TRAVELBOOK NOW!

Saturday, October 31, 2015

Halloween Masks for sale

Tawang tawa ako dito sa kumakalat sa social media na horror at pang Halloween meme na ito , promise.

No offense meant sa " ating pandak at maitim " na presidentiable he he he.

Bili na kayo he he he.

Peace : )





Friday, October 30, 2015

Tibok Tibok

Na-try ko din sa BIG BITE Festival ang Tibok Tibok native delicacies ng mga Kapampangan.

Gawa ito sa gatas ng kalabaw na hinaluan ng latik sa ibabaw kaya napakasarap at malinamnam.

Para siyang maja na mas pinalasa at mas makrema .




Isa sa masarap na gumagawa nito ay ang Wil-Fels Delicacies na base sa San Fernando Pampanga.

Thursday, October 29, 2015

BIG BITE Northern Food Festival

At kahit na bumabayo ang bagyong Lando sa Northern Luzon ay sumugod ang lola ninyo sa Marquee Mall sa Pampanga last October 17 para sa BIG BITE Northern Food Festival .

Ito ay festival ng ibat ibang mga putahe at pagkain na mula sa Norte .

Maraming booths ang nag-aalok ng ibat ibang mga pagkain na tunay namang katakam-takam.

Kung marami nga lang akong pera ay pinakyaw ko na ang lahat ng mga pagkaing ito he he he.

Parang lahat ay gusto kong tikman at lasahan.

Hindi nga lang kaya ng tiyan at bulsa ko he he he.

At saka may lakad pa ako papuntang Subic ( palusot lang : )

Katulad ng Empanada , Longganisa Vigan at Laoag , cold cuts from Cabanatuan , Tapang usa at baboy ramo , wines from Benguet , kakanin from Baguio and Cagayan , sitsirya from Nueva Vizcaya and fruit and vegetable harvests from the Northern provinces at marami pang iba.






















Kitakits tayo next year for the BIG BITE Northern Food Festival 2016

Saturday, October 24, 2015

Dessert - Dawin

LSS ako ngayon sa dance song na ito.

I love dessert pa naman.

Ang sarap ding sayawan.

Kung marunong sana akong sumayaw he he he.


Friday, October 23, 2015

Wednesday, October 21, 2015

Grab Taxi Thailand TVC

Ang astig naman ng TVC na ito from Grab Taxi Thailand .

Tanong lang : Sobrang techie ng life niya pero walang sariling kotse he he he ?

Watch here :

Friday, October 16, 2015

Triple Birthday Celebrations

A birthday celebration for the three of us :

Garry , Ramel and Samantha 

And here are some other pictures too of the celebration :

cousins and aunties

cousins and uncles 

Samantha - birthday celebrant 

friends

nephews

cousins and nieces




Thursday, October 15, 2015

Wednesday, October 14, 2015

Tuesday, October 13, 2015

" Pot Brages "

May ka-meet ako sa SM Masinag nuong isang araw dahil sa isang business transactions.

At nang tinanong ko kung nasaan na siya ay ito ang reply na na-receive ko :




Pilit kong inaapuhap kung saan ang sinasabi niyang " pot brages " na kinaruruonan niya .

At nang makita ko ang plate number ng sasakyan niya at matanto ko kung nasaan siya ay saka ko naunawaan ang lugar na kinaruruonan niya.

Malapit pala siya sa " foot bridges "

He he he he.

Monday, October 12, 2015

Caifu Minute Massage

Tutal at uso naman ang mga minute massager na ito sa mga malls kaya masubukan din nga he he he.

Nakaka-relax na din kahit sa sandaling minuto lang.

At tutal sampung piso lang naman he he he.




Sunday, October 11, 2015

R.I.P. Senator Joker Arroyo and Madam Elizabeth Ramsey

Dalawang magigiting na Pilipino ang pumanaw ngayong linggong ito.

Una ay ang magaling na si Senador Joker Arroyo mula sa mundo ng pulitika.

Hinangaan ng marami dahil sa angking katapangan sa pagbubunyag ng mga katiwalian sa pamahalaan gayun din ang tapat na pagsisilbi sa sambayanan.



At ang pangalawa ay ang magaling at beteranang aktres na si Elizabeth Ramsey - dakilang ina ng singer actress na si Jaya.

Tunay na magaling sa larangan ng pagpapatawa gayundin sa pag-awit kung saan siya ang kinilalang rock and roll queen ng Pilipinas.



Rest In Peace mga kababayan kong dangal ng ating bansang Pilipinas.

Saturday, October 10, 2015

Taisun Grass Jelly Drink

Natikman ko sa 7-11 and drinks na ito .

Astig at merun pa siyang jelly like substance sa loob.