TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 3, 2015

Welcome to Vigan City

Dahil sa isang tawag ng trabaho ay napadako ako sa itinuturing na premiere city in the North.

Ang Vigan City sa Ilocos Sur.

Ito ang capital city ng lalawigan ng Ilocos Sur.

At ito lang naman ang idineklara as one of 7 new Wonder Cities ng site na New 7 Wonders.

Isa rin itong World Heritage Site.

Ang taray huh.

First time ko ito mapuntahan kaya I am super excited to the maximum level.

Mula sa Baguio City ay sumakay ako ng Farinas Bus patungong Laoag City.

Along the way ay marami din akong magagandang tanawin na namasdan.

At dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa loob ng bus.

At nang ako ay magising ay lumagpas na ako sa Vigan ha ha ha.

Halos malapit na ako sa boundary ng Ilocos Sur at  Ilocos Norte.

Wala akong choice kundi sumakay ulit ng bus pabalik ng Vigan City.

After a 30 minutes na biyahe , at last narating ko din ang Lungsod ng Vigan.

Namangha ako sa kapaligiran, I swear.

Starstruck kumbaga sa isang tao sa unang tingin mo.

Una kong nasilayan ang plasang ito na nasa harap ng Vigan Cathedral.





At ito ang Vigan Cathedral.





Kamanghamanghamazing.

Sa tanawin pa lang na ito ay sulit na ang pagod at hirap ng biyahe sa pagpunta dito sa Vigan.

At dahil gutom na ako ay naghanap muna ako ng makakainan.

Ito ang parang food row nila na malapit din sa plasa.

Nag-aalok sila dito ng mga native na putahe katulad ng sinanglaw at Vigan empanada.


Na siyempre tinikman ko at nilasahan.

Superb ang lasa , promise.

Matapos kong mabusog ay hinanap ko na ang kanilang ipinagmamalaking mga luma at sinaunang bahay o kasa.

Ito ay nasa Calle Crisologo.

At ito ang tumambad sa akin sa unang pasada.


Huwawwwwwwww !

Para akong naglalakad nuong unang panahon ng mga Kastila.

Ang luluma ng mga bahay.











Sa aking pagtatanong ay nakatayo na ang mga bahay na ito sa loob ng limang siglo na ang nakakaraan.

Ang ilang mga bahay nga ay halos magiba na dahil sa kalumaan.

Ngunit dahil sa preservation ay napanatili nila ang kariktan nito sa loob ng maraming taon.

Pati ang kalsada ay gawa sa authentic cobblestones.

At ang mga kabayo at kalesa na bumabaybay sa lansangan nito ay nagbibigay ng feeling na ikaw ay nasa sinaunang panahon.

Pakiramdam mo ay you have travelled back in a time machine or capsule  at ipinadpad ka sa lugar na ito nuong circa ika-15 hanggang ika-18 siglo.

Marami ang nagtitinda ng kung anik anik na bagay .



Magmula sa mga lumang kagamitan o muwebles at ilang mga native na crafts hanggang sa mga pagkain na dito mo lamang matatagpuan katulad ng Vigan Longganisa , Bagnet , Bagoong , Chichacorn ,Empanada at iba pa.

Tunay nga namang karapat-dapat na itanghal ito bilang

At sana ay mapanatili ng mga namamahala dito sa Lungsod ang kariktan ng kalumaan sa kanilang lugar at hindi lamunin ng modernisasyon ang kapaligiran.

Bagamat mababanaag mo ang unti-unting pagsulpot ng kaunlaran at modernisasyon sa kapaligiran katulad ng pagsulputan ng mga modernong fastfood at kainan , subalit nakakatuwang pagmasdan na pinanatili nila ang disenyo ng mga lumang bahay na kanilang kinaroroonan.





Sana ay maging ganito pa rin ang anyo nito sa paglipas ng marami pang taon.

Nakakatuwa lamang isipin na may mga lugar pa rin sa mundo , partikular sa dakong ito ng Pilipinas na  pinapahalagahan ang pagpreserba ng nakaraan at nakalipas nang sa gayon ay maging salamin ng mga nasa bagong henerasyon sa kanilang paglingon sa kanilang mga sinaunang kultura at tradisyon.

Kudos to the people who are responsible for making this side of the world truly a heritage to behold by the people of the next generation.



No comments:

Post a Comment