Saturday, May 7, 2016

The Candidates

Miriam Defensor Santiago - Okay sana siya kung walang sakit. Kaso dahil sa kaniyang sakit na damang dama kahit sa telebisyon lamang ay nakakabahalang ipagkatiwala sa kaniya ang bansang Pilipinas. What if she dies in the middle of her tenure as the president of this country ? Paano ang mga nasimulan niya ? Sino ang magpapatuloy ?

Jejomar Binay - Definitely a no-no. Dahil sa mga alegasyon ng korapsyon at katiwalian sa kaniyang pamumuno sa Makati na hindi naman  niya sinasagot nang maayos , tainted na ang  kaniyang pangalan dahil associated na siya sa katagang " magnanakaw "

Rodrigo Duterte - Isa ring no-no sa aking listahan. Nakakatakot na ipagkatiwala ang susunod na anim na taon sa taong ito dahil sa mga alegasyon ng pagpatay , pagmumura at pagiging panig sa mga kaliwa at subersibo. Marami sa atin ang gusto ay pagbabago . Subalit hindi radikal na pagbabago ang ating kailangan. Maaari din namang umunlad at makamit ang tagumpay kung dadaanin sa hinahon at diplomasya ang lahat . Remember that patience is a virtue.

Ang totoo , hanggang ngayon ay naninimdim pa ako sa dalawang kandidato kung sino ang iboboto ko sa kanila .

Si Grace Poe ay mukha namang matino at mabait at may mga balak at plano ukol sa kaniyang administrasyon . Subalit aaminin nating kulang pa sa karanasan. Ang nakakabahala ay baka maging puppet government lamang ang kaniyang pamumuno.

Si Mar Roxas naman ay sagana sa karanasan at wala ring bahid ng korapsyon. Ngunit kulang sa karisma sa mga tao lalo na sa mga masa . At ang sinseridad sa mga sinasabi ay parang kaduda-duda.

Hayzzzz ang hirap mamili.

Ikaw , sino ang iboboto mo ?

No comments:

Post a Comment