TRAVELBOOK NOW!

Thursday, April 30, 2015

Who Wants To Be A Millionaire ? SM Novaliches Audition



WWTBAM SM NOVALICHES AUDITION

Isa pang audition ang ipinanawagan ng pamunuan ng Who Wants To Be A Millionaire?

This time ay sa SM Novaliches naman ang venue.

Gora ulit ang lola n’yo siyempre.

The usual pirma chuchu para sa registration papers ulit at submit ng 2x2 pic mula sa aking photo album ulit ha ha ha.

Salang ulit sa quiz exam na 12 questions para sa first round.

Ang malas naman dahil hindi ako nakapasok sa Top 12.

Bagsak ang lola n’yo ha ha ha.

Boba ha ha ha .

12 questions lang hindi pa nasagot ng tama at mabilis.

O sige puwede pa ring humirit daw ng isang beses.

Take 2 ang exam ko.

Go ulit ako at pirma ng registration papers at dahil wala na akong dalang picture ay nagpa-xerox na lang ako ng SSS ID ko oh di ba .

Take 2 ako ng exam.

Mataman kong pinakikinggan ang mga tanong.

Pero parang walang pumapasok na sagot sa kukote ko eh.

Mukhang maliligwak  na naman ako sa pangalawang pagkakataon huh.

At natapos ang 12 round of questions.

At ini-announce na ang mga nakapasok sa Top 10.

Waaaahhh , wala ang pangalan ko.

Bagsak na naman ang lola n’yo for the second time.

Hindi ako makapaniwala.

Pumupurol na yata ang utak ng lola n’yo.

Naboboba na ang lola.

It’s time to read the whole volumes of  encyclopedia ulit at isama mo na ang Guinness Book of World Records ha ha ha .

Ah ewan .

So ang ending , umuwi akong luhaan at lulugo-lugo, eh ano pa nga ba !

Ah basta walang susuko hanggang hindi nakakaupo pa rin , aba matinde !
#milYOUnaire

Wednesday, April 29, 2015

2015 Marikina Riverbanks Carshow
















Tuesday, April 28, 2015

Uncle or Auntie ?


Monday, April 27, 2015

Who stole the Eiffel Tower ?

Ang astig naman ng video na ito , promise .

Watch here :


Sunday, April 26, 2015

" Thinking Out Loud " Child Ghost Song

Totoo nga ang viral video sa internet na may naririnig na child-like whisper sa kantang Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.

Diumano ay isang child ghost ang narinig sa bandang chorus ng kanta partikular sa parteng " ..heart ... " ng nasabing  awitin.



Malinaw na malinaw ang pagkakarinig mo dito.

But then ang sabi naman daw ng iba ay second voice or reverb effect or echo sound daw.

Anu't anuman ay dapat nang magpaliwanag si pareng Ed Sheeran hinggil dito ha ha ha.

Saturday, April 25, 2015

R.I.P. Gary Ignacio and Richie D' Horsie

Pumnawa na sa mundong ibabaw ang dalawa sa hinahangaan kong artista.

Una ay sa larangan ng musika na si Gary Ignacio na frontman ng bandang Alamid.

Siya ang nagpasikat sa iconic song nuong dekada 90 na Your Love.


Very memorable sa akin ang kanta na ito.

Siya ay namatay sa edad na 49 dahl sa kidney cancer.



Ang pangalawa ay sa larangan ng komedya o pagpapatawa , walang iba kundi ang sidekick ng mga Sotto Brothers na si Richie D' Horsie.



Sumikat siya sa programang Iskul Bukol nuong dekada 80 kasama ang mga Sotto gayundin sa maraming mga pelikula bilang sidekick at comic relief ng mga bida.

Siya naman ay 58.



Sa ating dalawang magiting na mga artista ng siglong ito ay ang pagpupugay at pagpaparangal.


Friday, April 24, 2015

ABS CBN Summer Station ID 2015 - Shine Pilipinas

At dahil summer na ay tamang tama ang Summer Station ID ng ABS CBN for this year 2015 entitled Shine Pilipinas.

Thursday, April 23, 2015

Bread House by Zaphara

Isa na namang bakery ang aking nadiskubre dito sa Marikina .

And they are doing a wonderful job.

Nagbebenta sila ng Toasted Siopao , Fried Siopao , Piaya , Hopia , Crispy Donut at marami pang iba at an affordable price and a delicious taste.

Ito ang tinatawag na mura na , masarap pa ikanga.

The best !

Try it here in Sumulong Highway Marikina City near Roosevelt Sumulong in front of Mc Donalds.

