Wednesday, June 8, 2016

#MeetMyNanay by Great Image

Entry ko para sa Great Image ‪#‎MeetMyNanay contest :


Siya ang nagturo sa akin kung paano maging malinis sa bahay , maghugas ng plato , mamalengke at magwalis.
Ang hindi lang niya itinuro ay ang maglaba at magluto.
Dahil para sa kaniya ay gusto niyang totoong malinis at mabango ang kaniyang mga nilalabhang mga damit at kasuotan namin.
Ayaw niya kasing mapipintasan na marumi at mabaho ang asawa at mga anak niya kaya no choice kundi siya ang aming dakilang labandera.
Pagdating sa pagluluto ay the best ang aking ina lalo na sa kaniyang lutong Ilokano na pinakbet at dinengdeng.
Nang magkaruon ng trabaho si Mama sa isang pabrika, pagkagaling sa trabaho ay siya pa rin ang naglalaba at nagluluto.
At dagdag pa na kapag araw naman ng Linggo ay namamalantsa siya.
Kaya halos walang pahinga ang aming dakilang ina sa pagtatrabaho sa loob ng isang Linggo.
Idagdag mo pa ang pagiging pasaway naming magkapatid kaya walang tigil din siya sa pagdidisiplina sa amin.
Maraming mga pagsubok ang naranasan ng aming ina.
Una na rito ay ang pagkakaruon ng ibat-ibang babae ng aming ama.
Isa sa pinakamasakit na eksenang nakita ko sa aking buhay ay nang matapos ang isang away at dahil sa ayaw ni Mama na umalis si Papa sa bahay para iwanan kami ay nakaladkad si Mama sa kalsada dahil sa pagpigil niya kay Papa na umalis ng bahay.
Hindi na ito mabubura sa aking ala-ala.
Nang magkaruon ng pagkakataon na makapag-abroad si Papa sa Saudi ay si Mama ang tumayong ama at ina sa aming magkapatid sa kabila ng kaniyang pagtatrabaho.
Nagkaruon din ng mga karamdaman si Mama katulad ng diabetes na halos ikaparalisa niya subalit dahil sa labis na pagmamahal niya sa amin ay natuto siyang labanan ang ganitong uri ng sakit at salamat naman sa Diyos dahil gumaling siya.
Nang gibain ang aming malaking bahay na naipatayo dahil sa ipon ni Papa sa kaniyang pagsa-Saudi, duon ko nakita ang halos pagpanaw ng katinuan sa isip ni Mama dahil sa labis na pagkatakot , pagkabahala , galit at pagdaramdam sa pangyayari.
Subalit salamat lahat sa Diyos dahil lahat ng iyon ay nalampasan ng aming dakilang ina dahil sa kaniyang pananampalataya at pananalig sa aming mag-anak niya.
Ngayon si Mama ay 75 years old na .
Matanda na ngunit maganda pa rin.
Ito ay dahil sa pag-ibig na patuloy na umuusbong sa kaniyang puso.
Sa kaniyang pagtanda ay aming inaalay ang patuloy na pagmamahal ,paggalang at pagsaludo dahil sa kaniyang walang sawang pag-ibig , paggabay at pag-aalaga sa aming mga mahal niya sa buhay.
Sa iyo aking Nanay , Mama Rosalina Valdez Briones , ang papuri at parangal aming butihin at dakilang ina.
Saludo sa iyo ang mundo !
‪#‎MeetMyNanay‬



No comments:

Post a Comment