TRAVELBOOK NOW!

Saturday, July 30, 2016

“How I Make Worklife Easier”

Ang buhay-trabaho o worklife ay sadyang stressfull and very depressing nowadays.




What with all the hassles of daily commuting to and from the work and the pressures of doing your work right and on time ,talagang haggardo versoza ang magtrabaho ngayon.

Puputi ang mga buhok mo kahit sa kasingit-singitan dahil sa sobrang stressful ng worklife.



Iyon bang mangani-ngani ka nang mag-type ng resignation letter at i-submit ito sa boss mong tulad mo ay equally haggard and pressured na din sa trabaho niya tapos ay dadagdagan mo pa ng pagre-resign mo.

Wala na siyang mahahanap na kapalit mong matiyaga sa trabaho!

Well, bago mo ipa-print ang ginawa mong resignation letter na iyan basahin mo muna ang aking mga payo para #WorklifeAyEasy sa mga susunod na araw mo.




Okay kana ?

O sige ,hingang malalim muna .

1. )

LEARN TO LOVE YOUR JOB  – Ganito iyan . Kapag mahal mo ang trabaho mo hindi ito trabaho kundi nagiging hobby mo lamang. Unang una dapat ang papasukan at hahanapin mong trabaho ay iyong gusto mo talagang gawin dahil kapag ito ang nangyari ay  para ka lamang naglalaro at hindi ka nagtatrabaho. Magiging masaya ang bawat araw na papasok ka sa trabaho gaano man ito ka-hassle katulad ng sobrang traffic sa kalsada o hirap sumakay ng jeep o bus. Ito ay dahil lagi mong ipa-prayoridad ang pagpasok over all else dahil masaya ka nga sa ginagawa mo .



2. )

HAVE ENOUGH  SLEEP AND REST  IN WORKDAYS  - Huwag ka muna at iwasan ang gumimik kapag araw ng trabaho. Huwag mong kantahin ang Laklak ng Teeth kung alam mo na may pasok ka kinabukasan. Alam mo na ngang papasok ka kinabukasan ,tapos didiretso ka ng Alibangbang o Pegasus at duon ay magbababad ka sa kandungan ng mga kalapati at pipit he he he.  Eh alam mo namang ang ladies drink na ino-oofer ng mga iyan ay parang balon na hindi nauubusan ng alak. Dapat pagkagaling sa work ay diretso uwi ng bahay  at tapos ay matulog nang maaga para maaga ding magising kinabukasan .  I-reserve ang paggimik sa rest day if ever na ipipilit mo pa rin ito.

3. )
EAT HEALTHY FOODS  - Kailangan namang kumain ka nang masusustansyang pagkain bago ka pumasok.Alam mo na ngang may pasok ka tapos ang kakainin mo ay junk foods o  kaya ay maliit na piraso ng pandesal dahil nagda-diet ka kamo huh.Naturalmente pagdating mo ng opisina ay para kang nilukot na papel dahil kulang ka sa lakas at resistensya para magtrabaho. Dapat ay kumain ka ng mga pagkaing sagana sa go foods like rice and vegetables na siguradong magpapasaya at magbibigay sa iyo ng lakas sa maghapong pagtatrabaho.

4. )

ALWAYS WEAR A SMILE – Dapat ay laging nakangiti kahit gaano kahirap ang buhay. Iwanan ang mga problema sa bahay at pag-uwi ay saka na lamang balikan at solusyunan. Hindi dapat mawala ang ngiti sa mga labi at huwag sisimangot na parang unggoy .Mukha ka na ngang matsing ,sisimangot ka pa eh di para ka na ngayong orangutan he he he. Ang pagngiti ay nakakahawa .Subukan mong ngitian at batiin lagi ang mga katrabaho mo at siguradong susuklian ka din nila ng ngiti at bati.Subalit kung susupladuhan at sisimangutan mo sila huwag mo namang asahan na ngingitian ka din nila .Ano ka artista.

5. )

TAKE SUPPLEMENTARY  FOODS AND VITAMINS – Siyempre hindi naman lahat ng sustansya ay nakukuha natin sa mga pagkain. Kailangan ay mayruon din tayong tine-take na supplementary foods and vitamins. I highly recommend FERN-C .Ang FERN C ay isang branded vitamin supplement na magsu-supply sa atin ng kumpletong Vitamin C sa buong araw ng pagtatrabaho. Ang Vitamin C ay kailangan natin bilang pananggalang sa sakit. Ito ang nagbibigay proteksyon sa atin laban sa mga sakit na dulot ng pagtatrabaho. Ito ay parang shield na bumabalot sa ating katawan para hindi tayo mahawa o mapasok ng mga karamdaman. Madaling dapuan ng sakit ang isang trabahador dahil laging nasusuong sa biglaang pag-ulan o kaya naman ay bilad sa init ng araw o kaya ay maghapong pagbubuhat o paglilinis sa ating workplace at kung hindi ka protektado ng Vitamin C ay siguradong patutumbahin ka sa banig ng isang sakit. Kaya naman rekomendado ko ang FERN C VITAMIN C dahil ito ay SUBOK NA ng isang katulad ko na laging nagte-take nito. Talagang WORKLIFE AY EASY WITH FERN C . Visit their website here for more information FERN C and follow them on their FACEBOOK , TWITTER and INSTAGRAM social media accounts.





So there you go ,iyan ang aking ,simpleng mga tips para ang pagtatrabaho mo ay  maging maalwan at magaan kaya sundin mo ang mga ito at siguradong worklife mo ay easy .

Hindi kailangan na ma-stress at ma-depress tayo sa ating pagtatrabaho basta ayusin at sundin lang natin ang mga tamang panuntunan para sa magaang na pagtatrabaho. 

Dapat ang Woklife ay masaya ,magaan at madali lamang sa tulong ng mga tips na ito.

Nang sa gayon ay tatagal tayo sa ating mga trabaho at hindi tayo magmumukmok o magrereklamo anuman ang iutos na trabaho ng ating mga boss at employer.

This is how I make my Worklife easy  every hour  and every minute of everyday.

#WorklifeAyEasy
#SubokNa
#FERNC



No comments:

Post a Comment