TRAVELBOOK NOW!

Saturday, July 4, 2015

99.00 Buffet Diner

At dahil patuloy kami ni Rommelita sa paggalugad ng mga murang buffet diner dito sa Kamaynilaan ay aming nabungaran ang eat all you can diner na ito sa Cubao Quezon City.

Malapit lamang ito sa Aurora Boulevard at Arayat Street sa Cubao.

99.00 lang ay makakakain ka na ng lunch o dinner na gusto mo.

Ito ang mga dishes na nakahain nang kami ay lumapang bandang alas- otso ng gabi.

O diba , tipikal na lutong bahay dishes lang ang peg.

Para kang kumakain sa karinderya he he he.

Tungkol naman sa lasa ay sakto lang.

Sakto sa halagang 99.00 he he he.

Kung tatanungin ninyo ako kung sulit ba ang pagkain dito ay masasabi kong sulit na rin.

Lalo na kung mahilig ka sa tahong.

Ang downside lang ay walang dessert huh.

At wala pang libreng drinks.

Kailangan mo pang magbayad separately para makainom ka ng softdrinks.

Dapat kasama na iyon sa 99.00 na buffet fee.

Pampatanggal umay.

Tutal ay hindi naman din ganuon karamihan at kasarapan ang kanilang mga dishes.

Pero kung galing ka mula sa maghapong pagtatrabaho at pagod ka mula sa matrapik na biyahe at ayaw mo nang ma-hassle pa sa 
pagluluto sa iyong bahay ay puwede ka nang mag-side trip sa diner na ito.

At least naka-aircon ka pa habang lumalapang.

Ciao.


No comments:

Post a Comment