TRAVELBOOK NOW!

Monday, June 13, 2016

EL FILI LA MEXICANA TAQUERIA AND CHURRERIA

Napadpad kami ng aming mga lakwatserong paa ng kaibigang si Rommel sa isang kainan sa hilera ng Lilac Food Strip sa Marikina City .

Ito ay ng El Fili La Mexicana Taqueria and Churreria na nasa Rainbow Street SSS Village Marikina City sa tapat lamang ng St. Paul of the Cross Church.



Sa pagpapaunlak ng magkapatid na may-ari na sina Sir Dennis at Mam Shiela Malonzo ay nagawi kami sa kainang ito na nago-offer ng Mexican foods and dishes sa dakong ito ng Marikina City.

Sa kabutihan ng kanilang tapat na staff na si Marissa ay natunton namin ang kanilang kainan na nasa tapat lamang ng simbahan ng Saint Paul of the Cross Church.


Ayon sa kanila ang negosyo raw na ito ay unang nagsimula 5 years ago sa pangalang Some Kind of Wonderful o SKOW. Kung pamilyar kayo sa dekada 80 inyong mahihinuha na ito ay hango din sa pamagat ng isang popular na pelikula nuong dekadang iyon na Some Kind of Wonderful starring Eric Stoltz , Mary Stuart Masterson and Leah Thompson.


Iyon ay dahil sa fan sila ng dekada 80 na kitang kita naman sa interior ng kanilang lugar na punong puno ng memorabilia coming from the 1980’s.




Ang  Some Kind Of Wonderful restaurant nila ay nago-offer daw nuon ng Mexican , Italian at French foods na naging patok sa mga kostumer nila.

Ngunit matapos ang limang taon ay pinalitan nila ang pangalan ng kanilang kainan sa El Fili at ito ay nagre-open nito lamang November 2015 at tanging Mexican foods na lamang ang kanilang isinisilbi sa kanilang mga parukyano.

Sila raw ay bukas mula 10 in the morning hanggang 10 in the evening.

At dahil nga sa kasikatan ng kanilang ino-offer na pagkain ay na-feature pa sila sa morning show na Umagang Kay Ganda ng Channel 2.

Medyo dim light ang ambience ng lugar na bagay sa mga naghahanap ng makakainang may romantic taste habang kumakain.




Ayon kay Sir Dennis maraming nagkakamali na ang pangalan ng kanilang restaurant na El Fili ay kinuha mula sa nobela ni Doktor Jose Rizal na El Filibusterismo.

Subalit wala daw itong kinalaman sa nasabing nobela .

Ayon kay Sir Dennis ito daw ay nanggaling sa salitang “ El “ na katumbas ng English word na  “ The “ at sa “ Fili “ na ibig sabihin ay ang mga Filipino. Samakatuwid ay “ The Filipino “ dahil gusto niya na ito ay maka-relate sa mga Filipino-Mexican foods at hindi naman masyadong tunog Mexicano. That is why “ El Fili “

Pangunahin na ino-offer ng restaurant ay ang Burritos in beef and chicken varieties. As of now ay mayruon silang promo na buy 1 take 1 Burrito sa halagang 150.00 lamang. May dips ito available in Chili Sauce , Garlic at Guacamole. Napakasarap ng kanilang Burrito especially yung beef flavor at talagang mabubusog ka sa laki nito.




Sunod ay ang kanilang Tacos in Chicken flavor worth 75.00 and beef flavor worth 85.00
Truy Mexican ang lasa nito na kanilang nakuha ang recipe mula sa paglilibot nilang magkapatid sa Mexico.



Ang pinaka best-selling nila sa lugar ay ang kanilang UnliChurros offering.


Kung 5 pieces Churros lamang ang iyong ia-avail ito ay sa halagang 85.00



Subalit kung Unlimited Churros ang gusto mo ay duon ka na sa UnliChurros sa halagang 120.00 at may libre ka pang drinks na iced tea. Ito ay available in Tablea  and Choco Fudge Dips.

Talagang sulit sa sarap ang kanilang churros at unlimited pa huh kaya saan ka pa kundi dito ka na sa El Fili :La Mexicana Taqueria and Churreria.

May payo si  Sir Dennis para sa mga nagnanais na magnegosyo o pumasok
sa ganitong uri ng business.

Ayon sa kaniya ay “ My advice especially on food businessis before you go is to study and make a good research and to study your market and to find a good location not necessarily a prime space but a place with good foot traffic.

He also said to pray hard before doing your thing because there’s really no magic formula in a successful resto business but sometimes you just need pure luck.

He also adds “ you have to make a good marketing strategy because of too much competition in the resto business right now. Good food is just one part of it. “

Now take that from the master of food business in Marikina City.

So there you go very much impressed kami sa aming ginawang pagbisita sa El Fili La Mexicana Taqueria and Churreria.

Pihadong uulitin namin ang aming pagpunta sa lugar na ito.

Kaya kayo ay sumugod na sa restaurant na ito sa Lilac Food  Strip at tikman ang kanilang authentic Mexican foods na siguradong tatatak sa inyong panlasa.

Muli ay maraming salamat kina Sir Dennis , Mam Shiela at kay Marissa na nag-asikaso sa amin sa aming pagbisita.



For more information just visit their FB page here El Fili La Mexicana Taqueria Churreria

Mabuhay po ang mga negosyanteng Filipino.


No comments:

Post a Comment