Wednesday, February 17, 2016

Pagbalahura sa watawat ng Pilipinas

Very alarming at malaking eskandalo itong naging viral at kumalat sa social media na video ng isang lalaking estudyante na ginawang walis / basahan / trapo ang bandila ng ating mahal na bansang Pilipinas.

Hindi ko matanggap na ang nirerespeto at dapat ay pinagpipitaganang  sagisag ng ating bansa ay ginawang basahan ng mga walang moral na estudyanteng ito daw ng University of the East. .

At ang tapang pa ng loob na i-post pa sa social media ang kawalang-hiyaan nilang ito.

Sa ganang akin ay may pagkukulang ang eskuwelahan dito .

Dahil kung naituro at naipaintindi sa mga bata nang tama kung gaano kahalaga ang watawat ng ating bansa ay hindi nila gagawin sana ito.

Magkagayunman , kung sadyang matigas ang ulo ng mga batang ito na kahit na naituro sa kanila ang tamang gawain at pagtrato sa ating bandila ay nagawa pa rin nilang babuyin ang ating watawat ay wala na akong masasabi pa kung hindi ang " KAKAPAL NG MUKHA " nila as in.

Nawa ay magsilbing aral ito sa mga batang nag-aaral na patuloy na igalang at bigyan ng karampatang pagkilala at respeto ang ating watawat .

At huwag magpapansin sa social media sa pamamagitan ng  pagpu-post ng kabalahuraan dahil tiyak na  kulungan ang hahantungan ninyo .

Yun lang !

2 comments:

  1. May pagkukulang tayong lahat dito... ramdam ko talaga na napakababaw ng ating pagka-Pilipino at pagiging makabansa.

    ReplyDelete
  2. Point understood ...thanks for visiting jep buendia

    ReplyDelete