TRAVELBOOK NOW!

Friday, November 6, 2015

“ Taking Gifting to the Next Level ”

Malapit na naman ang Christmas 2015.




Ang bilis nga ng panahon , parang kailan lamang ay Christmas 2014 ngayon ay heto na naman ang Pasko at kumakatok sa ating mga bintana at pintuan.

Ito ang panahong pinakahihintay ng bawat isa – bata man o matanda , lalaki man o babae at saan mang panig ng mundo – ay ito ang pinakaaantabayanang panahon kung saan ang bawat isa ay may ngiti sa labing sumasalubong sa panahong ito.

Ang panahong ito ay naghahatid ng sari-saring damdamin sa bawat isa.

Ang sabi ng iba ay panahon ito para sa mga bata dahil sa panahong ito ay inaalala natin ang pagsilang ng batang si Hesukristo na siyang tutubos sa kasalanan ng sangkatauhan. 

Ang sabi naman ng iba ay panahon ito ng pagsasama-sama ng mga magkakapamilya.

Ito daw ang the best time upang ang mga magkakalayo ay muling magkalapit , ang mga magkakagalit ay muling magkabati , at ang mga magkakaaway ay muling magkausap upang magkapatawaran.

Ang sabi pa ng iba ay panahon ito ng pagmamahalan.

Tunay nga naman dahil nauna nang magpadama ng Kaniyang pagmamahal ang Diyos dahil sa pagsugo Niya sa kaniyang bugtong na anak na si Hesus upang siyang tumubos sa mga kasalanan ng tao.

Nauna na tayong inibig ng Panginoon kaya marapat lamang na atin ding ibahagi sa ating kapuwa  ang natanggap nating pag-ibig mula sa Diyos.

Paikot ikot lang iyan ikanga.

What goes around comes around.

Inibig ka ng Diyos kaya marapat lamang na ibigin mo din ang iyong kapuwa.

Subalit ano nga ba talaga ang tunay na diwa ng Kapaskuhan ?

Para sa akin ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagbibigayan !

Ito ang panahon kung saan ang bawat isa ay marapat na magbigay o magbalik ng anuman sa kaniyang kapuwa maliban sa kaniyang sarili.

Una nang nagbigay ng Kaniyang sarili ang Diyos.

Hindi nga bat Siya ang ang pinaka-ehemplo ng walang pag-iimbot na pagbibigay dahil una Niyang inialay ang Kaniyang sarili para sa kabutihan at katubusan ng sangkatauhan.

Ngayon naman ang oras upang gayahin natin ang Kaniyang unang ipinamalas na diwa ng pagbibigay.

Ito ang panahon upang ipamalas natin ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibigay.

Sapagkat walang silbi ang pagmamahal kung hindi ka marunong magbigay hindi ba ?

Ngayon sinu-sino ba ang ating dapat na bibigyan ngayong panahon ng Kapaskuhan ?

Dahil dito ay nagtala ako ng mga simpleng listahan kung sinu sino at anu-ano ang ating dapat na ipagkaloob o ibigay sa ating kapuwa.

Para sa akin ang pagbibigay ay may dalawang uri .

Ito ay ang Material Present at ang Non-Material Present:

Ang MATERIAL PRESENT as its name implies ay ang mga bagay o gamit na maari mong ibigay at kasama na dito ang mga damit, appliances , sapatos , bahay at lupa , halaman o tanim at pati ang mga pagkain.

Samantalang ang NON-MATERIAL PRESENT naman ay ang pagbibigay ng iyong sariling oras sa pagkalinga o pag-aalaga o maaaring pagsisilbi sa iyong kapuwa bilang isang regalo o simpleng pagpapakita ng pagpapahalaga sa kaniyang pagkatao.

Ito ang pagbibigay ng iyong mismong sarili at oras na laan para sa iyong kapuwa.

Ngayon sinu-sino ba ang ating mga dapat na bibigyan ?

1.) Ang iyong SARILI – siyempre dapat mo ring bigyan ang iyong sarili bilang pagpapakita ng iyong pagmamahal at pagpapahalaga sa iyong sarili . Kaya kailangan din na may regalo ka para sa sarili mo. Sapagkat ang utos naman ng Panginoon ay mahalin mo ang iyong kapuwa GAYA NG IYONG SARILI . Sapagkat para ikaw ay makapagbigay ng pagmamahal sa iba dapat ay unahin mong mahalin muna ang iyong sarili . Ano ang maibibigay mong pagmamahal sa ibang tao kung msimong ang sarili mo ay hindi mo kayang mahalin di ba ? So dapat may ibibigay ka rin sa sarili mo unang una.



    Kaya naman bilang regalo ko para sa aking sarili at pinaka-wishlist ko na rin para sa aking sarili ay ang i-treat ko ang sarili ko sa isang engrandeng bakasyon sa bandang Visayas at Mindanao.

Kahit saan duon basta ang mahalaga ay maranasan at mapuntahan ko ang mga magagandang tanawin ng ating bansa at malibot ko ang kagandahan ng ating bansa.

At isa pa ay para mapuntahan ko din ang mga SM branches sa bandang Visayas at Mindanao dahil hindi ko pa napupuntahan ang mga iyon. Ang mga SM branches sa Luzon ay nalibot at napuntahan ko na puwera lang ang mga nasa Visayas at Mindanao kaya iyon ang plano ko na isasabay sa aking pagbabakasyon grande sa Visayas at Mindanao .

