TRAVELBOOK NOW!

Thursday, June 4, 2015

Puregold Sari Sari Store Convention 2015

Nagkaruon  na naman ang Puregold Supermaket ng kanilang 12th Sari Sari Store Convention this year na may temang Unlimited  last May 20 to 24 .

At dahil member ako ng Tindahan ni Aling Puring ay sumugod ako dito.

Ang daming pakulo , freebies , palabas , artista , gimik at siyempre mga tao sa loob ng World Trade Center kung saan ito idinaos.

Hindi magkamayaw ang mga tao sa pag-apuhap ng mga mapapamiling paninda na saksakan ng mura at halos bagsak presyo na.

Ilan lang sa mga artistang nasilayan ko sa ikalawang araw ng Puregold convention ay sina Betong Sumaya , Kim Chiu at si Negi

At dahil hilong talilong na ako sa kakapili at kakapamili ng mga paninda para sa aking tindahan ay halos hindi na ako nakapag - picture masyado .

Pagpasensyahan n'yo na ang mga nakayanan kong kuhanan.













1 comment:

  1. I should been there. Gusto ko mga mura bilihin:)

    ReplyDelete