TRAVELBOOK NOW!

Friday, February 19, 2016

Masahol Pa Sa Hayop

Nanggagalaiti ang buong sangkabaklaan dahil sa isang pahayag ng tinaguriang boxing icon People's Champ at Kongresista from Sarangani na si Manny Pacquiao .

Nag-aambisyon ding mahalal bilang Senador sa darating na pambansang halalan ang ating Pambansang Kamao.

At bilang paghahanda sa kaniyang mga plataporma ay nainterbyu siya sa isang panayam sa telebisyon at natanong kung ano ang stand niya sa isyu ng Same-Sex Marriage.

At ang kaniyang sagot na siguradong maitatala na sa kasaysayan ng bansa ay ang sumusunod :

"Common sense lang, makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa yung hayop, marunong kumikilala kung lalake o babae, 'di ba? Ngayon, kung lalake sa lalake o babae sa babae—mas masahol pa sa hayop ang tao."

Nakarating ito sa sangkabaklaan at sumabog ang galit ng so-called LGBT community.

My take on this issue :

For the record, science dictates that animals practice homosexuality .

May mga instances at napatotohanang may mga uri ng hayop na nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki at kapwa babae.

To cite ang mga hayop na ito  ay ang mga bulate , elepante . seagull , salmon , emu , giraffe , fox atbp. May dagdag na usapan pa dito

Para sa karagdagang impormasyon ay dito ang Homosexual Behavior in Animals .

Kung gayon ano naman ang kaugnayan nito sa tao ?

Ayon sa mga dalubhasa at nag-aral na mga scientists partikular kay Naturalist Charles Darwin ang tao ay nanggaling din sa mga hayop.

Therefore , according to the theory , we conclude , ang TAO ay HAYOP din.

May mga tumanggap na hayop din ang tao , subalit mas marami ang hindi makatanggap na hayop ang tao !

Ayaw nilang maikumpara sa mga hayop .

Ang tingin nila ay mas mataas na uri sila kaysa sa hayop.

Sila ang mga panginoon.

Sila ang naghaharing - uri.

Sila ang nangingibabaw.

Sila ang batas!

Para sa kanila ang mga hayop ay mababang uri lamang .

Niyuyurakan.

Minamaliit.

Tinatapakan.

Kinakatay.

Iyan ang hayop!

Kaya't never na maikukumpara sila sa hayop.

Ngunit sino nga ba ang TAO at sino ang HAYOP ?

Tao ka nga bang maituturing kung nilulustay mo ang kaban ng yaman ng bansa ?

Tao ka bang masasabi kung nagsasalita ka ng mali at kasinungalingan laban sa iyong kapwa ?

Tao ka bang mababansag kung maliban sa iyong asawa at mga anak ay may iba ka pang kinakasama na hindi mo nasusustentuhan nang maayos at tama ?

At tao ka nga bang maisasambit kung pumapatay at kumakatay ka ng kapuwa mo tao ?

O mas masahol ka pa sa hayop ?

Sino ngayon ang tao at sino ang hayop ?

Minsan nga ay mas mabuti pa ang asal ng mga hayop kaysa sa mga nagsasabing tao sila !

Kung nakapagsasalita lang ang mga hayop ay siguradong mahihiya silang ikumpara sa tao .

Ngayon ,may sampung puntos lamang akong nais iparating tungkol sa usaping ito :

1.) Mali ang pahayag ni Manny Pacquaio na walang bakla sa sangkahayupan as per scientists theory.

2.) Ayon sa mga scientists ang TAO ay HAYOP din.

3.) May mga TAO na nag-aasal HAYOP .

4.) Dahil dito , may mga straight na lalaki at babaeng tao ang puwedeng mag-asal-hayop din .

5.) Sa ganito ring paraan , maaari ding may mga baklang may asal-hayop.

6.) At may mga pulitikong hayop din.

7.) At may mga relihiyosong hayop din.

8.) At may mga magulang na hayop din.

9.) At may mga batang hayop din.

10.) Despuwes , lahat tayo ay hayop , in one way or another !

Ako ay isang bakla , that's for sure.

Sa gawa , sa kilos at sa salita , ako ay isang sirena .

Hindi ko ito ikinakaila.

At ipinangangalandakan ko pa na I'm Proud To Be Gay .

Subalit hindi ko rin itatanggi na minsan ay may mga " Kahayupan " din akong nagawa at nagagawa pa din hanggang ngayon.

Mga kahayupang kapwa ko hayup din lang ang makakaunawa.

Dati sa tuwing tatawagin akong bakla ay nagagalit ako.

Galit na galit to the point na halos gusto kong pumatay ng tao.

Subalit nang matanggap ko na sa sarili ko na isa talaga akong bakla , wala nang naging epekto ang mga salitang " BAKLA " sa aking pagkatao.

Tanggap ko na kung tawagin man nila akong " BAKLA " dahil iyon ako.

