TRAVELBOOK NOW!

Sunday, August 16, 2015

Ang Hotseat

Ito ang tulang ginawa ko para sa audition ko sa Who Wants To Be A Millionaire ? sa Ali Mall Cubao.

ANO NGA BA ANG SANGKAP 
UPANG SA HOTSEAT AY MAKAUPO ?

AT MAKAHARAP ANG BOSSING
NG MASA NA SI VIC SOTTO

MAAGANG GUMISING 
PARA SA AUDITION AY MAGTUNGO

SA WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE
SA ALI MALL CUBAO PO

SA FIRST ROUND 12 QUESTIONS
DAPAT MONG MAKOPO

SA TOP 10 NA TAMANG SAGOT
DAPAT IKA'Y MAKAPUWESTO

TULOY SA SECOND ROUND
NA CAMERA VIDEO

MAGPAKITANG GILAS 
SA MGA NANUNUOD NA HURADO

THEN SA LAST ROUND NA 
ONE ON ONE INTERVIEW

KAPAG IKA'Y NAKAPASA
PASOK KA NA SIGURADO

SA MAILAP NA HOTSEAT 
UUPO KANG PIHADO

ANO NGA BA ANG SANGKAP
UPANG SA HOTSEAT AY MAKAUPO

DAPAT BA ISMARTE
INTELIHENTE AT BIBO

ANG SAGOT KO'Y OO
DAPAT MATALINO

HINDI MAHIYAIN 
DAPAT GANADONG GANADO

PATI ANG BUHAY MO
DAPAT MAGANDA ANG KUWENTO

MAAANTIG ANG PUSO
NG BAYANG PILIPINO

KUNG MAY ISANDAANG RASON
NA IBIBIGAY AKO

MAHIGIT PA RITO 
ANG TANGAN TANGAN KO

ANG AKING PANINIWALA
AT ITO ANG TOTOO

SA MAILAP NA HOTSEAT 
AKO NA ANG UUPO

KAYA HUMANDA KA BOSSING
MAGHAHARAP NA TAYO

AT AKO NA ANG TATANGHALING
SUSUNOD NA MILYONARYO!

ANG HOTSEAT !

Sadly , hindi nito naantig ang puso ng mga hurado : (

#WWTBAMnobelapamore
#huwagsusukosaauditionsaWWTBAM
#walangkadaladalaatwalangkasawasawa

No comments:

Post a Comment