Friday, July 31, 2015

... text mo 'ko ...


Thursday, July 30, 2015

Fiorgelato

At dahil nakatikim na ako ng pure Italian Pizza , siyempre titikim din ako ng pure Italian ice cream naman.

By Fiorgelato

Lakas maka- Italiani.

Magnifico.






Wednesday, July 29, 2015

Bantay Church and Bell Tower

Nang ako ay mapadako sa Vigan City at ako ay papauwi na ay napadaan ako sa isang simbahan na malapit dito .

Ito ay ang Saint Augustine Parish Church at tinatawag ding Bantay Church na itinayo nuong 1590.



May kalapit itong bell tower na aking inakyat.




Ang sabi sa akin ay walang entrance fee pero may donation na puwede mong ibigay upon entering.

At dahil galante naman ako kaya nagbigay ako ng isang libo.

Charot.

Bente lang he he he.

Ito ang entrance ng bell tower.



Parang ang creepy lang ng feeling na umaakyat ka sa isang pagkaluma-luma nang bell tower.

Ang sabi nang nakausap ko na mga bantay ay ang bell tower na ito ay itinayo nuon pang 1591.

Ito daw ang pinakamatandang bell tower sa buong Ilocos Region.

Nang nasa ituktok na ako ng bell tower ay sobrang nakaka-amaze ang view at makita at mahawakan nang malapitan ang mga lumang bells o kampana. 








Tuesday, July 28, 2015

Chef Lau

Napadaan ako sa SM San Lazaro at nakita ko ito.

Chef Lau's Pugon Roasters.



Hmmmm kung hindi ako nagkakamali ay isa ang chef na ito sa kasamang mga judges nuon sa show ni Juday sa Channel 2 na Master Chef Pinoy Edition.

Ang full name niya ay Rolando " Lau " Laudico. 

At dahil chef daw ang may-ari at kusinero may I taste ang kanilang signature bestseller dish na Pugon Roasted Chicken.




Oh di ba ang sosyal lang ng pangalan at pati na rin ang presentation.

Lasahan nga natin.

Hmmmm , masarap nga siya in fairness.

May kakaibang pitik sa iyong dila at panlasa.

Marami pa silang ibang dish na ino-offer partikular ay ang platter kung saan ay iba't iba ang dishes na kasama sa iisang plato.

Next time ay ito naman ang oorderin ko for sure.

Enjoy.




Sunday, July 26, 2015

Minions were Jewish kids ?


I hope this is not true , favorite ko pa naman ang Minions.

But others are telling us that this is a hoax article, because the truth is they are all grown men and the suit they are wearing are for divers.

Whatever !

Saturday, July 25, 2015

Tapsi Ni Vivian

Nang ideklarang winner ang Tapsi Ni Vivian sa show na Kapuso Mo Jessica Soho sa Channel 7 ay naging curious na kaming tikman ni Rommelita ang kanilang ipinagmamalaking tapsilog.


Ito lang naman ang panalo sa tatlong magkakalabang tapsilogan na the best daw na naghahain ng tapsilog sa buong Pilipinas.

At pumunta nga kami ni Rommelita sa isang sangay nito sa D. Tuazon Marikina City malapit lamang sa Santa Lucia East Grand Mall.


At aming nilasahan ang kanilang ipinagmamalaking order ng tapsilog.





And true to its declaration as the grand champion sa paistaran ng mga nangungunang tapsilogan sa Pilipinas , truly , I must also declare , that it deserves the title!


Panalong panalo ang lasa , pramis!

Sakto ang timpla na hahanap-hanapin tiyak ng iyong pihikang panlasa.

No doubt kaya naman sila ang idineklarang panalo at champion.

Patunay na nabusog at nasarapan si Rommelita sa aming kinain na tapsilog ni Vivian ay ito :


O di ba may ebidensya hayan at bundat na si Rommelita he he he he.

Sugod na sa Tapsi Ni Vivian for your best tapsilog experience ever.

Friday, July 24, 2015

Rodics Tapsilog

Nang dumako ako sa bagong bukas na SM San Mateo ay napansin ko ang kainang ito.

Ang Rodics Diner.


Naalala ko na ito ang nai-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA Channel 7  para sa kanilang Tapsilog challenge.

