TRAVELBOOK NOW!

Tuesday, July 21, 2015

The Old Spaghetti House Pasta All You Can

Sumabak din kami ng kaibigang Rommelita sa pagkain ng sandamakmak  na pasta at pizza.

Ito ay sa The Old Spaghetti House sa branch nila sa SM Manila.


Pasta all you can ang promo nila.


Sa halagang 149.00 ay malalantakan mo na to the max ang kanilang mga signature pasta dishes katulad ng Alfredos, Vietnamese Garlic, Pesto at Pomodoro.

Dagdagan mo pa ng 50.00 at unli na rin ang pizza servings mo like 5 Cheese, Hawaiian at Pepperoni.

Siyempre hindi unli ang drinks kaya tubig na lang sa amin he he he.

In fairness ay masasarap naman ang kanilang mga pasta dishes iyon nga lang ay kulang sa meat toppings.

Or should I say ay wala talagang meat toppings kundi puro sauce lang talaga ha ha ha.



Kaya nga Pasta all you can di ba .

Hindi naman sinabing Pasta and Meat Toppings all you can okay ?

Kaya ang Rommelita ay panay ang reklamo dahil hinahanap niya ang nawawalang mga meat toppings he he he.


At ang mga pizza naman ay super thin as in.


Na tila ba puro  dough na lang at wala nang palaman .

Kaya naghahanap ulit si Rommelita nang mga nawawalang meat fillings he he he.

In all fairness ay maganda naman ang ambience ng lugar.

Very nostalgic at dadalhin ka sa panahon ng taong 70’s to 80’s

Pati ang sounds and music ay very 80’s din.

Iyon nga lang ay hinahanap pa rin ni Rommelita ang mga nawawalang meat toppings and filings he he he.


Nang tanungin ko ang crew kung pareho lang ba ang servings nila kapag regular priced meal at eat all you can ay sinabi niyang magkaiba daw.

Siyempre daw kapag regular priced meal ay umaapaw daw ang kanilang meat toppings and fillings.



Oh well.

Eh di wow!

No comments:

Post a Comment