TRAVELBOOK NOW!

Monday, February 29, 2016

Leap Day February 29 , 2016

Ngayong araw ay leap day February 29, 2016.



May extra day ang February once every four years called a leap year just like this year.

Ito daw ay dahil hindi naman eksaktong 365 days lang ang nabubuo sa isang taon .

May extra 1/4 day o anim na oras daw na naiipon kada taon kaya kung iipunin mo ito ay makakabuo ka ng isang araw na eksakto matapos ang apat na taon.

And that is how the leap year started.

Bihira ang mga taong ipinapanganak ng leap day o February 29.

Kung ang isang tao ay ipinanganak ng February 29 ay puwede daw siyang mamili ng either February 28 or March 1 as his or her birthday.

Pero mayruong iba na tuwing February 29 lang talaga nila isineselebreyt ang kanilang kaarawan.



Well it's their choice.

Katulad ng kilala kong tao na si Mang Rolly Tecson na ngayon ay 20 years old pa lang daw sa araw na ito when in fact he is already living a full senior 60 years na sa mundong ibabaw.

Mayruon ding mga celebrities and personalities na ipinanganak ng leap day like singer and rapper Ja Rule , Pope Paul III , English actor Joss Ackland , singer and rapper Saul Williams and motivational speaker Tony Robbins.

Ang sabi rin ng iba ay malas daw ang leap day o leap year.

Kaya huwag na huwag daw magpapakasal , magbebenta o bibili ng mga ari-arian sa taong ito dahil mamalasin ka daw ayon sa mga Chinese astrologers.

At tila nga nagkatotoo ito sa kaso ng namayapang blockbuster director na si Edwin Villanes " Wenn " Deramas.

Dobleng kamalasan naman dahil matapos mamatay ang kaniyang kapatid na si Wawa Deramas ay agad na sumunod si Direk Wenn.

3 hours apart ang pagitan ng kanilang kamatayan actually.

Well hindi naman siguro kamalasan itong masasabi.

Ang kamatayan naman ay dumarating whether it's a leap year or not.

Siguro ay talagang oras na ng magkapatid na sila ay kunin ng Amang nasa langit.

Anyways , Happy Leap Day and Year pa rin naman : )




No comments:

Post a Comment