Bale tatlo sila nuong naglaban-laban bilang pinakamasarap na naghahain o nagluluto ng tapsilog at ito ay ang Dongalo Paranaque , ang Tapsi Ni Vivian at ito ngang Rodics.

Ang nanalo sa paligsahang iyon ay ang Tapsi Ni Vivian bilang pinakamasarap na tapsilog in town.

Subalit the fact na ikaw ay nakasama sa tatlong pinagpilian bilang pinakamasarap , ibig sabihin lang ay may laban ka sa kanila di ba.

Kaya ang Rodics Tapsilog ay aking tinikman.

Heto na siya:





Bale nagsimula ang kainang ito sa UP Diliman campus nila.

At magmula duon ay namayagpag na ang kanilang pangalan bilang isa sa mga naghahain ng pinakamasarap na tapsilog sa buong Pilipinas.


At nang aking lasahan ay hindi nga ako nabigo.

Masarap nga ang kanilang tapsilog in fairness.

Hindi siya masyadong maalat.

Sakto lang ang timpla niya kumbaga.

Tapos ay isawsaw mo pa sa kanilang masarap na suka.

Bale ang kanilang tapsilog ay hinimay himay na tiny beef strips na isinabog  sa iyong sinangag.

Kaya naman hindi ako magtataka kung isa sila sa inilaban sa tatlong adjudged pinakamasarap na tapsilog servings in town.

Next na project ko ay tikman ang  idineklarang panalo at pinakamasarap na tapsilog ayon sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Ang Tapsi Ni Vivian.


Thursday, July 23, 2015

Manangs Fried Chicken

Nag-try akong magmeryenda sa Manang’s  Fried Chicken.



Ang aking inorder ay ang Chicken Burger at Pesto Pasta with Potato Chips as a side dish.




In fairness ay malasa ang kanilang inihahaing chicken meal dito.

Puwedeng tapatan ang mga nangungunang chicken meal in town.

In fact , dahil nakakaumay na ang lasa ng mga leading chicken meal in town ay ito ang better alternative o pamalit kung may sawa factor ka na sa mga Chickenjoy at Mc Chicken meal na iyan.


Try it to believe it.


Wednesday, July 22, 2015

Padede Girl

Welcome to your breastfeeding program Padede Girl

Tuesday, July 21, 2015

The Old Spaghetti House Pasta All You Can

Sumabak din kami ng kaibigang Rommelita sa pagkain ng sandamakmak  na pasta at pizza.

Ito ay sa The Old Spaghetti House sa branch nila sa SM Manila.


Pasta all you can ang promo nila.


Sa halagang 149.00 ay malalantakan mo na to the max ang kanilang mga signature pasta dishes katulad ng Alfredos, Vietnamese Garlic, Pesto at Pomodoro.

Dagdagan mo pa ng 50.00 at unli na rin ang pizza servings mo like 5 Cheese, Hawaiian at Pepperoni.

Siyempre hindi unli ang drinks kaya tubig na lang sa amin he he he.

In fairness ay masasarap naman ang kanilang mga pasta dishes iyon nga lang ay kulang sa meat toppings.

Or should I say ay wala talagang meat toppings kundi puro sauce lang talaga ha ha ha.



Kaya nga Pasta all you can di ba .

Hindi naman sinabing Pasta and Meat Toppings all you can okay ?

Kaya ang Rommelita ay panay ang reklamo dahil hinahanap niya ang nawawalang mga meat toppings he he he.


At ang mga pizza naman ay super thin as in.


Na tila ba puro  dough na lang at wala nang palaman .

Kaya naghahanap ulit si Rommelita nang mga nawawalang meat fillings he he he.

In all fairness ay maganda naman ang ambience ng lugar.

Very nostalgic at dadalhin ka sa panahon ng taong 70’s to 80’s

Pati ang sounds and music ay very 80’s din.

Iyon nga lang ay hinahanap pa rin ni Rommelita ang mga nawawalang meat toppings and filings he he he.


Nang tanungin ko ang crew kung pareho lang ba ang servings nila kapag regular priced meal at eat all you can ay sinabi niyang magkaiba daw.

Siyempre daw kapag regular priced meal ay umaapaw daw ang kanilang meat toppings and fillings.



Oh well.

Eh di wow!