TRAVELBOOK NOW!

Wednesday, September 30, 2015

Happy Birthday To Me !







Tuesday, September 29, 2015

With TV Plus and without ...


Monday, September 28, 2015

O+ Commercial featuring Yaya Dub and Lola Nidora

Bet ko itong new patalastas ekek ng O+ featuring  the phenomenal stars Yaya Dub and Lola Nidora of the famous kalyeserye of  Eat Bulaga.

In fairness.

Saturday, September 26, 2015

Ariel commercial ( Teresa's Story )

May bago akong kinaiinisang commercial.

Walang iba kundi ang patalastas ng Ariel tungkol sa isang aleng nadiskubre daw ang Ariel ng buhay niya ha ha ha.

Imbyerna much lang ako dun sa bandang ending ng palatastas ( sabi ng mga tsikiting kong pamangkin ) lalao na duon sa part na nag-grin widely ang bida sa commercial at nakita ang pustiso niyang ngipin ha ha ha.

Ewan ko ba at naglilihi yata ako kaya ganito ako he he he.

Basta imbyerna ako sa tawa niya at minuwestra pa ang ngiwi sa bunganga niya para makita ang pustiso niya waaahhhhh!

Panuorin ninyo dito:



( Note : waley dito sa video na ito ang sinasabi kong annoying part , medyo edited yata ang video version na ito eh )

Friday, September 25, 2015

Revisiting Balara High School ... my alma mater

Dahil sa isang papeles na kailangang lakarin ko  courtesy of my pinsan from (AL)Dubai ay kinailangan kong bumalik sa eskwelahang aking pinanggalingan sa High School .

Ang Balara High School sa Quezon City.

Opo dito ako grumadweyt sa public high school na ito sa loob ng Balara Filtration Plant.

The entrance

Actually ang gusto ng tatay ko nuon ay sa UP ako mag-aral ng high school .

Kaso dahil sa biglaang financial crisis na dumapo sa amin nuong aking kabataan ay nailipat ako sa Balara na isang public school .

Puwede na rin dahil ilang balentong at kandirit lang naman ay malapit ka na rin sa UP.

The UP Sunken Garden 
Actually , ilang dipa lang ang layo nito sa UP ha ha ha.

Kapag nagka-cutting classes nga kaming magkaka-klase ay dito kami sa sunken garden nagi-stroll ha ha ha.

Malaki na rin ang ipinag-iba ng Balara High School sa dating kinagisnan kong eskwelahan.

May improvement ikanga.

Like may mga naitayong bagong buildings and establishments sa paligid ng campus.

Pero ang immediate surroundings ay ganuon pa din .

Very rural and rustic.

Yun bang parang probinsya ang setting : madaming puno , halaman at hayop sa paligid at ang mga disenyo ng bahay ay medyo makaluma na style bahay - kubo.

Subalit sa aking paglilibot - libot ay napansin kong ang ilang mga bahay dito ay wala nang nakatirang tao at medyo nabubulok na .




Hindi katulad nuon na very alive at maraming tao ang nakatira sa loob nito.

Tila ba napag-iwanan na din ng panahon ang lugar at hindi nakasabay sa agos ng kamodernohan.

At any rate isa pa rin ito sa pinakamagandang pasyalan sa buong Kamaynilaan for me .

At sa dami ng naipong memories na nabuo dito , hindi ko madaling makalimutan ang lugar na ito.

Kung saan ang aking High School life and days are truly exciting and kay saya .

Here are some pictures to share:
















Thursday, September 24, 2015

ALDAG na lang

Para wala na kayong away over Pastillas Girl and AlDub ... mag-ALDAG na lang kayo ha ha ha .

Oh di ba .


Wednesday, September 23, 2015

Sylvester collection

This is my Sylvester Collection of Looney Tunes fame.

Eversince bulinggit pa me ay fan na ko ng super kulit na pusang ito lalo na kapag nagkukulitan at naghahabulan na sila ni Tweety Bird : )


Tuesday, September 22, 2015

Sa-Wrapped

Natikman ko ang panalong mga recipe ng Sa-Wrapped dito sa SM Baguio City .

Completely wrapped in dahon ng saging kapag inihain sa iyo ang kanilang mga silog meals.

Try n'yo dali :

Add caption




Monday, September 21, 2015

Smirnoff Flavored Vodka

Ito naman ang in-introduced ng pinsan kong si Liezl.

Smirnoff Flavored Vodka .

Kung hindi man mas masarap , kasing sarap din ng San Miguel Flavored Beer.

Tamang pampatulog lang at pampalipas boredom : )






Sunday, September 20, 2015

San Miguel Flavored Beer

Nagiging favorite ko nang laklakin ( laklakin talaga huh ) , o sige tunggain na lang , ang bagong San Miguel Flavored Beer especially ang Apple Flavor nito.

Lalo na kapag super lamig at maraming iceberg sa bunganga ng baso he he he.

Sarap mag-emote kapag ito ang kasama mo : )

hindi akin ang picture , nakuha lang sa net 

Saturday, September 19, 2015

El Presidente of Binondo

Masarap din pala ang mga pagkain dito sa El Presidente of Binondo.

At least I have tried .






Thursday, September 17, 2015

UP Town Center

Nagkaruon ako ng chance na makadaan sa commercial center ng mga Ayalas na nasa UP in Katipunan Avenue .

Ang UP Town Center.

Matagal na din akong hindi nakakadaan sa dakong ito ng Quezon City .

Ang huli kong tanda dito ay UP Integrated School ang nakatayo dito dati .

Subalit ngayon ay nakuha na naman pala ng mga Ayalas ang lugar na ito sa UP.

Konting picture picture lang at umalis na din ako kaagad.

Wala namang masyadong ganap sa mall at hindi din ganuon kadami ang tao kaya medyo sad ang lola mo.

Going places ang mga Ayalas talaga and they are sprouting like a sprouted monggo in every corners ha ha ha ha.

In fact may ginagawa na naman silang bagong commercial place malapit sa lugar namin sa Marcos Highway in Pasig City.







Wednesday, September 16, 2015

Mighty Is The Power Of The Cross - Chris Tomlin

Nakaka-inspire at  highly sentimental ang lyrics ng Christian song na ito ni Chris Tomlin.

Super agree ako that Mighty Is The Power Of The Cross.

Damahin ninyo ang lyrics at siguradong you will agree with me.

Tuesday, September 15, 2015

Subway Sandwich

Masarap din pala ang Subway sandwich like this .

Pasensya na , first time nakatikim he he he he .




Monday, September 14, 2015

Rattan Fruit

May nakita akong kakaibang fruit sa SM Masinag Supermarket.

Out of curiosity ay buyla naman me.

Ang Rattan Fruit.

Hmmmmm , para siyang sampalok sa lasa at asim.

Sarap lagyan ng asin he he he he.

At least natikman ko davah  naman.