TRAVELBOOK NOW!

Monday, March 7, 2016

R.I.P. Direk Wenn Deramas

February 29 is a leap day and on this day ay namatay ang isa sa iniidolo , hinahangaan at nirerespetong direktor ng pelikulang Pilipino na si Direk Wenn Deramas.



Ang sabi nila ay malas ang araw na ito.

Well , in the case of death ay maaari ngang masabi ito.

Dobleng dagok para sa pamilya Deramas ang araw na ito dahil matapos mamatay ang kaniyang kapatid na si Wawa Deramas ay agad na sumunod si Direk Wenn.

3 hours apart ang pagitan ng kanilang kamatayan actually.

Well hindi naman siguro kamalasan itong masasabi.

Ang kamatayan naman ay dumarating whether it's a leap year or not.

Siguro ay talagang oras na ng magkapatid na sila ay kunin ng Amang nasa langit.

Anupaman ay ang condolence sa pamilyang Deramas dahil sa kanilang pagluluksa sa panahong ito ng leap year.

Hindi siya malilimutan ng balana dahil sa kaniyang mga pelikulang tumabo sa takilya like Mula Sa Puso , Tanging Ina series , Girl Boy Bakla Tomboy , Sisterakas at marami pang TV teleseryes and shows.

Hindi matatawaran ang kaniyang winning streak and power dahil tatlo lang naman  sa local box office frontrunner sa record ng Pilipinas ay mga pelikulang dinirek ni Wenn Deramas like Beauty and The Bestie ( number 1 ) , The Amazing Praybeyt Benjamin ( number 3 ) , Girl Boy Bakla Tomboy ( number 4 ) , Sisterakas ( number 8 ) at The Unkabogable Praybeyt Benjamin ( number 10 ) .

Oha , saan ka pa !

At iyan ay nakakabit at nakatatak na sa kaniyang pangalan.

Hindi maikakailang isa siyang box office director.

Ngunit dahil sa kaniyang maagang kamatayan ay akmang akma sa kaniya ang kanta ng the late  Michael Jackson na " Gone Too Soon ".

Well as they say , " great people die young "

R.I.P. Direk Edwin Villanes " Wenn " Deramas




No comments:

Post a Comment