Check out the pictures at nandiyan na rin ang iba pang details and info about the store : )







Wednesday, April 22, 2015

Earth Day 2015

Today is Earth Day 2015 at nais kong makiisa sa buong mundo sa pangangalaga ng ating nag-iisang Inang Kalikasan .

Sobrang laspag at abuso na ang ating mundo kaya at dapat nang pangalagaan .

Ilang siglo pa at dekada ay sinasabing lalo pang lulubha ang init na nararanasan sa ating klima.

Hindi naman na siguro tayo maaapektuhan nuon dahil pihadong matagal na tayong patay sa panahong iyon na mala-impyerno na ang klima sa mundo.

Kaya nga ba wala tayong pakialam sa ngayon ?

Dahil hindi na tayo apektado sa mga susunod na henerasyon.

Kung kaya't walang pakundangan ang pagtampalasan sa ating Inang Kalikasan ?

Kailan tayo mag-aasikaso at mangangalaga  kapag huli na ang lahat ?




Monday, April 20, 2015

Church Outing at J.M.D.'s Resort

It is Summer Time at officially ay idineklara na ng PAGASA na andiyan na si Haring Araw at magpapasikat na ng sobra.

Parang sa It's Showtime lang na Magpasikat segment.

Nandiyan na naman ang mga common denominator tuwing Summer like Pawis , Bungang Araw , Halo-Halo , Beaches , Parasol , Baguio , Tagaytay , Air Conditioner , Electric Fan , Shakes , Sore Eyes , Abaniko o Pamaypay , Tuli at siyempre ang hindi magkamayaw na kaliwa't kanang Swimming Time.

Masarap maglublob sa tubig kapag ganitong tag-init at ang sarap magbabad sa malamig na tubig na tila ba ayaw mo nang umahon pa.

Kaya naman para sa taunang summer outing ng aming church na Peacemakers Family Fellowship Pagrai Chapter ay dumako kami sa J.M.D.'s Resort sa malayong bayan ng ...........

Marikina ha ha ha ha .

Ang lapit lang ano he he .

Eh ba't naman kailangan pang lumayo kung merun namang mas malapit na enjoy din namang maglunoy sa katubigan.
.
Malapit lang ito sa Rossevelt College sa Sumulong Highway.

Private resot ang peg namin para solo namin ang lugar.

Of course para sa good vibes at tamang faith strengthening  ay kailangang pasimulan ng Word of God sharing ang umaga bago magtampisaw sa pool.

Pagkatapos ng sharing ay maraming mga water activities ang aming ginawa sa pool like water volleyball , domino diving , water pyramiding , habulan sa pool at iba pa.

At siyempre salu-salo sa pagkain.

Potluck boodlefight.

Sorry ha walang picture kasi hindi gumana ang aking digicam.

I mean nakalimutan ko sa bahay eh #ulyaninnaako.

Imaginin n'yo na lang ang boodlefight namin he he he .

Talagang literal na nag-away away at naglabu-labo sa kainan ha ha ha.

Magara din ang swimming pool dahil may water fountain effects sa buong paligid nito.

Ang saya!

Here are some pictures na nakayanan kong kunan mula sa aking hamak na Ipad huh .

Enjoy and #beatthesummerheat



















Sunday, April 19, 2015

Who Wants To Be A Millionaire ? SM San Lazaro Audition



Nagdaos na naman ng isang audition ang Who Wants To Be A Millionaire ? ng TV 5 hosted by Bossing Vic Sotto and this time ay sa SM San Lazaro naman sa may Tayuman Manila ang venue ng audition.

Magbabalik na kasi sa ere ang longest running game show na Who Wants To Be A Millionaire sa TV 5 pa rin siyempre  starting on May  10 at si Bossing pa rin ang host.

At dahil bagong simula ay may mga bago ring pasabog ang show like imbes na 15 questions ang sasagutin mo bago mo makamit ang milyong pera , this time ay 12 tanong na lang ang kailangan mong sagutin ng tama para makamit mo ang pangarap na milyon.

Dalawa pa rin ang safe haven pero this time ay sa pangatlong tanong pa lang ay safe haven na agad at ang sunod na safe haven ay nasa pang-walong tanong.

Mas pinadali din ang mga lifeline at sa pagkakataong ito ay ibinalik nila ang Call A Friend lifeline na dating nawala o tinanggal sa nakaraang season.

Iyan ang mga pasabog ng bagong show at marami pa ang aabangan sa pagsisimula nito sa Mayo.