Ang sabi nga ng isang mahusay na manunulat ay salita lang iyan , that " Words can't hurt you , they are just that , only a  " WORD "

Subalit kung sabihan at ikumpara ka sa isang HAYOP ay matatanggap mo ba ?

Marahil ay hindi dahil hindi mo matanggap na hayop ka.

At dahil hindi ka naniniwalang hayop ka .

At ang mga hayop ay ang mga taong gumagawa ng kasamaan sa kanilang kapwa.

Sila ang mga hayop at hindi ikaw o ako .

Subalit naisip mo na ba na baka puwedeng hayop ka din ?

Si Manny Pacquiao ay isang mangangaral ng Bibliya.

Sinipi niya ang isang bahagi ng Bibliya na sa tingin niya ay kumukundena sa pagsasama ng Lalaki sa Lalaki at Babae sa Babae.

Ito ang kaniyang paniniwala.

Dapat natin itong igalang at respetuhin.

Ang mali niya ay ang sabihin niyang walang bakla sa mga hayop .

At mali ring sabihin niya na masahol pa sa hayop ang mga bakla !

Dahil lahat tayo ay hayop , aminin man natin o hindi.

Literal man o idyomata.

Humingi na ng kapatawaran at umamin sa kaniyang pagkakamali ang boksingero.

Sino tayo para hindi magpatawad at manghusga!

Hindi lang naman si Manny ang nagkamali sa pagsasalita.

Maging tayo ay nagkakamali din naman panigurado.

Hindi lang naman si Manny ang minsang naging hayop sa pagsasalita !

Tayo din naman minsan ding naging hayop.

Hayop sa isip sa salita at sa gawa.

Hindi natin alam kung ano ang isip ng Diyos o paghusga ng Panginoon tungkol sa isyung ipinaglalaban natin.

Tanging Siya lang ang nakakaalam.

Darating ang panahon na tayong lahat ay huhusgahan ng Diyos.

Sasabihin Niya kung sino ang TAO at sino ang HAYOP.

At kapag dumating ang panahong iyon sana ay handa kang mangatuwiran sa Panginoon na taong tao ka at hindi hayop.

Dahil baka marindi ang tenga mo kapag sinabi ng Diyos sa harap mo na " mali ang akala mo "

Ayaw ko nang magalit.

Matagal ko nang inalis ang poot ko sa mga taong nagagalit at hindi nakakaintindi sa mga baklang tulad ko.

Tanggap ko na kung ganito at ganun ang tingin nila sa akin bilang isang bakla.

Iyon ang ipinakita at ipinamulat sa kanila sa umpisa pa lamang.

Ang nais ko na lamang gawin ay ipaunawa at ipadama sa kanila na hindi lahat ng mga bakla ay hayop.

Maaaring may mga hayop na bakla pero hindi lahat sa gayun ding paraan na may mga lalaki at babae na hayop pero hindi lahat.

Ngayon paano ko maipapaunawa ang mensaheng ang mga bakla ay hindi hayop ?

Sa pamamagitan ba nang pagkondena at pagpasa ng hate campaign laban sa mga taong nagsasalita kontra sa atin ?

Hindi.

Kundi sa pamamagitan ng pag-unawa kung bakit nila ito nasabi .

At sabayan mo nang gawa sa pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa.

Hindi yung puro sarili mong kagandahan ang inaasikaso mo lamang.

At pakikipagtalik sa kung sinu-sino at kani-kaninong lalaki.

O gabi-gabing pakikipag-inuman mo sa gay bar sa harap ng gumigiling na mga lalaki sa stage.

O araw araw na pagkendeng at pagtili mo sa kalye at pag-usapan ang kung kani-kaninong buhay.

Mabuti pang ang alak na lalantakan mo ay ibili mo ng pagkaing makakain ng mga nagugutom na bata.

O ang perang ipinambibili mo ng mga kolorete sa mukha ay ibili mo ng materyales para sa mga bahay ng walang masilungang pamilya.

Nang sa gayun ay maiintindihan na tayo ng mga taong kumukutya sa atin.

At hindi na nila tayo tatawaging BAKLA lang.

At hindi na nila tayo sasabihang masahol pa sa hayop na bakla.

Nasa atin din ang paraan at tayo din ang gagawa.

Hindi tama ang puro ngawa.

Walang bisa ang ngawa kung walang gawa.

Kung gusto mong repsetuhin ka ay matuto ka munang rumespeto sa kapwa mo.

Ang repseto ay hindi hinihingi .

Ito ay kusang ibinibigay sa iyo kung karapat-dapat kang bigyan nito.

The world is full of hatred.

Huwag na nating dagdagan pa ang galit na pumupuno at lumulunod sa mundong ito.

Simulan mo na sa sarili mo at alisin ang galit.

Spread love not hate.

At simulan mo sa sarili mo.

Salamat po.

#MannyPacquiao #masaholpasahayop #ViceGanda #BoyAbunda

No comments:

Post a Comment