2.) Ang iyong PAMILYA – kasama na dito ang iyong  ama at ina , kapatid , pinsan ,  uncle o auntie , lolo at lola , mga kapitbahay at mga kaibigan.

Matapos mong bigyan ang iyong sarili ay sunod mo namang bigyan ang iyong kapamilya bilang pagpapakita ng iyong pagpapahalaga at pagmamahal sa kanila .

Kaya naman sa aking mga magulang ay balak kong  i-treat sila sa isang Eat All You Can dining experience sa Vikings Restaurant na maraming branches sa ilang SM Supermalls tulad sa MOA , SM City North EDSA SM Megamall , SM BF Paranaque at sa SM Marikina.



Bagamat hindi ko kayang ilibot ang aking mga magulang  sa ibat ibang panig ng mundo at matikman ang mga masasarap na pagkain ng bawat bansa  ay puwede na nila itong matikman dahil sa buffet ng  mga world class foods  sa Vikings Restaurant.



Kahit dito lamang sa restaurant na ito ay matikman na nila ang sarap ng pagkain sa buong mundo.

At siyempre para sa aking mga batang pinsan , pamangkin at mga inaanak ay may regalo ang kanilang ninong sa darating na Pasko for sure.

3.) Ang iyong KAPUWA – matapos mong bigyan ang iyong sarili at ang iyong kapamilya , nararapat namang bigyan mo ang iyong KAPUWA.




Ang Kapuwa ay iyong mga taong hindi mo kakilala at hindi mo madalas nakikita o nakakausap.
Sila iyong mga batang namamalimos sa lansangan , o ang mga batang inabandona ng kanilang pamilya sa mga charity houses. Sila din ang mga mahihirap na pamilya na nasa barung-barong sa gilid ng kalsada.

O iyong mga maysakit sa ospital na nahihirapang bumil ng kaniyang gamot.

O ang mga matatandang nasa home for the aged na tila ba nakalimutan na ng kanilang kapamilya.

At maging ang  mga taong nasa bilangguan na biktima ng panggigipit at baluktot na sistema ng hustisya sa ating lipunan.

O ang mga taong naging biktima ng karahasan at maging ng bagyo o lindol o anumang  uri ng pagsalanta ng kalikasan at kalamidad.

Sila ang ating mga KAPUWA.

At ano ba ang aking maibibigay para sa kanila?

Bilang panimula ay inumpisahan ko ang pakikibahagi sa SM Joys of Christmas kung saan ay sa halagang 200.00 ay magkakaruon ka ng 2 Christmas Bears na ang isa ay maaari mong iuwi bilang sarili mong teddy bear  at ang kaparis niyang teddy bear naman ay iiwan mo para mai-donate sa mga batang nasa charity houses nang sa gayon ay magsilbing regalo nilang matatanggap ngayong Paskong ito.




If you want to know more about it and to participate in this charitable act here’s one way  : Check out the SM Cares Bears of Joy campaign and know how you can take part in the season of “gift-ing” (http://smcares.com.ph/newsevents/?p=993)

Hindi ba at magandang panimula iyan bilang pagbibigay sa iyong kapuwa especially duon sa mga batang inabandona ng kanilang pamilya and once na mabigyan mo sila ng teddy bear ay mararamdaman nila na sila ay iyong pinahahalagahan at minamahal.

At sa darating na Pasko ay muli akong makikibahagi sa gift giving and Christmas party na rin para sa mga bata na nasa pangangalaga ng  Boys Town sa Marikina.  

Nuong nakaraang taon ay inumpisahan ko ang pakikibahagi sa isang grupo ng mga taong may malasakit sa mga batang ito upang mabigyan ng kasiyahan kahit man lamang sa panahong ito ng Kapaskuhan.

At siyempre dahil sa kailangang bilhin  ang mga material things upang ating maibigay at iregalo sa ating SARILI , PAMILYA at KAPUWA , saan pa ba magandang mag-shopping at mamili ng mga bagay na ito kundi sa mga SM Supermalls na nakapalibot sa ating lugar.



 “For more updates about this year’s “Merry SM Christmas” campaign, visit SM’s official Christmas microsite (https://www.smsupermalls.com/merrysmchristmas2015) and follow its official social media accounts at Facebook (https://www.facebook.com/smsupermalls), Twitter (https://twitter.com/smsupermalls), and Instagram (https://instagram.com/smsupermalls/); and get an insider access to all the fun happenings at SM Supermalls nationwide through Viber (http://chats.viber.com/SMsupermalls). Shoppers can actively share their holiday merriments inside the SM Supermalls by posting their photos on social media and adding the hashtag #MerrySMChristmas2015.”

For sure ay may isang SM Supermalls na malapit sa atin upang bilihan ng mga bagay na ating maireregalo sa ating mga minamahal sa buhay.

SM SUPERMALLS – your one stop shopping destination.

The spirit of Christmas is all about giving .

And giving is the essence of Christmas.

And I am taking my gifting to the next level in partnership with SM Supermalls.

Ikaw , ano ang ibibigay mo para sa iyong SARILI , sa iyong PAMILYA at para sa iyong KAPUWA ?


No comments:

Post a Comment