TRAVELBOOK NOW!

Sunday, May 31, 2015

Pancit Molo at Bacolod Chicken Inasal

Pancit Molo started, wherelse , but from Molo Ilo Ilo .

It consists of a ground pork wrapped in a wonton wrapper much like the wanton soup of the Chinese.

Marami ang nagtataka kung bakit ito tinawag na Pansit Molo samantalang wala naman itong sahog na pansit?

Ako rin eh nagtataka at nagtatanong he he he.

Basta ang alam ko masarap ang Pansit Molo , whether with a pansit or it's just a plain Molo soup.

Try this at Bacolod Chicken Inasal restaurant.

Enjoy!




Saturday, May 30, 2015

San Nicolas biscuit

Isang klase ng biscuit o biscocho ang ginagawa sa Pampanga na may kakaibang disenyo.


Ito ay ang tinatawag na San Nicolas.



Tinatawag ding putu saniculas o saniculas.

Ito ay sapagkat may nakaukit na imahe ng santong si San Nicolas de Tolentino sa nasabing biscuit.

Si San Nicolas ay ang patron ng mga bakers o magtitinapay.






Isa sa kilalang gumagawa ng Panecillos De San Nicolas ay si Atching Lilian Lising-Borromeo , isang culinary expert mula sa Mexico Pampanga.



Masarap din ang lasa ng biscuit na ito na sinasabing may ingredients mula sa arrowroot plant o uraro sa Tagalog.


Ito ay isa sa nagsisilbing pamanang pagkain  ng ating mga ninuno at sana ay hindi mawala sa ating hapag kainan at magpatuloy pa sa mga susunod na henerasyon.

Friday, May 29, 2015

Hi po


Thursday, May 28, 2015

Sandwich Guy merienda

I have tried this merienda treat from the Sandwich Guy.

Mukhang masarap tingnan sa standee poster.

Kung puwede nga lang ay iyong standee na lang ang kainin ko he he.


Pero nang inihain.




Mukhang may kulang.

Bakit isa na lang yung slice ng pineapple?

Ha ha ha , poster lang pala ang attractive.

Sometimes what you are seeing is not what you are actually getting.

Oh well .

Wednesday, May 27, 2015

Rare Animals

FROM : FOX FM Facebook page

Babirusa ( Hog Deer )

Gerenuk

Blobfish

Giant Isopod 

Dumbo Octopus

Indian Purple Frog

Penis Snake

Zebra Duiker

Venezuelan Poodle Moth 

Goblin Shark 

Lamprey

Star-nosed Mole

Kiwaidae ( Yeti Crab )

Gobi Jerboa

Cantor's Giant Soft Shell Turtle

Narwhal

Fossa

Mantis Shrimp

Sunda Colugo

Saiga Antelope

Monday, May 25, 2015

Sbarro Pizza Slice

At last nakatikim din ako ng pizza mula sa Sbarro.


Mayruon na silang mga pizza slices na ino-offer sa kanilang mga mini foodcart.

At sa kanilang food cart sa SM Manila ay bumili ako ng slice ng kanilang all meat flavor .



Ano ba , ang presyo nito ay pang dalawang araw ko nang sulit meal sa karinderya dito sa amin ha ha ha ha.

Hindi bale sulit naman.



Dahil masarap nga ang authentic Italian Pizza style.

Ang kapal ng crust at ng fillings.

In fact ay hindi ko naubos ng isang araw ha ha ha ha.

Ako na ang gutom gutom huh.

Sunday, May 24, 2015

Will get married at 47

kung totoo ito , may pag-asa pa pala akong ikasal he he he and I have 5 more years to come he he he

Saturday, May 23, 2015

Antipolo Mystical Cave

Para sa kakaibang adventure ay dumako naman  kami ni Rommelita sa isang kuweba.


Nope , hindi ang kuweba na iniisip ninyo , ayaw namin duon ha ha ha ha.

Ito ay ang Mystical Cave na nasa Antipolo City.

We hike a tricycle from a terminal in Padilla Antipolo malapit sa Water Wonders Resort.

120.00 daw ang singil ni manong para sa isang trip.

At dahil excited kami ni Rommelita makapasok ng kuweba, kinagat na namin ang  offer ni manong kahit na isang araw kaming hindi kakain ha ha ha.

Medyo mahaba at malayo ang biyahe , parang EDSA lang minus the traffic and the pollution.

At siyempre walang mga malls dito anoh.

After an almost half hour na biyahe ay nakarating din kami.

May rough road ka ring dadaanan kaya get ready for your panyo pangtakip ng ilong laban sa alikabok.

Pagpasok mo sa gate ay may entrance fee na 40.00

Keri na dahil tipid lang ng isang regular yum ‘yan.

