TRAVELBOOK NOW!

Friday, September 25, 2015

Revisiting Balara High School ... my alma mater

Dahil sa isang papeles na kailangang lakarin ko  courtesy of my pinsan from (AL)Dubai ay kinailangan kong bumalik sa eskwelahang aking pinanggalingan sa High School .

Ang Balara High School sa Quezon City.

Opo dito ako grumadweyt sa public high school na ito sa loob ng Balara Filtration Plant.

The entrance

Actually ang gusto ng tatay ko nuon ay sa UP ako mag-aral ng high school .

Kaso dahil sa biglaang financial crisis na dumapo sa amin nuong aking kabataan ay nailipat ako sa Balara na isang public school .

Puwede na rin dahil ilang balentong at kandirit lang naman ay malapit ka na rin sa UP.

The UP Sunken Garden 
Actually , ilang dipa lang ang layo nito sa UP ha ha ha.

Kapag nagka-cutting classes nga kaming magkaka-klase ay dito kami sa sunken garden nagi-stroll ha ha ha.

Malaki na rin ang ipinag-iba ng Balara High School sa dating kinagisnan kong eskwelahan.

May improvement ikanga.

Like may mga naitayong bagong buildings and establishments sa paligid ng campus.

Pero ang immediate surroundings ay ganuon pa din .

Very rural and rustic.

Yun bang parang probinsya ang setting : madaming puno , halaman at hayop sa paligid at ang mga disenyo ng bahay ay medyo makaluma na style bahay - kubo.

Subalit sa aking paglilibot - libot ay napansin kong ang ilang mga bahay dito ay wala nang nakatirang tao at medyo nabubulok na .




Hindi katulad nuon na very alive at maraming tao ang nakatira sa loob nito.

Tila ba napag-iwanan na din ng panahon ang lugar at hindi nakasabay sa agos ng kamodernohan.

At any rate isa pa rin ito sa pinakamagandang pasyalan sa buong Kamaynilaan for me .

At sa dami ng naipong memories na nabuo dito , hindi ko madaling makalimutan ang lugar na ito.

Kung saan ang aking High School life and days are truly exciting and kay saya .

Here are some pictures to share:
















No comments:

Post a Comment