TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, March 15, 2016

Ang Paghatid Kay Carrot Man sa Mountain Province

Nakatanggap ako ng tawag mula sa kaibigang Butch Rivera na kung puwede daw na samahan ko siya sa paghatid kay Carrot Man sa kanilang hometown na Barlig , Mountain Province sa Cordillera Region.


At hindi naman ako nagdalawang isip na umoo agad dahil unang una ay sumisikat na ang Carrot Man na iyan kaya I better ride at his newfound popularity at pangalawa ay makakarating na rin ako at last sa Mountain Province ( insert a silly grin here )

Sa mga hindi nakakaalam ( merun pa ba ? ) si Carrot Man ay si Jeyrick Sigmaton na kinunan ng litrato ng magtiyahing Edwina Bandong at Cheenee  while on the way to their trip in the highlands.

Inupload nila ang litratong ito sa social media o Facebook and it went viral.

And the rest is history as they say.

Ngayon ay kabi-kabila ang offer ng mga show guestings para sa binatang Igorot na si Jeyrick.

Una na ngang nai-feature ang istorya niya sa Kapuso Mo Jessica Soho at nag-rate ito kaya ngayon ay ang daming offer ng guestings sa ibang mga shows pa like Unang Hirit and Wowowin.

Ang mission namin ay ang ihatid muna si Carrot Man sa kaniyang hometown province habang pinag-uusapan ang next move tungkol sa kaniyang career plans.

Sinundo namin si Carrot Man sa studio ng Wowowin sa Kalayaan Avenue dahil nakatakdang magco-host ang binata sa show ni Willie Revillame.



Halos mag-aalas singko na natapos ang hosting stint ni Jeyrick sa Wowowin kaya't agad na kaming lumarga para sa mahabang biyahe pauwi sa kanilang probinsya.

Kasama ang ibang mga kapamilya ni Jeyrick tulad ng kaniyang lolo , ama , pinsan at ang vice-mayor ng kanilang bayan ay sabay sabay na kaming tumulak para sa aming misyon sakay ng isang van.

To cut the long story short , gabi ng alas sais ng Martes kami umalis ng Maynila at nakarating kami sa Bauko Mountain Province ng alas sais ng umaga kinabukasan ng Miyerkules.

That's a whooping 10 hours of travelling kaya imaginin ninyo ang sakit sa puwet at ngalay sa paa dulot ng mahabang pagkakaupo without stretching he he he.

Nagstop-over muna kami sa bahay ni Congressman Dalog ng lone district ng Mountain Province bilang courtesy call and he welcomed us with utmost hospitality an Igorot people can offer.




I have a separate article about this rendezvous with Congressman Dalog's family.

After ng aming stop-over ay go na agad kami sa next destination which is in the capital town of Bontoc para naman sa mga courtesy calls sa iba pang political personalities like the Governor , Vice Governor of the province and the  Mayor and Vice Mayor of Bontoc.




In each stop-over ay talagang pinagkakaguluhan at ang daming nagpapa-picture kay Carrot Man which became an instant celebrity in his hometown at very proud ang kaniyang mga kababayan sa kasikatang kaniyang tinatamasa sa ngayon.



Pagkatapos ng aming sandaling pagtigil sa bayan ng Bontoc ay dumiretso na kami sa bayan ng Barlig which is the town kung saan nakatira si Carrot Man.

Mas mataas ang elevation sa bayan ni Carrot Man.

Pakiramdam ko ay malapit na kami sa langit dahil sa taas at lamig ng lugar.

Zigzag pa ang daan paakyat sa bundok at kung mahihiluhin ka ay hindi mo kakayanin ang tumanaw sa labas na puro matataas na kahoy at malalim na bangin ang makikita mo.




At may mga parte pa ng kalsada na may landslide kaya naputol ang kalsada kaya mapipilitan kang dumaan sa makitid na daan malapit na sa bangin .

Very freezing ang temperature na sa palagay ko ay naglalaro sa 8 to 10 degrees ang lamig dahil sa taas ng elevation.

We literally hugged and kissed the clouds na naglalaro sa paligid.

Foggy and cloudy ang atmosphere sa lugar. At tumitikatik pa ang mahinang ulan habang kami ay bumibiyahe.

Ang sabi nga nila ay you can barely whisper to God and He can hear it right away high up in the mountains because of its nearness to heaven.

At habang lumalapit kami sa hometown ni Jeyrick ay lalo pang lumalamig ang lugar.

At eksaktong alas onse ng umaga , sa wakas ay nakarating din kami sa bayan ng Barlig kung saan nanduon nakatira si Jeyrick Sigmaton aka Carrot Man.

We were excitedly welcomed by the local townspeople and kinsfolk.

At pati kami ay feeling celebrity na din dahil kahit sa amin ay nagpapa-picture sila he he he.

Gusto pa sana naming pumunta sa mismong bahay ni Jeyrick kaso ay sobrang maputik ang kalsada kaya hindi na namin ito kinaya.

Mababalaho kasi ang van na sinasakyan namin kaya hindi na kami nag-attempt na pumunta pa sa mismong bahay nila Jeyrick kung saan naghihintay daw ang engrandeng welcoming party para sa amin.

Nag-decide na lang kami na umuwi na agad kesa sa ma-trap pa kami sa lugar na iyon bago gumabi.

Matapos ang nakakaluhang bye-bye sa isa't isa ay nagpaalam na kami sa pamilya at kababayan ni Jeyrick.




At diyan natapos ang aming misyon ng paghatid kay Carrot Man sa Mountain Province.

Subalit simula pa lang nang aming biyahe pauwi naman ng Maynila na inabot ng halos labing isang oras naman.


What an adventure to tell.

Nagpapasalamat ako kay Butch Rivera na niyakag ako sa biyaheng ito na mananatili sa aking ala-ala.

I am very much honored and priviledged na makasama sa biyaheng ito na siguradong hindi ko malilimutan.

And I am looking forward na muling makasama sa biyahe pagsundo naman kay Carrot Man at sa piyesta ng Lang-ay sa probinsya he he he.

Maraming salamat sa mga taga - Mountain Province na nagparamdam sa amin ng kanilang suporta at pagmamahal bilang mga bisita.

Sa muli po at sa uulitin.

No comments:

Post a Comment