Mag Angels Burger na lang kami , buy one take one pa he he he

And then aakyat ka ng baytang ng hagdan na sa bilang ko ay nasa 1,000 steps , joke ha ha ha.

Hindi naman siguro mga 500 lang , choz pa rin .

Ang totoo , tatlong baytang lang ha ha ha .

Tatlong baytang ba ang hitsura niyan huh ?

Eh pagdating namin sa ituktok ng hagdan ay lawit dila na ako at hingal kabayo o aso ako waaahhh.

Si Rommelita ay lumiit yata slight ang tiyan he he he.

Heto ang entrance ng kuweba.


May guide kami siyempre  , si Kuya Julius.



Ang lamig sa loob , parang naka- aircon.

Kung may dala nga lang kaming kumot at unan ay naglatag na agad kami duon at humilata.

Mag-oovernight kami ha ha ha .

In fairness ang ganda sa loob.

Lalo na ang mga stalactites at stalagmites na nabuo sa loob ng kuweba.

At ang mga column na dulot ng nagsalubong na stalactites at stalagmites ay may kumikinang na parang brilyanteng nakadikit dito.


Gusto na ngang tuklapin ni Rommelita para maisangla daw haha ha.


Hindi naman madilim sa loob dahil may mga ilaw at saka may app na flashlight  ang cellphone ni Rommelita , taray ang sosyal ha ha ha.

At saka may dala ring flashlight ang aming guide na si Kuya Julius,
laging handa like a boy scout.

May mga itinuro siyang formations na parang mga religious images na sadyang kamanghamanghamazing ang hitsura.

















Actually , ayon kay Kuya Julius , ang aming nilakaran na halos ay 2 kilometers na layo ng kuweba ay ang first floor ng buong tunnel.

Ang buong kuweba ay pababa ng bundok.

So ang first floor ay nasa ituktok ng bundok.

Ang 2nd floor hanggang 7th floor ng kuweba ay pailalim na sa lupa ng bundok.

At hindi na ito accessible sa mga turista at tao.

Dahil sa ang way pababa ay masyadong matarik at mabangin , delikado ang pumanaog dito nang walang kaukulang experience.

Ang pinapayagan lang na bumaba hanggang sa 7th floor ng kuweba na actually ay siyang pinaka-sahig ng kuweba ay ang mga expert at beterano na sa pag-explore ng mga kuweba o iyong mga tinatawag na spelunker.

At dahil hindi kami sanay o bihasa ni Rommelita sa paggalugad ng mga kuweba ( lalo na iyong kuwebang malalim he he he ) ay duon lang kami sa 1st floor nito o iyong pinaka-roof o tuktok ng kuweba.

Wala rin ang ine-expect namin na mga paniki o bayakan sa loob.

Ang sabi ng guide namin ay nagi-stay sila sa 7th floor nito o duon sa pinaka-ilalim nito .

Buti na rin lang dahil ayaw kong maiputan ang bagong bili kong damit nuon sa ukay ukay ha ha ha.

At pagkatapos nuon ay exit na kami siyempre, alangan namang mag-camping pa kami sa loob nito haler!

And then ay ang pagbaba sa hagdan na very easy na lang sa amin.

On the way down ay nadaanan namin ang napakalaking batong ito na worth picturing.



Worth it ang lahat ng pagod at hirap na makarating sa lugar.

Hindi namin akalain na ganun kaganda ang lugar.

Ang akala namin ay wala nang ganitong kuweba dito sa siyudad o urban.

Ang akala namin ay sa Palawan at Sagada  lamang ito makikita.

Mayruon din pala dito sa Antipolo City.

Actually ang lugar ay pag-aari daw ni Inday Celes at bale siya at ang mga tauhan niya ang nagme-maintain ng place.

At kaya ito tinawag na Mystical Cave ay dahil milagroso daw ang kuwebang ito dahil kapag may bukal sa loob ng kuweba ay puwede kang sumalok ng tubig na milagrosong nakapagpapagaling ng mga karamdaman.

At dahil nga sa maraming mga religious images na nabuo sa mga parte nito kaya itinuturing ito na milagrosang kuweba ng mga panatiko.

At sa tuwing Semana Santa ay dinarayo ito ng libong mga deboto na gustong makaranas ng milagro mula sa bukal ng tubig.

At dahil hinintay kami ni manong tricycle para maihatid muli sa terminal ay muli namin siyang binayaran ng 120.00 para sa return trip.

At duon natapos ang aming cave/spelunking adventure.




Matapos nuon ay pumunta na kami sa isang lugar na hindi ko na puwedeng ikuwento dahil x-rated ang tag nito.

Choz ha ha ha.

Enjoy and smile : )