TRAVELBOOK NOW!

Saturday, August 8, 2015

Sine sa SM City Cauayan

Dahil alas singko ng hapon pa ang biyahe ng Dalin Bus sa kanilang terminal sa Cauayan City Isabela papuntang Baguio , wala akong nagawa kung hindi palipasin ang oras sa loob ng SM City Cauayan.

At dahil maaga akong dumating nang alas-diyes ng umaga ( eksaktong kabubukas lang ng mall ) ay naisipan kong gugulin ang paghihintay ng oras sa pamamagitan nang panonood ng sine.

Puwede nang pampalipas oras at pampatulog sa loob he he he.

Wala halos akong mapiling magandang pelikula .

Pitch Perfect 2 sana kaso punuan na daw ang loob.

Spy naman nina Jason Statham at Melissa Mc Carthy kaso parang di ko bet ang comedy ngayon.

Ang You're Still The One naman ay masyadong corny at jologs he he he he.

Base sa trailer ay pinili ko ang Tomorrowland ni George Clooney.

Futuristic sci-fi .

Muntik na akong mapabulyaw sa mahal ng ticket.

Hindi ko akalain na 170.00 na pala ang presyo ng sine ngayon.


Eh nuong kabataan ko ay 10.00 lang iyan eh , anyareeeehhh!

At minsan double show pa o dalawang pelikula ang mapapanuod mo.

Sobrang mahal na nga ang mag-relax at maglibang ngayon.

It is totally a luxury nowadays.

Eh ang 170.00 ay pang anim na kilong bigas ko na para sa aking pamilya ah.

Kung hindi nga lang kailangang maghintay ay hindi talaga ako manunuod ng sine .

Sayang ang pera he he he.

Kaya ang daming nagtitiyaga sa pirated eh.

Kaso bumili pa ako ng pangkukot sa loob.

Ang halaga ay 108.00

Sa isang panuoran lang ay gumastos na ako  ng kulang kulang 300.00 huh


Nang ako ay pumasok ay halos walang tao sa loob.

Magtataka ka pa ba !





Ewan kung dahil hindi nila bet ang palabas o sadyang namahalan sa presyo ng ticket at pangkukot that goes with watching a film.

As for the film story ay so so din lang naman.

Nothing extravagant.

Iba lang talaga ang panghalina ng trailer.

Ang lahat nang maganda ay nasa tariler na pala ha ha ha.

Sana pala ay trailer na lang ang pinanuod ko .

Enjoy : )

2 comments:

  1. Wow mukang madalas sa bagyow lolz

    ReplyDelete
  2. ahaha dami ko tawa.. kalokah ang mahal na pala ng sine sa pinas now huhu.. sa double program na sinehan sa recto tumaas na din ba ahehehe..

    - Baklang Maldito sa Kuwait

    ReplyDelete