At siyempre isa na naman ako sa mga sumugod sa SM San Lazaro audition para sa mga bagong uupo at makakaharap ni Bossing sa hotseat.

Mag-aalas dose na nang ako ay makarating at salamat naman dahil nakahabol pa ako sa audition na malapit nang matapos.

As usual ay pirma at sulat na naman ng papers  para sa registration at submit na naman ng 2x2 pictures ( naubos na nga ang pina-print ko na ID pic sa kaka-audition dito huh kaya gumupit na lang muna ako mula sa photo album ko ha ha ha ha) .

After that ay ang quiz exam ng 12 questions na dapat ay masagutan mo ng tama at mabilis gamit ang remotely controlled answering mechanism para makasama ka sa Top 10  na papasok sa susunod na round.

Good thing ay nakapasok naman ako sa Top 10 sa number  oh di ba.

Proud din ang lola n’yo.

Ang next round ay Camera Interview .

In a minute ay magpaabot ka ng message mo sa harap ng camera kay Bossing as if ay kaharap mo siya.

Dapat ay bongga ang minute message mo para makapasok ka sa next round which is a one on one interview.

When it was my turn to have my 1 minute camera moment ay medyo nahiya yata ako at ang tangi kong nasabi lang ay ang sinulat ko na top 10  reasons kung bakit ako ang dapat na umupo sa hotseat.

Ang tanging nabanggit ko lang ay 2 reasons which are because I am cameragenic ( wow huh ) and because I am smart.

Nagpaka-mysterious effect pa ako at ang sabi ko ay ang natitirang 8 reasons ay ire-reveal ko kung sakaling makapasok  ako sa next round.

Eh hindi yata na-excite at na-mystified ang mga hurado behind the walls kaya ligwak ang beauty ko sa sunod na round waaahhhh.

Hayan tuloy at hindi na naman ako pasok sa bagong audition round na ito ng Who Wants To Be A Millionaire? 

Hayyyzzzz , siguro ay hindi ko pa talaga panahon para makaupo sa mailap na hotseat .

Pero hindi bale at marami pa namang susunod na audition for sure ng WWTBAM and siguradong hindi ako pahuhuli dito hangga’t hindi ako nakakaupo sa hotseat.

Alamkong darating din ang araw na ibibigay ni Lord ang oras para sa akin na finally 7.50 na ang Ariel este  makakaharap konaface to face si Bossing sa hotseat.

Kung kailan iyon , hindi ko alam .

Sana malapit na.

In the meantime ay panibagong dagdag ang blogpost na ito sa humahabang serye ng aking pakikipagsapalaran para sa Who Wants To Be A Millionaire?

At sa mga classmate ko dito sa audition na palaging nagre-reunion everytime na may pa-audition ang WWTBAM ay ito ang aking mensahe :

“ Sige lang nang sige , walang susuko  hanggang hindi nakakaupo “

#walang kadalaladalaatwalangkasawasawa 

#milYOUnaire




Saturday, April 18, 2015

Sotaya Buffet Diner

Sa pagpapatuloy ng aming food trip ni Rommelita ay idinako naman kami sa isa pang eat all you can buffet diner dito pa rin sa Antipolo.

Oo , kami na ang masiba at matakaw sa pagkain kaya puro eat all you can diner ang aming dinarayo.

Kita naman ang ebidensya sa tiyan ni Rommelita ha ha ha.


Parang kabuwanan na niya sa laki ng kaniyang tiyan ha ha ha ha.

This time ay dumako naman kami sa Sotaya Restaurant na matatagpuan sa M.L. Quezon Avenue Extension sa Antipolo City.


Rural ang ambience ng lugar na style bahay-kubo .


Pati ang kanilang mga buffet dishes ay nasa mga palayok pa huh.


At ang kanilang water jug ay mga sinaunang banga din ang lagayan.


Pagdating sa pagkain ay mayruon silang mga karaniwang luto gaya ng kare-kare , adobong manok , liempo , sinigang at iba pa.

At mayruon din namang pasta na spaghetti at desserts like buko pandan at puto.


Pagdating sa lasa ay masasabi kong pangkaraniwan din lang naman ito subalit pasable na rin para sa halagang 149.00 per head.

Kung ikaw ay gutom na gutom at nangangasab sa mga pagkaing lutong bahay ay dumako ka na sa lugar na ito at sulitin ang inyong 149.00 at lantakan ang mga pagkaing Pinoy na ito .

Saan na naman kayang eat all you can diner ang aming susunod na susugurin?

Sugod na !