TRAVELBOOK NOW!

Friday, June 26, 2015

Sinanglaw

Sa patuloy na pag-iikot ko sa Lungsod ng Vigan isa pa ring native dishes ang aking nilasahan.

Ito ay ang Sinanglaw.

Ang Sinanglaw ay isang uri ng lutuing Ilokano na ang lahok ay mula sa mga laman-loob ng isang baka tulad ng atay , bituka , kidney , lung , pancreas at iba pa .

Halo halo na sa isang putahe kumbaga.

May sangkap din itong bile o iyong mapait na likido mula sa gall bladder kung kayat may kapaitan itong taglay.

Puwede itong maihalintulad sa Papaitan ng mga Tagalog.

O sa sisig ng mga Kapampangan.

Pero hindi katulad ng sisig na walang sabaw , ito ay umaapaw sa masarap at malinamnam na sabaw na pinaghalong mapait at maasim ang lasa.

First time ko itong matikman dito sa Vigan City and instantly I became enamored with its flavorful soupy taste .

In fact ay nakadalawa akong servings ng rice para sa ulam na ito.

Try it and I am sure you too will love this flavorful soup dish.









No comments:

Post a Comment