TRAVELBOOK NOW!

Thursday, March 17, 2016

Sa bahay ni Congressman Dalog ng Mountain Province

Nag stop-over kami sa bahay ni Congressman Maximo B. Dalog ng lone district ng Mountain Province nang kami ay magtungo rito upang ihatid si Jeyrick Sigmaton aka Carrot Man sa kaniyang bayang sinilangan.

Very welcoming and hospitable ang family ni Congressman Dalog sa amin.



Ang dami  niyang kuwento tungkol sa kaniyang hometown na Mountain Province at sa mga kultura ng mga Igorot sa kanilang lugar.

He is very proud na ikuwentong isa siyang katutubong Igorot at gayundin ang mga kultura nito.

Ang ganda ng ambience ng house ni Cong complete with a fireplace na kung saan kami ay nagpainit dahil sa tindi ng lamig sa lugar.


Plus he treated us to a sumptuos breakfast of  biko , cookies , eggs , chopsuey , fried fish , noodles at ang malalaking kamatis na ito.


At dahil napansin ni Congressman na medyo nanginginig ako sa ginaw dahil hindi ako nakapagdala ng jacket bunga ng pagmamadali at nakalimutan kong magdala.

At dahil dito ay binigyan ako ng souvenir jacket courtesy of Congresssman Dalog himself.



O ha.

Buti na lang pala at nakalimutan kong magdala ng jacket kaya naka-arbor ako kay Congressman he he he.

Ito daw ang jacket na kaniyang ginamit nuong governor pa siya ng lalawigan ng Mountain Province.

Gusto pa sana naming manatili nang matagal na oras ngunit dahil may hinahabol kaming oras sa paghatid kay Carrot Man ay kinailangan na naming magpaalam din kaagad.

Muli ay maraming salamat po kay  Congressman Dalog and his family para sa mainit na pag-welcome sa aming party sa aming pagbisita.

Hanggang sa uulitin po at maraming salamat po.

Mabuhay po ang mga Igorot at ang mga taga Mountain Province.

Mabuhay ang mga Pilipino .

No comments:

Post a Comment