Saturday, June 11, 2016

MYSTERY MANILA

Sinubukan ko kasama ang mga pamangkin kong sina Christine at Christian Alano ang sinasabing Mystery Manila na nasa Century City Mall Makati City.



 Actually may iba pa silang branches na nasa Libis at Buendia Avenue Makati City.

Sa pagi-sponsor ng pelikulang X-Men Apocalypse ay nag-try kaming lutasin ang misteryo ng mga mutants sa pamamagitan ng Mystery Manila.


Ang Mystery Manila ay isang hang-out place na nagki-cater sa pagsu-solve ng mga mysteries na ino-offer nila.


Mayruon silang ibat ibang klase ng theme sa kanilang mga mysteries including horror , fantasy , sci-fi , crimes , thriller , espionage at marami pang iba.


Ang mangyayari ay ilalagay ka nila sa isang room nang napili mong theme at duon ay magtutulong tulong kayo na i-solve ang isang mystery depende sa kung ilan kayong mga tao na papasok sa loob.

Mistula kayong investigator o inspector o Scene Of The Crime Operative na magtutulong-tulong na resolbahin ang nakaatang na misteryong pinili ninyo.


It's like a who/which/howdunnit mystery and puzzle game that you have to solve at a given time.

As for our teams ay na-assign nga kami sa mystery ng mga mutants na may connect sa X-Men  Apocalypse movie.

Una ay pinaiwanan ang mga gamit namin sa isang locker dahil bawal ang anumang gadgets sa loob ng room.

And then ay ini-assign na kami isa isa sa mga roles na gagampanan namin sa loob ng mystery room.

As for my pamangkin na si Christian ay mistulang Cyclops ang kaniyang peg dahil mayruon daw siyang special power na na makakita ng mga x-ray effects.

Sa isa ko pang pamangkin na si Christine naman ay ang special power ni Jean Grey o Professor X na marunong magbasa ng  isip at mga encoded messages.

At ako naman ang may power o kakayahan na mag-phasing o magpalipat-lipat ng kuwarto.

Ang sistema ay mayruon kaming tag-iisang kuwarto o room na inihihiwalay ng mga pinto o doors.

Hindi kami puwedeng magsama-sama lahat ( maliban sa akin dahil puwede akong makalipat sa kuwarto nila through phasing ) .

At isa pang hindrance ay naka-kadena ako.

So ang goal ng game ay makawala ako sa pagkaka-kadena ko and then matulungan ko ang dalawa na makalabas sa kani-kanilang kuwarto and after that kapag nagkasama-sama na kami lahat sa main lobby ay pagtulungan naman naming makalabas sa main door.

At kailangan magawa ninyo lahat iyan sa loob lamang ng isang oras!

Exciting di ba ?

At nakakakaba of course.

At makalipas ang isang oras , sa awa ng Diyos , hindi namin nalutas ang misteryo ha ha ha !

Palpak at epic failure ang nangyari he he he.



Hindi kinaya ng powers namin ang mga puzzle na nakita namin sa loob promise.

And that what makes it exciting !

At least kahit in a matter of an hour ay na-experience namin ang maging katulad ni Sherlock Holmes
at Hercule Poirot  he he he.

Iyon nga lang mga palpak na imbestigador kami ha ha ha.

Siyanga pala may mga package sila na ino-offer with discounts para sa mga groups na magpapalista sa  kanila.

Salamat ulit sa Mystery Manila at sa X Men franchise dahil sa pagpapa-experience sa amin ng kakaibang bonding time na ito para sa mga magkakaibigan, , barkada , pamilya at magkasintahan na din .

For more information just Visit their Facebook page here Mystery Manila Century City Mall

No comments:

Post a Comment