TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, January 12, 2016

R.I.P. German " Kuya Germs " Moreno

Pumanaw na nga nitong nakaraang January 8 , 2016 ang isa sa tinitingala at iginagalang na haligi ng Philippine entertainment na si German " Kuya Germs " Moreno sa edad na 82.




Sino ba ang hindi nakakakilala sa isang Kuya Germs.

Siya na yata ang pinakasikat na Kuya sa buong Pilipinas ( maliban kila Kuya PBB , Kuya Eddie , Kuya Cesar at Kuya J Resto  )

Kung hindi man ay siyang pinakamabait na Kuya na nabuhay sa ating kalagitnaan.

Ilang beses ko na ring nakita si Kuya Germs sa personal bilang isang fan.


Nuon pa man sa show niya sa Channel 7 na That's Entertainment ay lubusan ko na siyang hinangaan sa galing niyang mag-host at magbuild-up ng career ng mga bagong artistang iidolohin ng masa.

Sino bang sikat na artista ngayon ang hindi dumaan sa kaniyang masinop na pag-aaalaga at talento bilang mahusay na Master Showman.

Subalit ngayon ay tuluyan nang namaalam ang nag-iisang Payaso ng ating pinilakang tabing.

Ngunit alam ko na mananatili ang kaniyang iniwang ala-ala at legacy para sa pagpapasikat ng mga de-kalibreng artista in the future generations to come.

Isara na natin ang telon ni Kuya Germs na dati ay siya ang tagabukas at tagataas.

Farewell our Master Showman .

But now you can have the grandest SHOW in heaven with the MASTER as your audience !






1 comment:

  1. Kahanga-hanga ang kanyang kabaitan. Kahit sa mga huling taon ng kanyang buhay ay hindi siya tumigil na tumulong sa ibang tao.
    May you rest in peace Kuya Germs.

    ReplyDelete