaing hindi sa amin.

Habang minamaso ang aming naipundar na bahay ay nakita kong muntik panawan ng katinuan si Mama.

Tuliro at tulala si Mama sa buong araw na iyon.

At nakita kong nagsasalita na siyang mag-isa.

Sa pamamagitan ng pagpapakita namin ng pagmamahal sa kaniya at assurance na hindi namin siya pababayaan at balang araw ay makakabangon din kami mula sa pagkalugmok na iyon ay unti-unting gumaling si Mama.

Ngayon ay 75 years old na si Mama.

Matatag pa rin siya.

Malakas.

Malusog.

At masaya.

Maganda pa rin siya na tila hindi kumukupas sa kabila ng kaniyang edad.

At siyempre naman kanino pa magmamana ang kaniyang anak ng kagandahan kundi sa kaniyang ina din.

At sa tulong ng Huawei P9 ay na-capture ang kagandahan ng mag-inang ito na pinanday ng mga pagsubok at problema sa paglipas ng panahon.


With the help of Huawei P9 I have “Change the Way I See Mobile Photography”. Huawei P9’s camera is co-engineered with Leica. It has dual lenses that produces high quality photos and allow users to take amazing monochrome, slo-mo, colored, light painting photos among others.

Huawei P9 really captured the BEAUTY that is my Mother .

And the BEAUTY that is Me.

Tunay na walang papantay sa kagandahan ng aking ina.

For me she is the most beautiful creature that God has ever made.

That is simple BEAUTY inside and out.

#HuaweiP9, #OO and #ChangeTheWayYouSeeHappiness/ #ChangeTheWayYouSeeLove/ #ChangeTheWayYouSeeFriendship/ #ChangeTheWayYouSeeBeauty/ #ChangeTheWayYouSeeAdventure.


No comments:

Post a Comment