TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 4, 2015

Tapsilog Ni Vivian via OpenSnap

Nang ideklarang winner ang Tapsi Ni Vivian restaurant sa show na Kapuso Mo Jessica Soho sa Channel 7 ay naging curious na kaming matikman ni Rommel ang kanilang ipinagmamalaking tapsilog.


Ito lang namang kainang ito ang idineklarang panalo sa tatlong magkakalabang tapsilogan na the best daw na naghahain ng tapsilog sa buong Pilipinas.

Ang tatlong naglaban na tapsilogan ay ang Rodics Tapsilog ng UP , Maty's Tapsilog ng Paranaque at ito ngang Tapsi Ni Vivian ng Marikina.

At ang winner by unanimous decision ng mga madlang people na pinatikim ng kanilang famous tapsilog ay itong Tapsi Ni Vivian.

At dahil sa out of curiosity pumunta nga kami ni Rommelita sa isang sangay nito sa D. Tuazon Marikina City.

Sa tulong ng application na OpenSnap ay aming natagpuan ang kinaroroonan ng Tapsi Ni Vivian sa Marikina.

Sa tulong ng OpenSnap ay madali naming nakuha ang location ng Tapsi Ni Vivian . May information kasi dito about sa restaurant na gusto mong puntahan katulad ng Tapsi Ni Vivian.

Mayruon ding telephone number na nakalista at puwede mong tawagan para siguradong hindi ka maligaw at maturuan ka kung paano pumunta sa location.

At amin ngang tinawagan ang number na nakita namin sa OpenSnap .

Malapit lamang pala ito sa Santa Lucia East Grand Mall sa Marcos Hiway .

Salamat sa OpenSnap at natulungan nila kami sa aming paghahanap.

Ito ang link ng specific site ng Tapsi Ni Vivian na nakita namin sa OpenSnap Tapsi Ni Vivian

Kumpleto na ang detalye dito tungkol sa hinahanap mong restaurant like the menu items , photos of the store and their menus  , ratings , reviews , payment methods and also their menu prices.

Kaya kung naghahanap ka ng isang specific restaurant na gusto mong puntahan ay mag-download ka na ng app na OpenSnap para siguradong solved ang food trip mo.

At gumora na kami ni Rommel sa site ng Tapsi Ni Vivian sa Marikina.



Madaming tao sa loob nang kami ay dumating patunay na talagang dinudumog sila ng maraming parukyano araw araw.

Hindi nga kami agad nakaupo at kinailangan pang maghintay ng ilang minuto bago magkaruon ng vacant seat para sa amin.

At nang lumapit ang waiter upang kunin ang aming order ay wala kaming ibang hiniling  kundi ang kanilang famous Tapsilog in town.

Mga ilang minuto pa at dumating na ang aming inaasam-asam na pagkain.

At aming nilasahan ang kanilang ipinagmamalaking order ng tapsilog.





And true to its declaration as the grand champion sa paistaran ng mga nangungunang tapsilogan sa Pilipinas , truly , I must also declare , that it deserves the title!


Panalong panalo ang lasa , pramis!

Sakto ang timpla na hahanap-hanapin tiyak ng iyong pihikang panlasa.

No doubt kaya naman sila ang idineklarang panalo at champion.

Patunay na nabusog at nasarapan si Rommel sa aming kinain na Tapsilog ni Vivian ay ito :


O di ba may ebidensiya nga hayan at bundat na si Rommel he he he he.

Sugod na sa Tapsi Ni Vivian for your best tapsilog experience ever.

Panalong panalo sa lasa at sarap na siguradong babalik-balikan mo .

Take it from Me and Jessica Soho.

Again salamat sa OpenSnap at natulungan kami nito sa paghahanap ng Tapsi Ni Vivian sa Marikina.

For more restaurants and food finds, download OpenSnap app from App Store or Google Play.

See you again for more restaurant hopping in and around the country with the help of  OpenSnap!




1 comment:

  1. Haha. Natawa ako dun sa larawang ebidensiya. May idea na ako kung gaano kasarap ang pagkain diyan. xD

    ReplyDelete