TRAVELBOOK NOW!

Friday, July 24, 2015

Rodics Tapsilog

Nang dumako ako sa bagong bukas na SM San Mateo ay napansin ko ang kainang ito.

Ang Rodics Diner.


Naalala ko na ito ang nai-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho ng GMA Channel 7  para sa kanilang Tapsilog challenge.

Bale tatlo sila nuong naglaban-laban bilang pinakamasarap na naghahain o nagluluto ng tapsilog at ito ay ang Dongalo Paranaque , ang Tapsi Ni Vivian at ito ngang Rodics.

Ang nanalo sa paligsahang iyon ay ang Tapsi Ni Vivian bilang pinakamasarap na tapsilog in town.

Subalit the fact na ikaw ay nakasama sa tatlong pinagpilian bilang pinakamasarap , ibig sabihin lang ay may laban ka sa kanila di ba.

Kaya ang Rodics Tapsilog ay aking tinikman.

Heto na siya:





Bale nagsimula ang kainang ito sa UP Diliman campus nila.

At magmula duon ay namayagpag na ang kanilang pangalan bilang isa sa mga naghahain ng pinakamasarap na tapsilog sa buong Pilipinas.


At nang aking lasahan ay hindi nga ako nabigo.

Masarap nga ang kanilang tapsilog in fairness.

Hindi siya masyadong maalat.

Sakto lang ang timpla niya kumbaga.

Tapos ay isawsaw mo pa sa kanilang masarap na suka.

Bale ang kanilang tapsilog ay hinimay himay na tiny beef strips na isinabog  sa iyong sinangag.

Kaya naman hindi ako magtataka kung isa sila sa inilaban sa tatlong adjudged pinakamasarap na tapsilog servings in town.

Next na project ko ay tikman ang  idineklarang panalo at pinakamasarap na tapsilog ayon sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Ang Tapsi Ni Vivian.


No comments:

Post a Comment