TRAVELBOOK NOW!

Friday, November 13, 2015

Globe Lumpiang Sariwa

At dahil nasa vicinity naman din ako ng Raon Street sa Quiapo , binisita ko na din ang pamoso , dinarayo at sikat na sikat na store ng lumpiang sariwa dito sa Quiapo Manila .

Ito na yata ang pinakasikat na tindahan ng lumpiang sariwa sa buong Pilipinas at maaaring sa buong mundo.

Blockbuster ang pila , promise.

Pang 17 lang naman ako sa mga nakapila at marami pa ang dumadagdag.


In fact sa sobrang dami nang gustong makabili at makatikim ng sarap ng lasa ng Globe Lumpiang Sariwa ay nagkaubusan at ipinahinto ng may-ari ang pagbibenta right there and then sa iba pang mga nakapila .

Mabuti na lang at nakaabot ako sa pagbili at nakapag-uwi ng maipapasalubong .



At nang aking lasahan ang kakaibang sarap nito ay tunay kang mapapahiyaw  sa sarap , take it from me.

Pati nga sina mama at papa ay napa-tumbling sa sobrang sarap ng flavorful sauce at fillings ng lumpiang sariwang ito .

Try it at hindi ka magsisisi.



2 comments:

  1. It must be very delicious para dumugin ito ng ganun kadaming tao.

    ReplyDelete
  2. sayang wala silang branch ditto sa Kuwait ahaha I love lumpia pa naman mabisita nga yan pag uwi nex year ahehe

    -Baklang Maldito sa Kuwait

    ReplyDelete