TRAVELBOOK NOW!

Saturday, July 25, 2015

Tapsi Ni Vivian

Nang ideklarang winner ang Tapsi Ni Vivian sa show na Kapuso Mo Jessica Soho sa Channel 7 ay naging curious na kaming tikman ni Rommelita ang kanilang ipinagmamalaking tapsilog.


Ito lang naman ang panalo sa tatlong magkakalabang tapsilogan na the best daw na naghahain ng tapsilog sa buong Pilipinas.

At pumunta nga kami ni Rommelita sa isang sangay nito sa D. Tuazon Marikina City malapit lamang sa Santa Lucia East Grand Mall.


At aming nilasahan ang kanilang ipinagmamalaking order ng tapsilog.





And true to its declaration as the grand champion sa paistaran ng mga nangungunang tapsilogan sa Pilipinas , truly , I must also declare , that it deserves the title!


Panalong panalo ang lasa , pramis!

Sakto ang timpla na hahanap-hanapin tiyak ng iyong pihikang panlasa.

No doubt kaya naman sila ang idineklarang panalo at champion.

Patunay na nabusog at nasarapan si Rommelita sa aming kinain na tapsilog ni Vivian ay ito :


O di ba may ebidensya hayan at bundat na si Rommelita he he he he.

Sugod na sa Tapsi Ni Vivian for your best tapsilog experience ever.

No comments:

Post a Comment