Friday, June 24, 2016

Galaxy Freeze

Isa na namang liquid nitrogen concept store ang aking napuntahan dito sa Marcos Hiway Antipolo City na nasa tapat lamang ng SM City Masinag.


Ito ay ang Galaxy Freeze na nasa second floor ng Sunga Building na katapat nga ng SM City Masinag.

Sa pagpapaunlak ng kanilang Store Manager  na si Mam Leigh Lazaro , pinuntahan ko ang kanilang tindahan isang hapon .

Ayon kay Mam Leigh, ang pangalang Galaxy Freeze ay kanilang ginamit dahil gusto nilang iparating ang konsepto ng pagiging universal o cosmic atmospehere ng kanilang interior design. Para ka lang nasa isang bahagi ng Milky Way kapag tumapat ka sa isang wall nito. Idagdag pa na talagang malamig ang tema ng kanilang tindahan katulad ng isang Galaxy .



August 18, 2014 nang unang itinayo ang tindahang ito sa pangunguna ng may-ari na si Camille Galilea.

Ayon kay Mam Leigh ,simula nuon ay naging suki na nila ang maraming mga tao na nagnanais matikman ang kakaibang konsepto ng liquid nitrogen bilang isang sangkap pampalamig sa pagkain. 

Ang sabi ni Mam Leigh ay more creamy at home made ang kanilang mga ice cream na inihahain sa kanilang shop.

Ipinakita pa sa akin nila Mam Leigh kung paano na ang isang order ng ice cream ay nagiging malamig na sorbetes sa loob lamang ng ilang segundo. Dahil nga sa angking freezing point ng liquid nitrogen na umaabot sa halos -92 degree Celsius, ang isang semi-liquid mixture kapag hinaluan mo ng liquid nitrogen in an instant will turn into a solid ice cream in a matter of seconds. Ganun siya kagaling at kadali.

Watch the video here : video




Sabi nga nila ay kapag may umorder ay saka lamang nila ginagawa ang ice cream na order  mo kaya siguradong fresh na fresh ito.

At dahil nga sa kasikatan ng Galaxy Freeze ay nai-feature na rin sila sa ilang mga shows like Kabuhayang Swak Na Swak ng Channel 2 , Entrep Pinoy ng PTV 4 at sa Aksyon TV Channel 5 in a live broadcast. Nagawan na din sila ng blogpost ni Chad Senga at ng vlog ni Koolkids Josephs Crafts.

Pinatikim sa akin ni Mam Leigh ang kanilang bestseller na Nutella flavored ice cream na talagang heaven ang sarap pramis.



Para kang nakalutang sa alapaap ika nga na bagay sa kanilang store design na galactic and cosmic .

Mayruon silang 20 flavors para sa kanilang ice cream kabilang na ang mga bestsellers na Blueberry Cheesecake at Nutella sa halagang 150.00 only.

Mayruon din silang mga Snow Cone na flavored ice drink ang concept for 40.00 only. It has 9 flavors including the best selling Reggae na halo-halong banana , green apple at lychee ang lasa.



Mayruon silang 5 varieties sa kanilang ice cream menu katulad ng Galaxy Fruits , Galaxy Chocolate , Galaxy Coffee ,Galaxy Wine at Galaxy Delights.

Mayruon din silang mga dips nailulubog mo sa liquid nitrogen para maging crispy at malamig sa bibig at umusok ang iyong bibig habang kinakain mo ito.




Ito ay ang Asteroid Belt sa halagang 65.00 na may 2 pcs. Macarons at isang basong liquid nitrogen.

Ang Solar Jiffy naman ay may 4 pcs. na Rice Crispie Vanilla plus one cup of liquid nitrogen for 65.00 only. At ang Galaxy Bomb naman na may 4 pcs.ng Graham Wafer and a cup of liquid nitrogen for 55.00 only.


For more information just visit their Facebook page here Galaxy Freeze

Or you can call their number at 340-4634 or 09179919395 or 09328791722.



You can also add them sa Instagram and Twitter with the galaxy_freeze handle name.




Karagdagang mensahe pa ni Mam Leigh ay she wants to invite you to “ experience the atmospheric happiness of their products  and don’t be afraid to try new and pioneering concepts.”

They have some future plans like looking for a new location , franchising , opening of new branches , more product placements , more promos , and announcements of anniversary this coming August.

They would like to invite you to try and taste their products and I am sure you will definitely like the taste of their delicious offerings.

And there is more to come they promise.

Muli ay maraming salamat kay Mam Leigh at sa kanilang staffs and crews sa pagpapaunlak sa blogpost na ito para maisakatuparan.



Take it from me and visit their store at tiyak kong hindi kayo magsisisi.

Mabuhay ang mga negosyanteng Pilipino.





No comments:

Post a Comment